CHAPTER 6
Alex POV
Naglalakad ako sa hallway ng may nakita akong nakapagpaalala sa'kin ng past ko.
May babaeng binubully sina Dara. Nerd sya, pinagtatawanan at pinapahiya. Hanggang ngayon, Hanggang ngayon naaalala ko pa'rin yung pakiramdam na wala kang kakampi, walang may gustong makipagkaibigan sayo. parang kaaway mo ang buong mundo pero mag isa ka lang.
"Take That Nerd! hahaha! mas lalo kang pumangit. Haha!"Sandy.
"Hiyang hiya naman ako sa itsura mo. Ganyan ka ba kaduwag at yung mga taong walang laban pa ang pinupuntirya mo?" hindi na kase ako nakatiis kaya lumapit ako.
"Bakit ba nangingialam ka? ah alam ko na, naiinggit ka kase may ibang tao na ang pumalit sa place mo as Outcast, ang kaso, nerd sya ikaw kahit hindi ka nerd dati ayaw ka paring lapitan ng mga tao sa paligid mo. " Dara.
"Para sabihin ko sayo, para kang bata, hindi ka na nag bago. Ano bang makukuha mo kapag nambully ka? nagmumukha ka lang katawatawa."namumula na sya sa galit.
"At kayong mga alalay nya, Anong makukuha nyo sa pagsunod sa kanya?" ako.
"How dare you!" hahablutin nya sana ang buhok ko kaso nahawakan ko yung wrist nya.
"Not my hair bitch."Tinulak ko sya kaya napatumba sya. Lakas ng loob mag heels eh.
Yung dalawa nyang alalay tinulungan sya.
"Ano? bakit di nyo siya sugurin?"Dara.
"Nakatingin dito si Hanna eh, Kilala nya ang family ko."Sandy.
"Urgh! walang kwenta! ikaw, hindi pa tayo tapos." bigla syang nag walk out habang yung mga alipores nya inirapan lang ako, Kala mo naman talaga.
Tinulungan kong tumayo yung nerd.
"T-thank you"nakayuko nyang sabi habang pinupunasan yung salamin nya.
"Do me a favor."
"Ha?"
"I said do me a favor."
"A-anong klaseng favor?"
"Pwede bang wag ka ng magpaka-damsel in distress dahil hindi sa lahat ng oras may tiga pagtanggol ka, ayusin mo yang sarili mo." Pagkasabi ko nun iniwan ko na sya ng nakatulala.
Next class ko na. Nagmadali akong pumunta sa building namin.
"Hi Alex. Gusto mo sumabay saken papunta na kase ako sa room." Ayoko.
"Sure. "
Habang naglalakad, tinaas ko yung buhok ko para kita nya yung batok ko.
"Ang init."sabi ko.
"M-mainit talaga ngayon" napatingin sya pero umiwas din ng tingin.
Nagkunwari akong natapilok sa harap nya.
Nasalo nya naman ako kaya ang tendency ang lapit ng mukha ko sa kanya.
"Sorry."ako
"No it's ok."
Nakita kong pinag papawisan sya. It's really working.
"Alex, pwede ba kitang yayaing lumabas?"nakatingin lang sya sa daan habang nag lalakad.
"You mean, like a Date?"
"Parang ganun na nga. Pero naiintindihan ko kung hindi ka pumayag, alam ko naman n--"
"Sure kelan?"
"Bukas sana ng gabi?"
"Ok pick me up at seven"
"Sige! Sure! thanks alex "sabay yakap sa'kin. Yung reaction nya ngayon katulad ng reaction nya nung sinagot ko sya. Same smile. Same effect.
Niyakap ko din siya in return.
"Your Welcome "ngumiti ako ng pilit.
Binitawan nya ako bigla, thank God.
"Sorry kung nayakap kita, masaya lang talaga ako."
"O-ok lang yun ano ka ba, pano,i'll go ahead " syempre hindi okay.
Dumiretso ako sa tambayan namin.
"Nabalitaan ko yung nangyari kanina ah, astig ka talaga." Hanna.
"Ayoko lang talagang makakita ng ganong eksena.
Kinwento ko sa kanila buong pangyayari hanggang dun sa pag yayaya ni shane ng date.
"Nice one, mukha namang madali na tong plano mo eh nakikiayon feelings ni Shane." Shasha.
"Sus if i know may pustahan nanamang nagaganap jan."me.
"Okay lang, wala ka nanamang feelings sa kanya diba?" Shasha. Umo-o ako sa kanya.
"Mall tayo tara!" Aya ko.
"May date ako"Hanna. Para namang may makikipagdate eh halos lahat ng lalaki takot sa kanya.
"May papaslangin ako"Cara. Pinakalame na excuse
"may kachat pa ko"Adette.
Demi:"Hinihintay ako ng boyfriend ko"Demi. May pasok kaya boyfriend nya.
"Chachat ko si lambert"Jenny. Awkward nga kayo sa isa't isa eh.
"Matutulog ako"Mary.
"Busy ako."Twinkle. If i know mag lalaro lang yan ng flappy bird sa bahay nila.
"Daming rason ah, sige kami na lang ni shasha"
"Tara na Alex! dami pa natin gagawin." nagpaalam na kami at umalis.
"Kailangan maganda ka bukas seductive yet elegant"
"Oo naman, magaling naman ako sa fashion kaya lang kinailangan kitang isama kase madami kang alam na seductive clothes"
"Oo na. Ang hard mo naman."
"Ganun talaga."
Ano kayang mangyayari bukas? nakakaexcite tuloy, gusto ko na kase syang makitang mahirapan.

BINABASA MO ANG
Revenge of a Weak Girl
Teen FictionHow can you break a wall that especially made for you?