Chapter 13

439 15 14
                                    

Chapter 13

Alex POV:

Nandito kami nila Hanna sa isang coffee shop malapit sa school, minsan lang kaming mabuo at dahil pa sa suspended ang klase.

Puro lokohan ang nangyari, yung iba naman dinala yung mga assignment or projects nila at dito ginawa, kaya naman parinig ng parinig si Hanna.

"Minsan na nga lang mag sama sama tapos uunahin pa yang school works, pwede namang mamaya na pag uwi diba?" Siniko ko si Hanna at binigyan nya naman ako ng isang galit na tingin.

"Eh kase naman, di na tayo mga high school, bawal ang cinco, ang hirap kayang pumasa sa zero-based system ng school" Pangangatwiran ni Mary.

"Pwede kong sabihan si Daddy na ipasa kayo" Umiirap na sinabi ni Hanna.

"Yan ang wag mong gagawin, pano kami matututo kung mamanipulahin mo din pati grades namin?" Sagot ni Mary.

Bago pa makapalag si Hanna nakasingit naman agad si Cara.

"Guys! Pinsan ko nga pala si Arcie Grace" Pakilala nya sa babaeng chinita na mukhang tahimik.

"A-arcie na lang."

Nag hi kaming lahat kay Arcie at isa isang nagpakilala, ngumiti naman sya sa amin.

"Wait lang, bibili lang kami ni Arcie" Cara.

"Wait, sama na kami ni Twinkle" Tumayo si Twinkle at Mary at umalis.

"So kumusta ang plano?" Pagtatanong ni Adette.

Umiling ako at uminom ng Frappe.

"Ano yan? In love ka nanaman kay Villafuerte? Hoy Shasha, anong nangyayari dito sa best friend mo?" Nalilitong tanong ni Adette.

"Ganto kase yan.... No comment" Shasha, kaya sinamaan sya agad ng tingin ni Adette.

"Ayoko na, i realized na napaka immature nung pag rerevenge, lalabas na sobra kong bitter, at tsaka wala na kong nararamdaman kay Shane, friendship siguro."

"Bakit naman nya babalikan yung lalaking nanakit sa kanya? Ano? Tanga lang?" Pambabara ni Hanna kay Adette kaya natahimik kami.

"Sabagay, mas okay kung ganoon na lang kayo ni Shane, ang High school nung dating eh, seriously" Shasha.

"Eh sino bang nagbigay ng suggestion na yon?" Mataray na tanong ni Hanna, waang sumasagot kaya nagtawanan na lang kami hanggang sa bumalik na silang lahat.

"Alam nyo ba, importanteng tao lang ang tumatawag ng Gracie dito?" Sabay turo kay Arcie.

"Ang chismosa mo talaga Cara" nahihiya nyang sabi.

"Yie, sino naman? Ay teka kilala mo ba si James Christian Dela Vega? Fiance kuno yun ni Alex!" Tumatawang sinabi ni Shasha.

"Haha oo best friend ko yun"

"Ayy small world?" Shasha

Biglang tumayo sila Mary at Twinkle.

"Cr lang kami ah" Paalam ni Mary.

Tumango naman kami at tinuloy ang kwentuhan namin.

Maya maya may lumapit sa amin na isang member ng Pretty girls, si Joanna.

Tinaasan sya ng kilay ni Hanna, "anong kailangan mo?"

Ngumisi naman sya at tumingin sa'kin,"Akala ko pa naman nagbago ka na at wala ka ng pakialam kay Shane, yun pala may pinaplano ka."

"Saan mo naman napulot yan?" Shasha.

Nilabas nya yung recorder at pinlay.

"Nagawa na siguro ni Alex yun, dapat lang na gantihan si Shane" boses ni Mary.

"Yeah, he deserve it, halata din namag fall na fall sya kay Alex" boses ni Twinkle.

Biglang nagstop yung recorder at ngumisi ulit si Joanna.

"Bye losers" Pagharap nya sa likod, nakita nya si Mary at Twinkle na nakayuko."Thanks girls" sabay ngiti at umalis sa cafe.

"What did you just do?!" Galit na sinabi ni Hanna, pinigilan naman sya nila Adette at Cara.

"Sorry, dahil sa'min mabubuking pa si Alex" Mary.

"Hindi lang mabubuking! Nasiraan nyo pa sya!" Hanna.

"Wala na yung revenge, totoo na to" Shasha.

Kita ang pagkaguilty sa mukha nila.

"Paano na ngayon yan?" Adette.

"Ayusin nyo to! Sa susunod wag na kayong mag kukwentuhan sa Cr, pumili kayo ng lugar!" Hanna.

"Tara na Alex, umuwi ka na, baka hinahanap ka na sa inyo."

Sumunod ako kay Shasha at umalis.

Revenge of a Weak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon