Chapter 17
Alex's POV:
Nagising kami sa sigaw ni Hanna sa labas ng kwarto namin kaya naman agad kong ginising sila Arcie at Shasha kahit na sobrang sakit ng ulo ko.
Tinignan ko ang oras at nakita kong 4 a.m. pa lang pala, mag aayos pa sana kami kaya lang binubulabog na kami ni Hanna kaya naman lumabas na kami nila Shasha at Grace, walang hilamos na nangyari.
"Ang tagal niyong mag bukas! Bilisan niyo may pupuntahan pa tayo" utos niya sa'min.
"Pwede bang mag toothbrush muna kami o kaya suklay man lang ng buhok?" Sabi ni Shasha habang nagkukusot ng mata.
"Sige, basta bilisan niyo! Ayokong malalaman na naligo kayo ah" umoo kami at bumalik sa kwarto para maghilamos at mag toothbrush. Pero dahil makulit si Shasha, ayun naligo kaya umuna na kami ni Arcie sa baba kung saan nag hihintay ang boys, agad namang lumapit si Jc at umakbay sa'kin.
"You look beautiful" he whispered. Kinilabutan naman ako kaya medyo lumayo ako sa kanya, tinignan ko si Arcie na umiwas ng tingin at lumapit kay Shane.
"Tignan mo si Arcie at Shane, mukhang nagiging close na sila ah" tumingin sya sa dalawa at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa balikat ko.
"Hey, okay ka lang?" Tanong ko.
"Pa'no naman ako di magiging okay?"sabi niya habang nakatingin sa dalawa.
"Kase ang higpit na ng hawak mo sa balikat ko" mukha naman siyang natauhan kaya inalis niya ang kamay niya sa pagkakapulupot sa balikat ko.
"Ayaw lang kitang mawala" umiwas si Jc ng tingin at lumabas ng bahay nila Hanna. Nilapitan ko naman sila Arcie na masayang nag kukwentuhan.
"Bakit ba kase ang kulit ni De Ramos?" Pagalit na tanong ni Hanna.
"Saan ba kase tayo pupunta?" Napatigil sila sa tawa nila at tumingin sa'kin.
"Oh? Asan si Jc?" Tanong ni Hanna habang nakataas ang kilay.
"Ah, lumabas eh"
"Lumabas o nag walk out?" Pag tatanong ni Hanna, napatingin ako kay Arcie na mukhang gusto ng sundan si Jc, tumingin siya sa'kin at nginitian ko siya kaya sumunod na siya kay Jc, si Shane naman halatang iwas sa'kin kaya lumapit sa kalapit ni Hell na naninigarilyo.
Umirap si Hanna, "Ewan ko kung matutuwa ako o ano eh, masyado kang magulo Alex."
"Pa'nong magulo?" Tanong ko.
"Ewan ko sa'yo, tara na nga!" Lumabas si Hanna, napatingin naman ako kay Shane na hindi pa rin makatingin sa'kin, tumayo si Hell at tinapik ang balikat ko.
"Wala akong pakialam sa inyo ni Shane, kailangan ko lang ng speaker mo. Pahiram." Tsaka siya lumabas para siguro sundan si Hanna.
Umupo ako sa kalapit ni Shane.
"What's wrong?" Tanong ko.
"Wala" sagot nya habang kunwari ay nag cecellphone.
"Okay."
Napabuntong hininga siya at humarap sa'kin.
"Nag seselos ako" sabi niya.
"Oh? Bakit? "
"Kase sobrang clingy sayo niyang Dela Vega na yan"
"Pero alam mong hindi tayo" mahina kong sinabi sa kanya.
"Alam ko. Sarili ko ang may problema, possessive ako sa'yo kahit wala akong karapatan, sabihin mo nga Alex, may pag asa pa ba ako sa'yo? Kelangan mo ba akong pahirapan? Wag mo kaming pag mukhaing tanga! Hindi mo kami laruan" nagdilim ang expression ko at akmang tatayo ng pigilan niya ang braso ko pero kinalas ko ito.
"Please. Ayokong makapagsalita ng hindi maganda sa'yo Shane" sinabi ko habang nag pipigil ng galit.
"Pwes wag mong itago yang galit mo! Sabihin mo sa'kin"
"Gusto mo? Gusto mo talaga ilabas ko yung galit ko? Wala na kong galit sa'yo Shane, pero binabalik mo yung galit na yon sa'kin! Pinagmumukha kitang tanga? Wow ah, gusto mong isa isahin ko lahat ng kalokohan mo dati? " i sarcastically said, tumayo din siya at tumitig sa'kin.
"So ganon pa'rin? Yun pa'rin yung issue natin?" He said in a cold voice. Napahilamos ako ng mukha at inis na tumingin ulit sa kanya.
"Bakit ba hindi mo makuha yung point ko? Ang sabi ko wala na yung galit ko noon! Tsaka diba sinabi ko sa'yo friends lang ang turing ko muna sa inyo ni Jc? Kase ang hirap mag tiwala! Alam mo kung bakit diba?" Lumabas ako ng bahay at iniwan siya don, maya maya lumabas na din si Shane na hindi makatingin sa'kin sumunod si Shasha at Erik na sobrang sweet at sumakay na kami sa Van. Sobrang tahimik sa biyahe, buti na lang at nagsalita si Hanna.
"Okay, first destination natin sa Ping as sa Pakil,Laguna" sabi ni Hanna sa isang bored na tono.
"Walang nagtatanong" Pambabara ni Shasha.
"Oh sige bumaba ka sa Van na to, walang susundo sa'yo" pang aasar ni Hanna, tumawa naman si Arcie pero ako hindi makatawa.
"Ang tahimik niyo, magsalita nga kayo" sabi ni Shasha.
"Hayaan mo sila, wag nilang enjoyin tong araw na to kase bukas uuwi na tayo, sinayang lang nila ang punta nila dito" napatingin naman kami kay Hanna.
"Panong bukas? Ang bilis naman!" Reklamo ni erik. Sunod sunod na kaming nagreklamo.
"Kaya nga sulitin niyo tong araw na to eh, pinapabalik na tayo ni Daddy sa school, nagpaextend lang talaga ako para masulit yung pagod natin" napatingin sa'kin si Hanna at nag iwas siya ng tingin at nagpatugtog ng isang malakas na tugtog.

BINABASA MO ANG
Revenge of a Weak Girl
Novela JuvenilHow can you break a wall that especially made for you?