C2 (Who am I?)

50 3 0
                                    

Hello guys!! Pasensya na at medyo natipid sa spacing yung last chapter XD..pero I hope you like it!! Pasensya na rin kong may napuna man kayong wrong ishpelling at grammar!!

I'll keep learning.

So here is the next chapter
Hope you enjoy!!

I dedicate this chap to 013zero and rinbuster

Follow me on IG @iam_kennethjack

######################

6:oo pm.

Tingin ako ng tingin sa wall clock ng kwarto ko. Nakahiga lang ako sa kama ko at di pa man lang nakakapagpalit ng pambahay.
Pinipilit kong hanapan ng logical explanations ang lahat ng mga nakita ko. Pati yung mga unusual actions ng mga teacher kanina,hinahanapan ko rin ng probability. Puro "siguro" at "baka" ang tumatakbo sa isip ko but it still doesn't make any sense.

"Nothing makes any sense!", medyo pasigaw kong sabi sa loob ng kwarto.

Tumahimik muli ang kwarto at tanging tunog lang ng wall clock ang napapakinggan ko.

Tick tock tick tock...hanggang sa may gumuhit na ideya sa isip ko.

Bigla Kong naalala yung sinabi ni Sir Bidones.
"There are things that are worth a simple handshake, even if these things are unreachable by our comprehension", that's what he said exactly!

"Unreachable by our comprehension? Anong ibig nyang sabihin dun?", mga tanong na naiipon ng naiipon pero hindi nasasagot.

Biglang bumukas ang main door ng bahay namin. Pakinig ko ang door screech.

"Tita Leonore?", napatayo ako sa kinahihigaan ko at dali daling lumabas ng kwarto. Muntikan pa nga akong madulas dahil sa pagdadali-dali.
Nakita ko agad si Tita sa may pintuan at patakbo ko syang pinuntahan upang yakapin.

"Oh Collin! Dahan dahan at baka..",pinutol ko ang salita sa isang yakap. Isang mahigpit na yakap.

"Tita, nababaliw na ba ako?", seryoso kong tanung kay Tita Leonore habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

Biglang tumawa ng malakas si Tita. Bumitaw ako sa pagkakayakap. Lumakad si Tita paloob at umupo sa sofa samantalang ako'y naiwan sa may pinto at nagtataka.
Sinenyasan nya ako na umupo na katabi nya. Agad akong lumapit kay Tita at umupo sa sofa.

"Hindi ka nababaliw Collin", pangiti nyang sinabi sabay hawak sa buhok ko.

"Pero kanina po, tumigil ang oras at nag-rewind tapus lumulutang yung kawayan. Pagkatapos, nangyari ulit yung mga nangyari. Hindi po normal yun!", sobrang bilis ko itong sinabi na halos maubusan na ako ng hininga.

"Oh..easy lang Collin.", sabay himas nya sa likod ko.

Tumayo si Tita lumakad ng tatlong hakbang papalayo habang ako naman ay nakatingin sa kanya at naghahabol pa rin ng hininga.

"Noong araw na napapunta ka sakin, ipinangako ko sa sarili ko na itatago ko muna ang lahat mula sayo. Inisip ko na sa wastong edad, kung kailan ready ka na, saka mo lang dapat malaman ang lahat.", mahina ngunit malinaw nyang sinabi sa akin.

Tahimik ang buong bahay. Nakakabingi.

Sa loob ng sampung taon ko na puro tanong tungkol sa aking sarili. Kung nasan si Mama, Papa at ang kapatid ko, masasagot na yun ngayon. Bukas ang dalwa kong tenga upang walang ma-miss na detalye sa mga sasabihin ni Tita.

COLLIN CLINT: The Abandoned (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon