C3 (Road to Magic)

45 3 0
                                    

Ey guys!!
Natagalan ako ng update! Paano'y masyadong inuubos ni thesis ang chakra ko! Haneff!
Eto na po next chapter dedicated to DyosangMichiie

***************************************

Tok! Tok! Tok!

Tatlong malalakas na katok sa pinto ng aking kwarto, kasunod ay ang pag-gising ni Tita sakin at pagtawag niya sa pangalan ko.

"Collins..Collins..", malambing niyang sambit.

"Gumising ka na at 6:30 na, baka tanghaliin tayo sa daan. Bumangon ka na at maligo tapus kain na tayo ng almusal".

Hindi ako kumikibo at sumasagot.

"Collin?..gising na at malayo pa byahe natin", malambing nyang pamimilit.

Hindi pa rin ako sumasagot. Ayaw akong bitawan ng kama. Masarap matulog.

"Collin..gising na at baka maiwan tayo ng sasakyan", pakiusap nya.

Hindi pa rin ako sumasagot pero gising na ako.
Dahan dahan akong bumangon at umupo sa tabi ng kama. Pungay parin ang mga mata ko. Gusto ko pang tumulog.
Babalik na sana ako sa pagkakahiga ng biglang...

"COLLIN CLINT!", malakas niyang sigaw habang tumutoktok ng may kalakasan.

Napalundag talaga ako sa gitla. Agad akong tumayo at dali -daling tinungo ang pinto.
Malakas pa rin ang pagkatok sa pinto.

Binuksan ko ito at nakita ko si Tita.

" Good Morning", sabi niya ng may kalakip na lambing at ngiti habang maysuot pang apron.

"Ah..good morning Tita", bati ko pa habang humahakay at kinukusot ang mata. Pero kinabahan ako ha. For a moment, inisip ko na baka pasabugin ni Tita yung pinto ko! That would be epic!

"Ala Collins! Hindi ka pa pala nagpapalit ng damit! Teka..wag mong sabihing hindi ka pa nakakapag-impake?", tanong niya sa akin na may halong pagdududa at pamewang pa.

Putris! Nakalimutan ko pa lang mag-impake! Nakatulog pala agad ako! Tsk tsk tsk! Biglaang nawala ang antok ko.

"Ala Tita! Nakalimutan ko palang mag-impake. Hindi ko naisip kagabi.", pagpapaliwanag ko.

"Haay..ano kanang bata ka talaga. Oh sya. Magligo ka na muna bago mag-impake ng mga gamit. Tapos nun ay madali tayong mag-aalmusal. Go..ligo na dali! Anytime maya maya ay darating na yung sasakyan natin. Hindi tayo hihintayin nun.", pangungumbinsi niya sa akin. Sabay punta ng kusina para tingnan ang piniprito niyang ulam.

Agad akong pumunta sa banyo para magligo at maglinis ng katawan. Mga 10 minutes ang nakalipas ay tapos na ako sa paliligo.(Ambilis! Eh kelangan eh).Nagtuyo ako ng katawan at lumabas ng CR upang magbihis. Pagkatapos kong magbihis, agad kong hinanap ang aking traveling luggage.

"Teka? Asan nga pala yun?", tanong ko sa aking sarili. Tiningnan ko ang ilalim ng kama. Wala! Sa ilalim ng study table ko.(Yup! Marunong rin po ako mag-aral! XD) Wala pa rin! Sa loob ng closet. Anak ng pating! Wala pa rin! Sa loob ng CR. Malay natin nandun...eh kaso wala pa rin.
Ganito ba ang feeling ng pag-hahanap ng mga bagay na ayaw mag-pakita? Nasan na ba yun? Kung kailan pa naman kailangang kailangan ko siya, saka ko siya hindi matagpuan. Saklap tsong!

Naisipan kong magtanong kay Tita kung napansin nya yung maleta ko.

"Tita?", panimula ko.

"Oh Collin? Bakit?", sagot niya habang patuloy pa rin na nagluluto ng almusal namin.

COLLIN CLINT: The Abandoned (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon