PMS2-19.2

19.5K 413 7
                                    

PMS2-19.2

SHE was scratching her wet hair using the towel as she walks in towards at the porch. Napapangiti siya habang tinutuyo ang kanyang basang buhok. Sobrang ganda ng gising niya. Katabi niya pa ang binata. Hiyang-hiyang pa siya sa kanyang ama at kapatid dahil imbis na ito ang unahing harapan dahil sa pagkakabuking ng drama nilang mag-ama ay hindi na niya nagawa. Paano ba naman kasi ay halos ayaw na siyang palabasin ni Connor sa kuwartong okupado nito. Yes. It's crazy to admit, but they make love all day long. Napuyat siya ngunit maganda pa rin naman ang kanyang naging pag-gising.

"Con? Bakit ang daming tao sa ibaba?" taka niyang tanong nang mapuna ang panay na pagpasok ng mga kalalakihan. 

As she looked at Connor agad siyang napailing sa kanyang nakita. He was naked as he step down on the bed. Kinuha pa nito ang robe at isinuot. Gulo-gulo pa ang buhok nito nang lumapit sa kanya. Inamoy-amoy pa siya ng binata.

"Bagong ligo ang Krimy ko, hmm..."

"Natural. Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"

"Like?"

"May mga tao sa ibaba," ulit niya.

"Really?" 

Kumikit-balikat naman siya. Laking gulat niyang nang hilain siya ni Connor palabas sa kanilang kuwarto.

"Teka! Con! Hindi pa ako nakabihis! Robe lang suot natin! Ano ba!?" awat niya ngunit malakas ang binata sa kanya kaya tuluyan na siyang nahila palabas ng silid.

Nang makita niya ang mga tao sa ibaba ay agad niyang nakilala ang lalaking nakaluhod at nakagapos ang mga kamay sa likuran nito. Agad siyang napababa ng hagdan.

"Jay!?" gulat niyang sambit.

"Kilala mo pala 'tong gagong 'to Jarsey?" anang kanyang kuya Elven na nagpupuyos na sa matinding galit. Napatango siya sa kanyang kapatid. Nang bumaling siya sa kanyang gilid ay nasa tabi na niya si Connor at hapit ang kanyang baywang. Walang reaksyon ang mukha nito.

"Itong lalaking 'to ang nakita namin sa CCTV na pumalo sa iyo at nagdala sa iyo sa basement!" paliwanag pa ng kanyang kuya Elven.

"What's this noise!? God! Who is he?" sabat naman ng kanyang ate Rei na kagigising lang din. Bumaba ito ng hagdan at kumunot ang noo nang makita sa malapitan ang lalaki.

"Wait? Ikaw? Hindi ba't ikaw iyong fling ni Tamara? Jesus!" sambit pa ng kanyang ate Rei. 

"Fling?" sabay nilang sambit ng kanyang nobyo at pareho silang nagkatinginan. 

"Tamara is insane! I'm gonna call my lawyer! She's crazy! Kuya Elven please take away that man! God! Papa will definitely get stress if he find out this. Thank god he leave early for work!" hysterical pang ani ng kanyang ate Rei at umakyat na pabalik sa kuwarto nito.

"Sarap mo rin katayin e! Pasalamat ka at hindi kami mga hayop na katulad ninyo!" pagpipigil na galit ng kanyang kuya Elven.

"Alisin niyo nga iyan dito! Hintayin niyo ang mga polis na reresponde ngayon. Make sure na hindi na makakalaya ang gagong iyan!" And her brother Elven walked out. 

Nahilot niya ang kanyang batok. Hindi siya makapaniwalang ang stalker niyang si Jay pa ang nagtangka sa buhay niya. Marahil ay inutusan na naman ito ni Tamara. Ang akala niya kagabi ay namamalikmata lamang siya nang makita si Jay pero iyon pala ay ito nga ang nagdala sa kanya sa basement na muntik niya pang ikinamatay.

Nang patayuin na si Jay at akmang ilalabas na ng bahay ay biglang bumitiw sa kanyang si Connor. Her eyes got widen when Connor punches Jay on his stomach.

"That's for your attempt on killing my Krimy! You bastard!" Hindi siya agad nakagalaw dahil natulala siya sa ginawa ni Connor. He punched him again, this time it landed on Jay's face. 

"And that's for letting Tamara used you as her accessories for her crime!" This time ay nagawa na niyang awatin ang nobyo at hinila ito.

"Tama na Con! Ano ba!?"

"Sisiguraduhin kong makukulong ka and you'll be rotten in jail!" banta pa ni Connor. Agad niyang hinila ang nobyo pabalik sa kanilang silid. 

Naibalibag niya ang pinto at agad na naghanap ng medicine kit.

"Baliw ka na ba Con! Ano ba ang pumasok sa utak mo at ginawa mo iyon!?" litanya niya.

Hindi siya kinibo ng nobyo at naupo lamang sa kama habang nakatitig sa kamao nitong namamaga na.

"Connor!" tawag niyang muli at lumapit dito.

Bigla itong yumapos sa kanyang baywang. Ilang segundo lang ay marahan nang yumuyugyog ang magkabilang balikat nito. Natigilan siya.

"Con?" untag niya sa nobyo. Nakasubsob ang mukha nito sa kanyang tiyan.

"What if I lost you right there? What if I came so late? What if I can't revived you? I was panicking. I couldn't even think straight by the time I saw you laying on the floor, unconscious and not responding..."

Hindi siya nakaimik. Umiiyak ang kanyang nobyo.

"What if I am not a doctor? I couldn't even save you..."

Napatingala siya sa kisame. Bumabagsak na rin ang mga luha niya sa mata.

"Your pulse is at risk. If I came too late, you could have died. What happen to me if that happen, huh? I might kill myself if I lost you. I'll be crazy and thinking how stupid doctor I am that couldn't save my beloved woman..."

"Con..." tanging sambit niya lamang.

"You can't blame me if I acted like that. That bastard almost killed you. Who would be happy seeing the man who tried to kill you? Who would be happy if the one's you loved is laying on the coffin? That's unacceptable!" 

Napahikbi siya. Inalis niya ang mga kamay ng nobyo na nakapulupot sa kanyang baywang at lumuhod sa harapan nito uapng magpantay ang kanilang mga mukha.

"Ang pangit mo umiyak," biro niya pa. 

"Sorry," dagdag niya at hinagkan ang binata.

"Sorry," sagot din naman nito. Umiling siya.

"Hindi ko man lang inisip ang nararamdaman mo. Ikamamatay ko rin Con kapag nawala ka sa akin."

"No. Magsasama pa tayo ng matagal and we will make a baseball team."

Napatawa naman siya habang pinapahiran ang basang mga pisngi ng nobyo.

"Ang dami naman niyan," natatawa niya pang ani.

"Okay lang. Marami rin naman akong ipon."

Mas lalo siyang natawa.

"Ipapa-kidnap for ransom kita," natatawa niyang biro sa nobyo.

"Open arms pa kung ikaw ba naman ang leader ng sindikato." Nasapak niya ang binata sa balikat at niyakap ito.

"Hindi ako mawawala. I promise." Hinagkan siya ng nobyo.

PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon