Chapter 8

987 21 30
                                    

CHAPTER 8

Alex POV:

"Really Alex?! Engaged ka sa isang chinito Hot papa?!" grabe talaga to mag react kinwento ko kase sa kanya yung nangyari nung saturday. Nasa room nga pala kami.

"Yes shasha. For the nth time."

"Omagash! What's his name ?"

"James Christian Delavega. Nag aaral sya sa--"

"Mapua! Omagash! Hot nga! Shet! Haba ng Hair mo!"

"Don't tell me nakadate mo na sya?"

 
"Of course not! Puro tiga San Beda ang nakakadate ko no. Wait how about your plan? Tuloy pa ba?"

"Of course! Syempre tuloy no! Ako na ang bahala." I smirked. Nagets naman nya kaya nag change topic

"So how's JC? Type mo? " bigla syang ngumiti ng nakakaloko.

"Hmm. He's nice, handsome. Kaso two days palang kami nagkakasama so di ko masabi eh. Nagsimba kami kahapon.  " kinikilig ako ng konti habang nag kukwento.

"I'll take it as a yes. Pero pucha naman hahahaha kinikilig ako ah." tinitignan na kami ng mga classmates namin."Problem?"tinaasan nya sila ng kilay kaya napaiwas naman sila ng tingin.

"Anong kalandian yan?"Erik.

"Wala ka na don."Sabay irap ni Shasha.

"Landi talaga."Erik

"Epal talaga".Shasha

"Ginagaya mo ba ko?"Erik.

"Feeling."shasha

"May gusto ka siguro saken?"ngumisi si Erik kaya mas nainis si Shasha.

"Baka naman type kita! Epal!"

"Well,sorry wala kang pag asa sa'kin." Tumawa ng tumawa si Erik.

"Ano bang problema mo?! Nakakainis ka na ah."Tumayo si Shasha.

"Mas Nakakabwisit ka! Malandi!" Face to Face silang nag aaway, nakakahiya talaga silang kasama.

"Bakit ba nangingialam ka sa mga ginagawa ko? Bakla ka ba?!"tumayo na ko at inawat sila.

"Tumigil nga kayo! Baka gusto nyong umupo at tumingin sa paligid no?"umupo na sila pero nag irapan muna , tumingin sila sa paligid at tinarayan nanaman ni Shasha yung mga nakatingin.

Nasa tambayan kami kase dismisal na,  friday ngayon kaya kumpleto kami kase PE lang naman yung subject naming lahat. Syempre Alam na din nila yung nangyari yung mga bruha kinilig. Naglabas na din ng hinaing nya si Shasha at syempre tinawanan lang namin.

"Hahaha! Ano bang bago don? hahaha!" Hanna.

"Ewan ko sa inyo" Shasha.

Pumunta kami ni Shasha sa cafeteria ng nakita ko si Jc na may hawak na flowers na nakangiti, nawawala yung mata nya sa ngiti nya, naka-civilian sya kaya ang cool ng porma nya kaya naman kinikilig ang mga dumadaan pag nakikita sya.

Mabilis ko syang nilapitan, inabo5 naman nya yung hawak nyang flowers sa'kin.

"JC?Teka pano ka nakapasok?"

"Connections." Cool nyang sabi habang ngumingisi

"Buti wala kang class."

"Free cut eh, and i wanna see you kahit na masama ang tingin nung mga players na nakakakita sa'kin" nakangiti nya pang kwento.

"Grabe sana hinintay mo nalang na matapos yung klase ko, it-text naman kita eh."

"Eh gusto nga kitang makita, at pag may gusto ako maeffort ako."

Ngumiti na lang ako sa mga pambobola nya, nagka-trust issue kase ako simula nung nangyari sa'min ni Shane, ayoko nang magkamali ulit, nakakatakot.

Siniko ako ni Shasha at sumenyas na ipakilala ko sya.

"Jc si Shasha bestfriend ko. Sha si Jc fiance ko." Nakita kong ngumisi si Jc pagkasabi ko nung fiance.

Tinanguan nya si Shasha, etong isa naman kinikilig at naging mahinhin bigla.

"H-hello."

"By the way, do you want to go to my house? Movie marathon?"

Sa itsura ni Jc na mahinahon  at nakikiusap, ang hirap nyang tanggihan.

"Sure, sama si Shasha."

Medyo mukha syang disappointed pero ngumiti din sya.

"Sure."

Nilibre kami ng food ni Jc, dito na din sya kumain, nagkwentuhan kami. Madali syang makisama, friendly sya. I think that's a good thing?


"Alex!"

Revenge of a Weak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon