PMS2-10.1
HALOS abalahin ni Jarsey ang kanyang sarili sa pagtulong kay 'nay Gina sa palengke para lamang hindi siya mangulila ng todo kay Connor. Oo nga't tumatawag naman ito ngunit iba pa rin kapag nakakasama at nakikita niya ito ng harapan.
"'Nak, ayos ka lang ba?"
"Po?"
"Malalim ang iniisip mo 'nak," anito. Umiling siya sa ina.
"Wala ito 'nay, pagod lang po ito pero kaya ko pa naman 'nay. Malakas kaya ako," pilit na masigla niyang sagot sa ina. Ngunit ang totoo sa loob niya'y parang anumang oras ay babagsak na ang mga luha niya sa mata. Ginulo naman ng ina niya ang kanyang buhok. Matamis lamang siyang napangiti. Habang abala siya sa pagtaboy ng mga langaw ay agad na inigaw ang kanyang atensyon.
"Yuck! Tindera ka lang pala sa palengke? God! Did really Connor chose you over me?" Nainsulto siya sa kanyang narinig.
"Aba't bastos 'to ah," agad na wika ng kanyang ina. Mabilis na humarang si Jarsey sa ina at hinarap si Tamara.
"Yuck mo mukha mo! Matinong trabaho ang mayroon kami. Makainsulto ka akala mo pinapalamon mo kami! Letse man diay ka!" Payak itong tumawa na tila ba nanghahamon pa.
"Look whose talking. Tindera na nga sa palengke, malansa pa sa isda ang ugali! Gross!" Sa galit niya'y nakuyom niya ang kanyang mga kamao at kinuha ang plangganang may lamang mga kaliskis ng isda. Isinaboy niya ito kay Tamara.
"Ah!" tili nito.
"Tarantado ka rin e! Amoy malansa pala ugali ko? Oh hayan, naligo ka na sa lansa. Proven and tested! Ikaw Tamara ha, hindi mo ako kilala! Dayo ka lang dito! Kung makaasta at makaapak ka ng ibang tao, daig mo pa reyna! Tama! Reyna ng malalandi! Kasi akalain mo? Three years nang wala na kayo ni Connor, pero heto ka, nanggugulo na akala mo may ninakaw ako sa iyo kahit na wala naman. Sophisticated pero bobo? Saan ka nag-aral? University of Malalandi major in expertise of being higad? Wow naman! Ikaw na!"
"How dare you!" Sinugod siya ni Tamara at akmang sasampalin sana pero naunahan niya ito. Tyempo pang malapit sa kanya ang sea cucumber kaya ito ang nadampot niya at naisampal kay Tamara. "Oh hayan! Seacucumber! Bagay sa iyo! Mukhang linta!"
"Ah! Yuck! You stupid palengkera!" galit nitong sigaw na may kasama pang tili. Makikipagbuno na sana siya ngunit biglang may humila sa braso ni Tamara.
"Tamara? What are you doing in here?" Sobrang putla ni Tamara. Hindi rin malaman ni Jarsey kung paano magre-react sa pinsan niyang si Karl.
"Hon? Ahm..."
"Hon!?" gulat na sambit ni Jarsey at bumaling sa pinsan niyang si Karl.
"Yes, Jars. Siya ang sinasabi ko sa iyong girlfriend ko. Wait, are you two fighting? You stinks Hon, bakit ang basa mo?" anito pa ng kanyang pinsan. Gulat naman si Tamara at namumutla na nang husto.
"You knew her?" baling ni Tamara kay Karl.
"Of course, pinsan ko siya." Namilog ang mga mata ni Tamara. Isang demonyitang ngiti naman ang kay Jarsey. Huli ka balbon!
"Jars? Why is she wet?" ani Karl sa kanya. "Ay, aksidente ko siyang natapunan nang pinaglinisan ko ng mga isda. Sorry." Puno ng kaplastikan ang mga ngiti niya habang nakatingin kay Tamara. Tamara look away.
"Ganoon ba? Come Tamara, magpalit ka na ng damit sa motel. Wait. Ikukuha kita ng tuwalya sa kotse." Agad namang umalis saglit ang kanyang pinsan. Hinarap niya si Tamara.
"Umayos ka kung ayaw mong ipahiya kita ng todo rito. At isa pa Tamara, huwag na huwag mong lolokohin ang pinsan ko dahil babalatan talaga kita ng buhay. Umayos ka. Mas matanda ka sa akin pero kung umakto ka daig mo pa batang paslit. Tantanan mo ako at tigilan mo iyang kabaliwan mo sa nobyo ko. Kung inaakala mong pinagtatakpan kita'y diyan ka nagkakamali. Hindi ako kagaya mo na mahilig manira ng ibang relasyon. Hindi bobo ang pinsan ko para hindi niya malaman iyang kagagahan mo. Kaya kung ako sa iyo'y magtino ka." Nanggagalaiti namang napatitig lang si Tamara sa kanya. Hindi kasi nito magawang patulan siya dahil nandiyan pa si Karl. Nang tumunghay muli si Karl sa kanila ay abot tainga agad ang ngiti ni Jarsey dito.
"Here," ani Karl, habang inaabot ang tuwalya kay Tamara. "Hon, the agency can't contact you kaya pinuntahan na kita rito. They're packing up. Transfer daw kayo sa Bohol." Agad na sumilay sa mga labi ni Jarsey ang matinding saya.
"What!? You've got to be kidding me Karl! Hindi pa nga kami nangangalahati rito. Why?" ani Tamara na para bang ayaw nito sa nangyaring paglilipat nila ng ibang lugar.
"According to the agency. The Villaraza Corp. can provide everything in here. Lalo pa at nandito pala ang dalawang anak ni Mr. Caldwill Enzo Villaraza," paliwanag ni Karl.
"Ay oo. Nakita ko pa nga sila e," sabat ni Jarsey sa mga ito.
"So, ingat kayo sa Bohol, pinsan," dagdag niya pa.
"We will Jars. Ingat ka rito. Come on Tamara. Mahaba pa ang biyahe natin."
"But-" angal pa sana nito ngunit mabilis itong nahila ni Karl at ipinasok sa kotse. Tanging pagkaway lamang ang nagawa ni Jarsey. Excited siyang bumalik sa kanilang tindahan.
"Si Karl ba iyon 'nak?"
"Ay opo 'nay." "Aba'y kay gandang lalaki na niya ha," anito.
"Sus, si nanay, talagang noon pa man ay may itsura na iyon."
"Sayang lang at naging nobya niya 'yong bastos na babae," may himig ng panghihinayang ang boses ng kanyang ina. Hinagod niya ang likuran nito at may kasama pang pag-iling ng kanyang ulo.
"Hayaan niyo na 'nay. Si Karl na po ang bahala ro'n." Ngumiti lang din naman ang kanyang ina. Habang inaabala niya ang kanyang sarili sa pagtitinda ay 'di niya maiwasang mapaisip kung bakit lilipat ng ibang lugar ang agency ni Tamara. Ngunit natanto niya ring binanggit ni Karl ang mga Villaraza. Marahil ay may ginawa ang kanyang nobyong si Connor. Kumikit-balikat na lamang siya at muling inabala ang sarili. Hihintayin niya na lamang ang tawag ng nobyo.
BINABASA MO ANG
PRETTY MAN SERIES 2: CONNOR EROS VILLARAZA
General FictionR-18 Not suitable for young readers. Book Cover ©DJDeeOfficial