PMS-8
"AW!" nahimas ni Jarsey ang kanyang balikat.
"Ang bata mo pa Jarsey! Makukurot talaga kita sa singit! Nagpalabi gayud ka sa imuhang gebati!" Nakamot niya ang kanyang ulo at inayos ang kanyang suot na apron.
"Ate naman e! Mahal na mahal ko talaga si Connor." Bumuntong-hininga ang kanyang pinsan.
"Ang akin lang naman Jars, huwag puro pag-ibig. Tandaan mo, ang dami mo pang puwedeng gawin sa buhay. Connor will always be Connor. Hindi naman sa against ako sa kanya. Kaya lang, 'di ba parang nagmamadali ka?" Nakagat niya ang kanyang labi. Kung bakit ba naman kasi ay bigla niyang nabanggit 'yon. Sinabi niya kasing pakakasal siya agad kay Connor sa oras na mag-propose ito sa kanya.
"Mahal ko siya ate." She despair.
"Pag-isipan mong mabuti. Okay?" Tumango siya sa pinsan.
"Labas muna ako ate Jezen." Tinanguan lang siya nito. Hinubad niya ang kanyang suot na apron. Nang makalabas siya'y bigla namang may umakbay sa kanya.
"Karl!" sambit niya nang makilala ito. Mabilis pa siya nitong hinalikan sa kanyang pisngi. "Na-miss mo 'ko?" nakangisi pa nitong tanong.
"Sobra!" aniya at yumakap sa baywang nito. Si Karl ay pinsan ni Jarsey sa kanyang father side. Minsan lang 'to umuwi sa kanila dahil naka-base na ang pamilya nito sa Canada. At mas matanda ito ng limang taon sa kanya. Malapit ito sa kanya kaya ganoon ito ka-sweet. Minsan pa nga'y napagkakamalang dyowa niya ito.
"Kailan ka pa umuwi?"
"Last week lang. Ikaw? Nag-volunteer ka?"Tumango siya. "Buhatin kita? Sakay ka sa likod ko." Matamis siyang napangiti kay Karl.
"Ang umayaw! May parusa!" Agad siyang sumampa sa likod ng binata.
"Ugh! Ang bigat mo na Jars!" angal pa nito. Ginulo niya ang buhok ng binata.
"Sino ba nauna? 'Di ba ikaw!?" Tawa siya nang tawa.
"Na-miss ko bigla si Tamara," sambit ni Karl. Natigilan si Jarsey.
"Tamara?" tanong niya. "Why Jars?"
"Ah, wala. Baka kapangalan lang. Alam ko namang hindi ganoon ang taste mo sa isang babae."
"Yeah." "Matagal na ba kayo?" usisa niya pa.
"Yes. Three years na. Busy siya ngayon e. Sayang. Gusto pa naman kitang ipakilala sa kanya." Natahimik siya. Bakas sa kanyang pinsan ang lungkot pero 'di lang nito pinahahalata. "Krimy?" Diretso siyang napatingin sa unahan.
"Con-" Napatigil siya dahil parang ang samang makatingin ng nobyo sa kanya.
"Excuse me," anito at nag-walk out.
"Teka, Connor!" tawag niya rito.
"Ibaba mo ako Karl!" utos niya sa kanyang pinsan. Ibinaba naman siya nito. Dali-dali siyang tumakbo at nang makalabas siya ng gate ay natanawan niya na lamang na nasa malayo na ang sasakyan nito.
"Sino 'yong tisoy na 'yon? Ang guwapo ha! Nabakla yata ako." Nasapak niya ang lalaki.
"Baliw ka! Boyfriend ko 'yon! Ah! Naman e!" Napapadyak siya. Inakbayan naman siya ni Karl at ibinigay sa kanya ang susi ng motor nito.
"Sundan mo. Baka na-misunderstood niya tayong dalawa. Akala niya siguro boyfriend mo ako. Hay. Ang guwapo ko talaga."
"Baliw!" "Ang pangit mo rin! Bilis na. Baka magpakamatay 'yon. Sige ka," anito at itinulak pa siya ng binata. Gigil na gigil niyang nasipa ito sa binti bago tuluyang sumakay sa motor.
"Ingat ka Jars!" pahabol pa nito.Agad niyang isinuot ang helmet at agad na pinatakbo ang motor.
Pinuntahan niya lahat ng mga lugar na alam niyang posibleng puntahan ni Connor. Good thing, she knows how to ride a motorbike. Pero ang mahirap lang dahil wala si Connor sa mga lugar na kanyang pinuntahan. Umiiyak na siya habang nagmamaneho. She knows it was not right to lose a control but how can she focus. She was so nervous and scared. Alam niyang iba ang iniisip ni Connor at ayaw niya 'yong ganoon. Gusto niyang iwaksi sa isipan nito ang mga negatibong bagay. Humikbi siya at pinunasan ang kanyang mga luha. Six o'clock na ng hapon ngunit hindi pa rin niya nahahanap ang binata. Hindi niya rin ito matawagan sa cell phone nito. Paano ba naman kasi ay kahit na boyfriend niya na ito'y 'di niya pa rin alam ang cell phone number ng nobyo. Bumaba siya sa motor.
"Oh, Jarsey, napadaan ka?" anang ale nang makilala siya nito nang kanyang hubarin ang suot na helmet. Tumikhim siya.
"Aling Rufina, nakita niyo ho ba ang lalaking 'to?" tanong niya habang ipinapakita ang picture ni Connor sa kanyang cell phone. Malat pa ang boses niya at halatang kagagaling lang sa pag-iyak.
"Ay kamukha niya 'yong lalaking bumili sa akin ng panggatong kanina. May dala rin siyang tent, Jarsey. Baka nasa Lianga Bay 'yon. Alam mo naman ang mga turista sa atin dito, mahilig-"
"Salamat po!" agad niyang sabat at agad na pinaandar ang motor upang mapuntahan na ang binata.
BINABASA MO ANG
PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZA
General FictionR-18 Not suitable for young readers. Book Cover ©DJDeeOfficial