C6 (Past, Dreams, Longing)

31 4 2
                                    

"Are you really sure Mr. Geizer?", tanung ni Sir Ryan habang pinupunasan ang nadumihan at napawisan niyang salamin.

Nasa sasakyan na kami ngayon. Matapos ang mga nangyari, sinabi ni Mr. Geizer na kailangan na daw naming magmadali at magtungo sa school. Napakaraming nangyari at naubos nun yung expected travel time namin. Dyahe talaga!

Pero wala kaming magagawa, nangyari na eh. Ang mahalaga ay makarating kami sa school na yun.

Umalis na rin kanina si Officer Aubrey sakay ng Police Mobile niya. May dumating din kanina na dalawang lalaki at isang babae na naka white cloak. Kasama ni Officer Aubrey ay dinala nila yung tatlong unconscious body nung mga wizards kanina. Malamang ay ikukulong nila yun. As for the other two police men, which I think are Mundanes, hindi ko na sila nakita.

Sinabi ni Officer Aubrey na ire-report niya sa Council yung nangyare, pati na yung confirmation na buhay pa yung Gideon Zeth na yun. Mukhang nag-aalala talaga silang lahat. Sino ba talaga yun at parang ganun nalang ang takot nila. Kasi sa mga nasaksihan ko kanina, malakakas naman silang tatlo lalo na si Sir Geizer kaya dapat hindi sila mag-alala.

"Thank you for the compliment Mr. Clint", ani Sir Ryan. Binasa na naman niya isip ko. Muli siya tumingin kay Mr. Geizer upang i-refrain yung sinabi niya.

"Sir Geizer, are you sure?", this time he called him "Sir".

Napatigil sa pagda-drive si Mr. Geizer. This surely signifies na magsasalita na siya.

Naging attentive kaming lahat pati na rin kaming tatlong youngsters kahit na nakita rin naming yung Gideon kanina though we don't know kung siya ba talaga yung sinasabi ni Mr. Geizer. Napansin ko na maging si Tita ay handa na ring makinig.

Humarap samin si Mr. Geizer mula sa driver's seat at tumingin kay Sir Ryan.

"Ryan, of all the living wizards today, I am one of those persons who truly and personally knows that Gideon. I know him inside out at sigurado akong siya yung nakita ko. Hindi ako maaring magkamali.", mariin ngunit mahinahon ma sinabi ni Mr. Geizer.

Napasandal na lang si Sir Ryan at napabuntong hininga. A sigh full of discomfort.

Binasag ni Tita ang atmosphere.

"Huwag na muna nating isipin yun. Ang priority natin ay ihatid ang mga batang ito sa school. I know the Council will fix and mend this. They will surely come up with a plan. We just need to trust them and pray.", kalmadong sinabi ni Tita kahit alam kong pinipilit lang niyang kumalma. Tumingin sa aming tatlo nina Jason at Lia si Tita Leonore.

"It would be unfair kung matatapos ang unang araw nila ng may takot at walang magic", sabay ngiti samin at tingin kay Sir Ryan at Mr. Geizer.

Ngumiti na lang yung dalawa. Naiintindihan nila si Tita. This is supposed to be dreamy and magical but things turned out disastrous. We need to make the most of the day because this is our first day of school being "not normal".

"So guys! Are you ready and pumped up na!?", enthusiastic na tanong ni Tita.

"Yes we are! Pag-hindi pa naman kami na pump up sa mga nangyare kanina ewan ko na lang!", malakas at pabirong sagot ni Jason na may pataas taas pa ang kamay. Naging mas magaan na ang atmosphere dahil dun. Nagsisimula na ring ngumiti si Mr. Geizer. Maganda yan Jason, ipagpatuloy mo lang!

Ayos na sana eh....

"Who is Gideon Zeth?", biglang tanong ni Lia. Hanep Lia! Anluffet talaga ng timing mo! Gumagaan na yung paligid tapos magtatanong ka ng ganyan. Move on din naman!

Natahimik ang lahat at napatingin sa kanya. Talaga naman si Lia! Tsk tsk tsk. Sinasadya nya ba ito o di talaga siya marunong makiramdam. Manhid-lord talaga itong babaeng ito.

COLLIN CLINT: The Abandoned (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon