Chapter 14

315 12 10
                                        

Chapter 14

Alex's pov:

Kinabukasan, nagkita kami nila Hanna sa school, halata pa rin ang pagiging frustrated nya dahil sa pabalik balik na lakad nya sa harap namin, at ang pagiging iritable nya sa lahat.

"Alam kong gagawin nila to sa harap ni Alex para makita nila kung paano mapapahiya si Alex. I suggest, ilayo muna natin sya" Shasha calmly said na agad namang sinangayunan ni Hanna.

"I block them sa lahat ng official site ng school ko, kaya there is no way na maipakalat nila yung recorder habang wala tayo" Medyo kumalkalma na si Hanna.

"Saan natin sya ilalayo? "Cara.

"Ako ng bahala dun" Hanna said with finality.

Natahimik muna kami saglit bago nagsalita ulit si Hanna.

"Kayong dalawa, dapat pagbalik namin dito ayos na to, yung iba na matitira, tulungan nyo tong dalawang to." Hanna instructed them, tumango lamang ang mga ito.

"Pwedeng sumama?" Tanong ni Adette.

"Pwede, Kaso malayo sa sibilisasyon yon, okay lang?"

Natahimik si Adette.

"May exam nga pala kami non sa Calculus haha" Awkward na bawi ni Adette.

"Isasama ko si Shane para sure" sabi ni Hanna.

"Teka, paano si JC?" Bigla kong natanong, sabay sabay naman silang lumingon sa'kin na nakakunot noo.

"Sino ba talaga? Shane o JC?" Shasha.

"Wala, natanong ko lang kase parang unfair sa kanya kung kasama ko si Shane tapos sya hindi" Mukha pa'rin silang hindi naniniwala kaya kinunutan ko na sila ng kilay.

"Okay, sabi mo eh. Basta isa lang ah?" Natatawang sabi ni Shasha.

"So it's settled then? Tara mag impake na kayo, ako ng bahala kay Dad" tumayo si Hanna at sumunod na din kami para makauwi at makapagimpake.

Pagdating sa bahay, inayos ko lahat ng kakailanganin ko at natulog ng maaga dahil winarningan na din kami ni Hanna na dapat agahan namin ang punta.

Kinabukasan, maaga kaming sinundo nila Hanna, pagkabukas ko ng van, ngiti agad ni Shane at JC ang nakita ko.

Napansin ko din na napaiwas ng tingin si Arcie, at tingin ko alam ko na kung bakit.

"Hoy Alex, Hindi ka jan, dito ka sa tabi ko" pambabasag ni Hanna kaya sinara ko yung pinto ng Van at sumakay sa front seat kasama si Hanna.

Nagreklamo naman sila sa pangunguna ni Shasha.

"Dapat si Hell kalapit mo jan!" Shasha, sinamaan naman siya ng tingin ni Hanna.

"Oo nga oo nga" natatawang pagsang ayon nila Arcie.

"Manahimik kayo kung ayaw nyong iwanan ko kayo dito sa daan" natahimik naman sila pero kita kong nagpipigil sila ng tawa.

"TSS" narinig kong sinabi ni Hell.

"Hoy gago may sinasabi ka jan?" In is na tanong ni Hanna, natatawa man kami pero nanahimik na lang kami, mahirap na, parehong basag ulo tong dalawang to.

"Tangina manahimik ka na lang" napalingon si Hanna at sinamaan ng tingin si Hell.

"Sino ka ba para utusan ako sa kung anong gusto kong gawin?!" Hanna

"Sino ka din ba para utusan ako?" Halatang pikon na si Hell kaya inaawat na siya ni Erik at Shane.

"May hinihingi kang pabor sakin kaya magtiis ka" masungit na sabi ni Hanna.

Pikon na tumahimik si Hell kaya natahimik din ang biyahe.

Revenge of a Weak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon