PMS2-12.1

14.3K 331 7
                                    


PMS2-12.1

HALOS tulala lang si Jarsey habang nakaupo sa silya. Nasa kawalan ang utak niya. Namamaga pa rin ang kanyang mga mata. Bigla na lang kasi siyang iiyak. Huminga siya ng malalim at napatayo. Ngayon niya lang napuna na sobrang aligaga ang kanyang kuya Elven. May mga bag itong dala.

"Kuya, para saan po ang mga iyan?" taka niyang tanong sa kapatid.

"Itatakas kita Jarsey," sagot nito. Kinuha niya ang hawak nitong bag.

"Buo na ang pasya ko kuya. Itigil mo na ito." Kunot-noo naman itong umaling sa kanya.

"Nahihibang ka na ba Jarsey! Naririnig mo ba ang sarili mo? Ibebenta ka ni itay sa matandang kakilala niya! Hindi ka magiging masaya ro'n!" Nabitiwan niya ang bag na dala. "Sa sitwasyon ko ba ngayon kuya, magagawa ko pa bang maging masaya? Wala na si inay! Wala na rin ang nobyo ko! Kaya hindi ko hahayaan na pati ikaw ay mawala sa akin kuya! Ayaw kong hawakan ka sa leeg ni itay!" umiiyak niyang ani. Umigting ang panga nito.

"Anong ginawa sa iyo ng lalaking iyon!?" Hindi siya umimik. Nanatili lamang sa pag-agos ang kanyang mga luha. Agad siyang niyakap ng kapatid. Mahigpit niya rin itong niyakap. Ito na lang ang mayroon siya kung kaya't kahit magsakripisyo pa siya'y lahat gagawin niya. Ngayon pa ba siya dadalawin ng agam-agam gayong kalayaan na ng kanyang kuya Elven ang nakasalalay.

"Tao po! Narito ba si Jarsey?" Pareho silang napabaling ng kanyang kapatid sa kanilang pinto. Agad niyang tinuyo ang kanyang mga pisngi. "Ako ho si Jarsey, bakit po?" sagot niya habang namamalat pa ang kanyang boses.

"Ipinasusundo na po kayo ni Mr. Libranza." Nakuyom niya ang mga kamao at humugot ng malalim na hininga. Pinulot niya ang kanyang mga gamit at sumunod dito. Pinigilan pa siya ng kapatid ngunit agad niyang inalis ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay.

"Hintayin mong tumawag ako kuya. Huwag kang gagawa ng kahit anong bagay na ikapapahamak mo. Mahal kita kuya," aniya sa kapatid bago tuluyang sumakay sa loob ng sasakyan. Huminga siya ng malalim. She knew she'll be living in hell but she never hesitate to choose this path. She won't back out.

ILANG oras din siyang ibiniyahe until the car stops. Halos pigilan niya ang kanyang paghinga nang pagbuksan siya ng driver ng pinto. Nang lumabas siya at makita ang lugar ay agad siyang namangha. Nasa isang liblib na lugar siya ngunit para itong asyenda o farm. She can't decide. Because the moment her eyes laid in that place, she's out of words. As she explore her eyes. The house is an out of the country old fashion design. It was just a two story house but it can't hide the fact that it was well maintain. Even the garden at the left side and also the breathtaking scenery on the right side. Kaharap ng bahay ang dagat which is she likes the most. Ang akala niya'y sa pag-alis niya'y malalayo siya sa dagat at mamimis niya ito pero maling-mali siya. She was busy checking stuffs when an old man showed up and walk towards her. She held her breath for a moment and strengthen her posture.

"Ikaw ba si Jarsey?" anito. Bahagya siyang tumango.

"Come," paanyaya nito. Sumunod lamang siya sa paglakad hanggang makapasok sa loob ng bahay.

"Sandali lang," anito pa at umakyat sa hagdan. Her knees are trembling. Sa sobrang gara ng loob ng bahay ay parang ayaw niya nang umapak sa sahig na marmol. When her eyes stops from observing, it stuck on the wall. Her tears immediately fall down on her cheeks. Nakagat niya ang labi upang pigilan na mapaungol. Nahigit niya ang kanyang hininga. She's full of questions!

"Jarsey?" anang lalaki sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito'y isang matandang lalaki. Parang kasing edad ito ng kanyang inay Gina ngunit magandang lalaki ito at kahit pa namumuti na ang buhok nito'y 'di maitatangging maalaga ito sa sarili.

"B-bakit may larawan si inay dito? At kasama pa kayo?" naguguluhan niyang tanong.

"She's my wife." Umawang ang kanyang labi.

"And I am your father Jarsey. Romel Taub Evasco." Mas lalo siyang natigilan. Nang makabawi siya ay agad siyang bumagsak sa sahig at umiyak ng todo. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maging reaksyon. Hindi niya alam kung tama ba na sisihin din ang ama niyang nagpakilala sa kanya ngayon. She's tired and helpless. Her father immediately hug her tight.

"Patawarin mo 'ko anak," anito while his shoulders are shaking. Her father cried. She's wordless. Biglang nagdilim ang kanyang paligid. She's numb.


PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon