PMS-10
KAPIT-TUKO man kung tawagin ngunit halos ayaw nang humiwalay ng dalaga sa kanya. Ngunit pilitin niya mang magpaiwan ay hindi puwede. Nagkagulo ang isa sa mga branch ng clinic niya sa Las Vegas. Halos mapulbos daw ang kanyang clinic dahil sa aksidenteng pag-araro ng isang ten wheeler truck na may mga kargang troso. But miracles happen, the clinic was not yet opened that time so it didn't cost too much damage. Now, he hesitate to go there because of Jarsey.
"Hindi mo naman ako ipapalit diyan sa iba, 'di ba?" aniya sa nobya. Agad itong umiling at hayan na naman ang mga butil ng luha nito. Masakit sa kanya na makitang ganito ang nobya kahit 'di pa naman siya nakakaalis. Kasalukuyan niyang kasama ang nobya sa loob ng kotse. Hiniling nitong mag-stay muna siya ng isang oras bago bumiyahe papuntang Davao City.
"Krimy, please stop crying. Babalik din naman ako agad."
"A-alam ko," malungkot nitong sagot.
"Give me your phone," aniya at kinuha ang cell phone ng dalaga. Nag-dial siya at tinawagan ang kanyang cell phone. He saved her number.
"Update me from time to time Krimy, okay?" Tinanguan lamang siya ng dalaga.
"Look Krimy, I know this is hard for you, please..." sumamu niya sa dalaga.
MARAHAN niyang itinulak ang binata.
"Umalis ka na," mapait niyang sagot.
Lumabas siya ng kotse at nagsimula nang maglakad palayo. Hindi niya kayang makita itong umalis. Kung dati ay nakakaya niya, ngayon ay hindi na. Masisisi niya ba ang kanyang sarili? Nobyo niya na ito. May karapatan na siyang masaktan. Walang ampat ang pagtulo ng kanyang mga luha sa mata. Seeing Connor leaving her is like crashing her heart. Narinig niya ang pag-andar ng makina ng sasakyan nito pero hindi siya lumingon. Napaupo siya. Mas lalo siyang napaiyak. Panay ang kanyang pagpunas sa kanyang mga pisngi.
"Ano ba Jarsey!? Isang buwan lang naman iyon. Ano ba ang iniiyakan mo!?" galit niyang wika sa sarili. But then, traydor ang mga luha niya. Sige pa rin ito sa pagbagsak. Halo-halo ang nararamdaman niya. Puno siya ng takot at pangamba. Paano kung magbago si Connor at manlamig sa kanya. Iyan ang tumatakbo sa utak niya.
"Krimy!" Narinig niyang sigaw ni Connor mula sa malayo. Agad siyang napatayo at napalingon sa kanyang likuran. It was Connor, running towards her. Pati siya ay napatakbo upang salubungin ang binata. At nang magpang-abot sila'y agad siya nitong niyapos at hinagkan.
"I will miss you Krimy. So much! I love you!" umiiyak nitong anas sa kanya. Nahabag ang kanyang puso. Maling-mali na pagdudahan niya ang pagmamahal nito para sa kanya. The way he caress her and embrace her, shows how much he is into her. And how much he loves her. No doubts and hesitations. Kumalas ang binata sa kanya at hinagkan ang kanyang noo.
"Babalik ako. Babalikan kita agad. Promise!"
"Alam ko," sagot niya. Isa pang malutong na halik ang iginawad nito sa kanyang labi bago nito tuluyang tinungo ang sasakyan. Isang kaway na lamang sa ere ang nagawa niya hanggang sa tuluyan nang nawala sa paningin niya ang sasakyan ng binata. Long distance is hard but then with trusts and patients, it can be well.
HALOS buong magdamag siyang gising at 'di makatulog. Kausap niya naman ang binata kanina at katatapos lang ng tawag nito. Nasa airport na raw ito. Nakagat niya ang labi at tumitig sa picture ng binata. Mukhang kailangan niyang ibalik sa dati ang kanyang sarili. Iyong parang wala silang status at 'di na siya aasa na mapapansin pa siya ni Connor. Huminga siya ng malalim at pilit na hinahatak ang kanyang sarili sa antok upang siya'y makatulog.
HE faced to his left, he faced to his right but seriously? It didn't work!
"Shit!" mura niya at nasabunutan pa ang sarili. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kanyang kama. Isang araw pa lang nang mawalay siya sa nobyang si Jarsey ay para na siya mababaliw sa kaiisip kung kumusta kaya ito. Kung nakakatulog pa ba ito ng maayos. Nag-aalala siya ng husto. Nakakausap naman niya ang dalaga pero alam niya sa sarili niya na hindi ito maayos. Even him. He never thought na ganito pala kahirap mawalay sa babaeng pinakamamahal na niya. Tinamaan siya ng husto kay Jarsey kaya ngayon ay para siyang aligaga. Tinungo niya ang kusina at kumuha ng whisky sa kabinet. Nagsalin siya sa baso at umupo sa high stool chair. Kinuha niya ang kanyang cell phone sa bulsa at tinawagan ang dalaga. Alam niyang gising pa ito. Sandaling nag-ring ang phone nito saka may sumagot.
"Con," mahinang sagot nito.
"Hey Krimy, why still awake?"
"Hindi ako makatulog ng maaga Con, miss na kita." Nakagat niya ang kanyang labi dahil sa sinabi ng nobya.
"You should sleep early Krimy. I misses you too," aniya.
"Hindi ka ba natulog?" Tumikhim siya.
"I sleep Krimy. Nagising lang ako ng maaga. It's four o'clock in the morning in here," he lied. Of course he don't want her to worry.
"Kumusta 'yong trabaho mo diyan?"
"Doing great Krimy. I made it rush para makauwi ako agad diyan."
"Talaga!?" Damang-dama niya ang saya ng dalaga dahil sa sinabi niya.
"Yeah, so you better not to get worry. I'll be home so soon Krimy, I love you."
"Mahal na mahal din kita Con," sagot nito na may halong paglalambing ang tono.
"Sleep tight Krimy," aniya. Hindi na ito sumagot ngunit 'di naman nakapatay ang phone nito. He bet, she is sleeping now. He sighs but then a huge smile shown on his face. Nawala ang pag-alala niya sa nobya. Inubos na niya ang lahat ng laman ng baso. Bumalik siya sa kama upang makatulog na. He feel so at peace now.
BINABASA MO ANG
PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZA
Ficción GeneralR-18 Not suitable for young readers. Book Cover ©DJDeeOfficial