5:00 am. Gising na gising ang diwa ko habang nakatingin sa kisame ng kwartong tinutuluyan ko. Unusual. Ang aga kong magising ngayon. Isang bagay na napakadalang (o never) na mangyari. Hindi rin ako masyadong nakatulog pero kahit early bird ako ngayon, walang antok na nangungulit sa akin. Siguro dahil naninibago ako o baka excited. I don't really know.
Bumangon ako at umupo sa malambot kong kama. Napatingin ako sa paligid ng kwarto. Maaliwalas ang cream na kulay ng pader na hindi masyadong nadisenyuhan ng kolorete. Tamang tama para sa isang boys dorm. Ang akala ko kagabi, may kanya-kanyang dorm ang bawat Nest pero mali ako. Magkahiwalay ang mga tulugan ng mga babae at lalake. Walang bearing ang Nest sa room preference. The usual Girls and Boys Dorm Buildings. The girl's located at the east side of the school and boy's on the west. Talagang sinugurado nila na walang kalokohang mangyayari. The Space between us in a literal sense! Pero sa totoo lang, mas mukang condo unit ito kesa dorm. Bawat unit, may tatlong kwartong pwedeng i-occupy. Its a good thing that me and Jason occupies the same unit. Mukhang magkakasama ang mga bago dahil meron pa kaming isang kasama na newbie rin na sorted sa White Egret. Hindi ko alam ang pangalan niya dahil kagabi, nung magpapakilanlanan na kami, dali dali siyang pumasok sa kwarto niya. Nahihiya yata o natatakot. Ewan. Kumpleto sa mga gamit at amenities ang unit namin. Mula sa coffeemaker hanggang sa gym facilities gaya nang threadmill. Naglibot na kami ni Jason kagabi. Simple lang ang disenyo ng loob at walang kung ano-anung nakasabit.
I looked at my palm crest. Gray Owl. Stealth. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. I looked at the upper right side of my bed's headboard where my class schedule is tacked. Alas otso pa ang unang klase ko. Magical History of the Philippines. May 3 hours pa ako. Nagtataka nga ako (at medyo naiinis). Linggo ngayon kaya dapat walang pasok pero utos daw ng Headmaster na magkaroon agad ng klase ngayong araw para daw maexperience agad ng mga newbie ang academic curriculum ng Avindor College. Para bang simulation of classes pero graded pa rin. Magkakaroon din daw ng evaluation at the end of the day para malaman ang concerns ng mga newbie ayon sa aming first day of school. Tsk tsk tsk. Dyahe talaga! But I doubt that its the only reason. There must be something more to it.
Tumayo ako mula sa kama at saka lumabas ng kwarto. Dumiretso ako ng kusina para magtimpla ng kape. I pushed the cappuccino button and the coffeemaker immediately brewed me one. Kinuha ko ito at dumiretso sa salas. Saka ko lang napansin na nandun na pala si Jason at nakaupo sa kulay light brown na sofa. Tahimik siyang nakatingin sa kape na nasa harapan niya.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng kape?", bigla kong sabi na ikinalingon niya.
"Collin, ikaw pala", sambit niya. Medyo umayos siya ng upo pero naka-slouch pa rin.
"Hindi ka nakatulog noh?", tanong ko sa kanya habang papalapit sa salas. Umupo ako sa isa pang mas maliit na sofa at nilapag sa glass center table yung kape ko.
"Oo eh", matipid niyang sagot habang nakatulala sa kape niya. Alam kong naninibago rin siya.
"You think I can do this?", bigla niyang tanong sa akin habang patuloy na nakatitig sa kape niya. Medyo bakas sa boses niya ang pagkabahala.
"Oo naman. Bakit mo natanong? Teka? Ayus ka lang Jason?", tanong ko sa kanya. Anong nangyayari dito sa mokong na ito?
Tumingin siya sa akin. Kumunot ang noo ko. I know that look. Ganyan siya kapag may bumabagabag sa kanya.
The atmosphere instantly became heavy. Shoot!
"Nag-aalala ka na baka ma-disappoint parents mo?", I almost face palm dahil sa bigla kong pagtanong nun. Nice going Collin! You just asked a million-sorrow question!
![](https://img.wattpad.com/cover/112940191-288-k727287.jpg)
BINABASA MO ANG
COLLIN CLINT: The Abandoned (ON GOING)
Fantasy(Potterhead? Fantasy lover? This is for you!) Akala ko normal ako. HINDI PALA. Maari mo ba akong samahan sa lugar na ngayon ko lang matatagpuan? -Collin Clint