Bawat hakbang na aking tinatahak ay parang pag-apak sa mga ulap ng kalangitan. Mabagal ngunit napakagaan.
Tumambad sa amin ang isang maliit ngunit napakagandang konkretong tulay na binabantayan ng apat na estatwa ng mga ibon sa bawat dulo na animoy nagpapaanyaya sa amin na tumuloy at pumasok. Sa ilalim nito'y umaagos ang tubig na kasing linaw ng kristal. Kumikinang habang nasisinagan ng araw at tinatahak ng walang humpay ang kaliwa at kanan. Parang ansarap maligo. Pero masyadong maganda ang lugar para maging paliguan lang.
Naglakad kami sa tulay at saka namin nakita ang isang napakalawak na espasyong binabalutan ng berdeng berdeng damo. Nakakalat din ang mga punong parang umaakit sa mga mata ko. Cherry blossoms. Napakaganda. Nakakawala ng hininga.
Tumingin ako sa paligid. Napakaraming tao na may kanya kanyang gawain. May mga nagtatawanan, nagkukwentuhan at kumakain. Tangahalian na rin kasi.
Isa lang ang pagkakahalintulad nilang lahat. Lahat sila ay naka-cloak. May asul, pula, puti at abo. Nakakatawang isipin na tirik na tirik ang araw ay nakabalot silang lahat pero sa totoo lang, napakalamig ng simoy ng hangin at katamtaman lang ang init paligid. Biglang napako ang balintataw ko sa asul na langit. Napakaaliwalas. Napakapayapa. Napangiti na lang ako.
Muli akong napatingin sa mga tao. Sa tingin ko mga estudyante sila.
May nakita akong may hawak at nagbabasa ng libro.
Tama nga.
Mga estudyante sila ng school na ito. At magiging katulad ko na sila. Hindi ko makalaila. Ang saya saya ng loob ko ngayon. Kasabay ng paghanga ng mga mata ko ay ang paglaglag ng bibig ko na puro Wow na lang ang nasasambit. Isa itong bagong mundo. Yun ang sigurado. This place is the embodiment of magic. An epitome of wonder.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Saka ko na lang napansin na nakatingin at nakangiti sa akin si Tita.
"Welcome to your new home", mainit na sabi ni Tita habang tinitingnan ang paligid na parang inaalala ang pagpasok niya dati dito.
Lumawak ang ngiti ko.
Para akong...I mean..para kaming mga bata na kadarating lang sa Enchanted Kingdom dahil si Jason, maging si Lia, mukhang nilamon na rin ng pagkahanga.
"Parang isang liblib na modernong bayan", mahinang ngunit mapaghangang sambit ni Jason sabay turo sa mga modernong gusali na nakapalibot sa green field.
"Parang Lost City of Atlantic 21st century version", pahabol pa niya.
"Anong Atlantic? Atlantis yun", suhestyon ni Lia na nakatingin pa rin sa paligid. No trace of mockery. Natabunan na yata ng amazement. Napatingin ako sa kanya.
"Mukhang hanggang hanga ka ah. Laway mo", sabay tawa ko ng mahina kay Lia.
"Hmmmp", pag-ismid ni Lia sabay iba ng tingin.
Napangiti ng lang ako. Heck! Tsk!
"Welcome to Avindor College of Sorcery!", muling bati ni Mr. Geizer habang nakatingin sa unahan namin. Napatingin na rin kami.
Sa gitna ng mga gusali ay may isang malawak na daan na bumabagtas patungo sa pinakamataas at pinakamalaking gusali ng lugar. Isang school. Isang napakalaking school. Para itong kastilyo pero may pagka-modern. Napakaganda.
"Woooow", mahina ngunit sabay sabay na sambit naming dalwa ni Jason.
Napuno ng excitement yung buong katawan ko. Parang gusto kong tumambling!
BINABASA MO ANG
COLLIN CLINT: The Abandoned (ON GOING)
Fantasy(Potterhead? Fantasy lover? This is for you!) Akala ko normal ako. HINDI PALA. Maari mo ba akong samahan sa lugar na ngayon ko lang matatagpuan? -Collin Clint