CI (I am Collin)

100 4 0
                                    

Pagod na ako.

Ilang oras na kaming tumatakbo ni mama. Kahit na sobrang lakas ng buhos ng ulan, parang hindi niya ito napapansin. Habang yakap yakap ko ang spongebob stuffed toy na basang basa na, kita ko sa mukha ni mama ang takot, unang beses ko syang nakitang ganun!

"Kailangan nating makatakas!", paulit ulit nyang sinasabi na hindi ko naman maintindihan!

Bakit ba kami tumatakbo? Sinong humahabol samin?

"Ma, pagod na po ako. San po ba tayo pupunta? Nasan po sina papa at ate? Malayo na po tayo sa bahay ah.", mga tanung ko Kay mama na sinagutan lang niya ng mabibilis na paghabol ng hininga at isang pilit na ngiti.

"Collin anak, hawakan mo muna ito, ...alagaan mo yan para kay mama ha...wag na wag mong iwawala yan, sundin mo si mama ha", lumuluha nyang inabot sa akin ang isang maliit na pat-pat na mga dalwang dangkal ang haba kasama ang isang pirasong papel .

Hinawakan nya ang aking kamay ng makarinig kami ng mga tila nagmamadaling mga paa. Madali niya akong itinago sa likod ng isang kotse.

Papalapit ng papalapit ang mga yabag na nanggagaling sa lahat ng direksyon. Sinamahan ng mga yabag ang mga nakabibinging halakhak na bumabasag sa tunog ng ulan.

Hinawakan ni mama ang aking kamay at hinalikan ako sa noo.

"Collin, anak ko", ang kanyang sabi habang umaagos sa mata nya ang pinagsamang luha at buhos ng ulan. Nakangiti niya akong tinitigan at nagsalita ng mga salitang hindi ko maintindihan. Nagsimula akong makaramdam ng init sa katawan kahit basang-basa ako ng ulan. Matapos nito ay nakaramdam ako ng di malabanang antok. Hindi ko ramdam ang lamig habang unti unti akong napapahiga sa basang semento. Hindi ko na ramdam ang pagod. Nakikita ko pa rin si mama sa harap ko kahit unti unting sumasarado ang mga mata ko. Sa malabong imahe dahil sa mga pungay na mata kasama pa ang mapanlabong patak ng ulan, naramdaman kong itinaas niya ang aking ulo at iniunan sakin ang aking stuff toy. Bago pumikit ang aking mga mata, muli kong nakita ang ngiti ni mama. At tuluyan na ngang dumilim ang paligid at ako'y tuluyan ng nakatulog.

Yun na ang huling beses na nakita ko
si mama sa loob ng sampung taon.

Kita ko sa mukha ng mga kaklase ko ang di mawaring reaction

. "At dun na natatapos ang short story na ginawa ko. So Sir Ryan, pasado na po ba ako?", tanung ko sa aking highschool teacher habang ako ay nasa unahan ng klase. Medyo natigilan ang lahat.

"Well, Mr Collin, depende yun sa reactions ng mga classmates mo dahil as far as I am concerned, walang ending at kulang sa elements ang short story mo. Liban na lang kung true to life ito then I could give reasonable considerations" sabay tingin sa kulay itim nyang g-shock.

"Mr. Collins, what do you think?", bakas sa mukha ni Sir ang anticipation.

"Sir, this is not a true story. I just made it up for the sake of my grades", tuloy pa rin ang awkward na katahimikan.

"Really Mr. Collin Clint?", medyo annoying na pang-uusisa nya sakin.

"Ahm..(clears throath) of course Sir", sabay pinta ng ngiti sa mukha ko

. "In that case, Class! How's Mr Clint's story? Any questions?", adress nya sa buong klase. Nagtinginan ang mga classmates ko. They don't even know what to say!

"Anyone?" Mr. Ryan insisted.
Biglang may tumaas ng kamay at iniexpect ko na kung sino yun.

"Yes Ms. Hernan? Any comments?", sabay tingin ng lahat sa long-haired at terror kong kaklase.

" None Sir" medyo emotionless nyang banat. "Napaka worthless ng story but it did still captured my interest", panlalait at pagcocompliment nya!

"Whoa!" Halos sabay sabay na sinabi ng mga kaklase ko.

COLLIN CLINT: The Abandoned (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon