Special Chapter

500 14 19
                                    

Special Chapter

Grace's POV:

Nagising ako sa isang malakas na pagkatok sa aking kwarto, padabog akong tumayo at binuksan ang pinto, pagbukas ko ng pinto tumambad sakin ang nakangising mukha ni JC Dela Vega.

"Hi Gracie."

Isasarado ko na ulit sana yung pinto pero napigilan nya at mas tinulak pa ng mas malawak yung pinto.

"Sa isang best friend, you're rude" Natatawa nyang sinabi.

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot.

"Bumangon ka" Hinila hila nya yung kumot ko kaya padabog kong tinanggal ang kumot at umupo sa kama ko.

"Ayan nagising ka na!" Nakangisi nyang sabi.

"Ano bang kailangan mo at binubulabog mo ko? Ang aga aga Dela Vega ah!" Pagalit kong sinabi.

"Late na kaya, 12 na oh."

Sinamaan ko sya ng tingin kaya tumawa sya at umupo sa couch sa tapat ng kama ko.

"I need your help Gracie."

"Anong help nanaman yan? Sobrang importante ba yan para masira ang napakaganda kong tulog?"

"Tungkol kay Alex."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at nag kunwaring nagtatanggal ng muta.

"Oh? What about her?"

"May nakikisingit kase na Ex sa kanya eh."

"Oh?anong gagawin ko? Ipapaflirt mo sa'kin ex nya?" Sinamaan nya ko ng tingin.

"Hindi! Di ka naman marunong nun eh."

"O eh anong gagawin ko?"

"Diba pinsan mo yung isang kaibigan nya?"

"Si Cara? Oo naman bakit?"

"Iclose mo si Alex tapos ipush mo sya lalo sa'kin tapos ilayo mo siya kay Villafuerte" Napatingin ako sa kanya at napataas ng kilay.

"Kaya mo na yan, playboy ka diba?"

"Gracie please? Love mo ko diba? Best friend mo ko eh!" Nagpapaawa nyang sinabi. Kadiri.

"Oo love kita! At best friend kita kaya nga sige na papayag na ko."

Dali dali nya kong niyakap at pinisil ang pisngi ko.

"Sabi ko na love mo ko eh! Bye Gracie" Sabi nya at lumabas ng kwarto ko, babalik na sana ako sa pagtulog ng may pumaso nanaman sa kwarto ko.

"Hoy nakita ko best friend mo ah, anong pabor nanaman ang hiniling nun sayo?" Ang kanyang makapal at natural na kilay ay mas naemphasize dahil sa pagkunot ng kanyang noo.

"Alam mo na yun Francess."

"Alin? Nagpatulong nanaman sya sayong maging look out tuwing may ka-MOMOL sya?"

"My god Francess that was 4 years ago, nag bago na si JC."

"Kahit na no! Na-guidance ka dahil sa pinagtakpan mo yung kakatihan nung best friend mong yun tapos hayaan na lang? Eh diba first guidance mo yun? At ano? Nag sorry ba sya sayo pag katapos? Diba hindi?"

"Nagtanong naman sya kung okay lang ako eh."

"Yeah right, yun lang, tapos pinapanood ka nya sa game nya dati para iwanan at ipagpalit sa kafling nya diba?"

"Okay na yun, that's past."

"Anong that's past? Eh nawala nga ang pagiging honor student mo dahilsa di ka nakapag gawa ng research paper dahil lang sa pinagpalit mo yun kay JC!"

"Wala nanaman yun sa'kin, tsaka fling lang naman diba?"

"Ang martyr mo, alam mo konti na lang pwede ka nang maging santo" Umiirap nyang sinabi.

"Ewan ko sayo, bakit ka ba nandito?"

"Papasama ako sayo eh, bibili ako ng damit"

"Yun lang pala, wait lang maliligo na ko."

"Bilisan mo ah!" Pahabol nyang sigaw.

Habang nasa shower, iniisip ko yung mga nangyari mula noong high school hanggang ngayon, Am i that stupid? I just loved him, manhid lang talaga sya, kinulang ata ako sa self worth ko, should i move on and be his best friend with limitations and without malice?

Well i think i know the right answer, but i just can't, kase ang pag momove on hindi minamadali, siguro pag sumobra yung sakit mamamanhid na lang ako tapos makakalimutan ko na nagkagusto ako sa kanya, sa best friend ko.

Lumabas ako ng banyo at nag bihis, umalis kami ni Francess at dumiretso sa mall, dahil nga nagugutom ako at hindi pa ko nag bbreakfast, iniwan ko muna sa store si Francess at bumili ng pagkain. Kaso mukhang wrong move.

Nakita ko kase si JC, Alex at si Shane, kitang kita ko kung panong kumunot at madilim ang paningin nya tuwing hinahawakan ni Shane ang kamay ni Alex, kahit magdikit man lang, kitang kita ko ang pagiging possessive ni JC towards Alex. At never ko pa yung nakita kay Jc.

Huminga ako ng malalim para mapigilan ang mga luha ko na nag babadya ng tumulo, ang sakit masyado. I don't know how to save myself from this pain, tingin ko din never akong masisave.

Pumunta ako kay Francess at sinamahan na lang sya, kinakalimutan ko muna yung mga nakita ko kanina, kahit saglit lang, makalimutan ko naman siya.

Pagkauwi ko sa bahay kusa ng tumulo ang mga luha ko.

Ang swerte mo Alex, ang tagal ko syang pinangarap, ako ang laging nasa tabi nya pero ikaw yung lagi nyang nakikita, ikaw na ngayon nya lang nakilala.

Magpaparaya ba ako? Syempre. Hindi naman siya sa'kin eh.

Nakapagdesisyon na ko, masaktan na kung masasaktan, mas okay na yun, mas mapapadali yung pag momove on ko sa kanya ng hindi nya alam.

Revenge of a Weak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon