PMS2-4

18.6K 441 9
                                    


PMS2-4

That's the reason why she's so interesting for him. Ito rin ang dahilan kung bakit nahulog ang loob niya sa dalaga. Not because she likes him, but because she was so pure and innocent. And for the record, siya ang kauna-unahang naging boyfriend nito. Kaya naman ayaw niyang masaktan ito at lalong-lalo na ang makita itong umiiyak. Nginitian niya si Venus.

"Pasado ba ako sa iyo?" tanong niya pa.

"What!? Oo naman 'no! Kahit 'di nag-inform 'yong baklang 'yon sa akin ay botong-boto ako sa iyo! Hmp! Ang bango mo talaga!" Hinampas-hampas pa siya nito sa kanyang balikat at pinisil-pisil ang kanyang braso. Halatang gigil na gigil ito sa kanya.

"Nakita mo ba si Jarsey?" ulit niyang tanong.

"Oh!?" bulalas pa nito kasabay nang pagtampal sa noo.

"Nakalimutan. Naghabilin pala iyon sa akin na daanan ka para sabihin sa iyong mahuhuli siya kasi nasa palengke pa siya." Nakahinga siya ng maluwag.

"Nako ang bruhang 'yon talaga. 'Di na lang talaga idinaan sa text at ginawa pa akong human messenger." Natawa naman siya kay Venus.

"Sorry. Kasalanan ko. 'Di ko kasi nakuha ang cell phone number niya kanina."

"Oh? Ganoon ba? Nako, okay lang. On the way lang din naman 'yong pupuntahan ko sana."

"Salamat ulit." Ngumisi naman ito at nagpa-cute pa sa kanya. Ngunit agad din namang nagbago ang aura nito nang may matanaw sa kanyang likuran.

"Speaking of impakta! Bakit nandito 'yang babaeng 'yan?" turo pa nito. Nang kanya namang sundan ang itinuro nito'y nakita niya si Tamara.

"Why? May problema ba sa kanya?" taka niyang tanong. Sumimangot naman ang mukha ni Venus.

"Ay da! Nagpa-salon 'yan kanina at narinig kong may kausap siya sa phone. Nabanggit niya kasi bigla ang pangalan ni Jarsey. Sabi pa niya..." Tumikhim pa muna ito.

"She'll pay for making me look like a bitch in front of Connor! I swear! Napakasumbungera niya! Buwesit!" panggagaya niya pa kay Tamara habang nire-repeat ang sinasabi niya.

"Imbyerna! Kalami na lang gyud opawan oy! Letse!" Umigting ang kanyang panga.

"Hala oy! Mulakaw nako Connor! Bye bayot!" Tinapik pa nito ang kanyang balakang. Napaigtad siya.

"Ingat ka."

"Da! Sila ang mag-ingat sa akin! Bye oppa!" Nag-flying kiss pa ito

sa kanya. Nailing lamang siya at natawa ng bahagya. Muli niyang binalingan ng tingin si Tamara. Muling umigting ang kanyang panga at hinugot ang kanyang cell phone sa bulsa. Nang tingnan niyang muli si Tamara ay kumaway pa ito sa kanya. Inirapan niya ito at tinungo ang kanyang sasakyan. Sumakay siya sa kanyang Hummer H3 at kinulikot muli ang kanyang cell phone. Nakipag-messenger video siya sa kanyang nakatatandang kapatid na nasa Laguna ngayon. Agad namang nag-pop up ito sa kanyang screen.

"Kuya," utas niya.

"Is it urgent?" anito. Hindi ito nakaharap sa camera dahil abala ito sa pag-scan ng mga patients records. He sighed and his eldest brother flip the file and placed it back in the drawer. Humarap ito sa camera.

"Your sigh is too deep. Problem?"

"Tamara is here and I don't like it."

"So?"

"In by any chance since ate Julie knows a little bit of fashion. Does she know who owns the agency where Tamara is working?"

Bahagya naman itong napaisip.

"I don't know..."

"Cupcake! Ang kape mo," biglang sulpot ng kanyang sister-in-law.

"Sino 'yan? Ay hala! Connor! My baby!" Napangiwi siya. Kumalong ito sa kanyang kapatid at ito na mismo ang humarap sa camera.

"God! Kailan ka ba uuwi!? Miss na miss na kita baby!"

"Stop calling him your baby! Ugh! Kahapon lang tinawag mo naman si Cameron na honey! God!" iritadong litanya ng kanyang kuya Clayd.

Natawa siya rito. He almost forgot, buntis pala ang kanyang sister-in-law at silang dalawang kambal ang pinaglilihian nito. If he was not mistaken as far as he can remember, two months na itong buntis. Inis na inis pa ang kanyang kuya Clayd dahil kung bakit sila pang dalawa ni Cameron ang pinaglihian ng asawa nito imbes na ang kanyang kuya.

"Ate Julie, after two months pa ako makakauwi so you better not cry when you miss me. Okay? Nariyan naman si kuya Clayd." Sumimangot naman ang mukha ng kanyang kuya Clayd, samantalang todo ngiti naman ang kanyang ate Julie sa kanya.

"'Di ba may kailangan ka? Ask now," inis pang singit ng kanyang kuya Clayd.

"Oh yes! Ate Julie, do you remember Tamara?"

"Oh? 'Yong maarte mong ex-girlfriend? Bakit?" "Thank god! I just want to ask if you know the owner of the agency where she currently working right now?" Napaisip naman ito saglit.

"Kilala ko. Suhol muna," nakangiti pa nitong sagot. Natawa siya at natampal ang kanyang noo.

"Fine. What is it?" Napapalakpak naman ito at halatang excited na excited sa ipapagawa nito sa kanya.

"Padalhan mo ako ng marang at durian!" Pumalatak naman ang kanyang kuya Clayd.

"Patay kang bata ka," natatawa pa nitong asar sa kanya. Napakamot siya sa kanyang ulo at batok.

"Marang? Durian? Where the hell on earth I could find those thing?" bulalas niya.

"Find it baby! And I will call you! Bye!" Bigla nitong pinatay ang video call.

"Ugh," ungol niya at nakagat ang labi. Itinabi niya ang kanyang cell phone at pinaandar na ang kanyang sasakyan. Tinungo niya agad ang palengke. 

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon