CHAPTER 11
Alex's POV:
Wala ako sa sariling bumangon at nag ayos ng sarili, masyado pa rin akong naaapektuhan sa reaksyon ng sistema ko kay Shane, Pero parang nag iba yung nararamdaman ko sa kanya hindi ko lang ma-point out kung ano.
Siguro kailangan kong umiwas muna kay Shane o kahit kay Jc, masyado kaseng magulo ang sitwasyon eh, pati utak ko magulo.
I can't risk my heart for the plan, makakapaghintay yun, kailangan ko lang munang makapag isip isip at mapag isa, baka mabaliw ako, tsaka kailangan ko na din hanapin yung galit ko kay Shane para ituloy yung plano.
Pumasok ako sa klase at nag focus nalang sa discussion, nung nag dismiss yung first subject dumiretso ako sa library para mapag isa, buti absent si Shasha, kailangan ko talaga ng alone time.
Tinignan ko yung phone ko at nakitang ang daming missed calls galing kay Shane at Jc pero inignore ko lang.
Lumabas ako ng library at pumasok na sa huling subject ko ngayong araw, medyo boring pala kung wala kang masyadong kaibigan sa room, ang hirap maging irregular student.
Pagkadismiss, nagmamadali kong inayos yung gamit ko at umalis ng room, habang naglalakad may mga estudyanteng nagkukumpulan sa labas ng gate ng school, may away ata.
"Bilisan nyo! Nag aaway daw si Shane at James Christian ng Mapua!" Napatingin ako dun sa mga babaeng tumatakbo.
Nag aaway? Tumakbo ako para makalapit sa kumpulan ng mga tao, naririnig ko ang sigawan nila at ang pangalan ko.
"Akin si Alex! Ako ang fiance nya what the f*ck?"
"Umalis ka dito sa school namin JC, hindi ka welcome dito! Ako ang fiance ni Alex! Wala kang fiance dito!"
Kinwelyuhan ni JC si Shane at aambang susuntukin.
"Tumigil nga kayo!"
Nilapitan ko yung dalawa kaya umayos naman sila, Umalis naman yung mga nakikiusyoso kanina, nung nawala na yung mga tao hinila ko sila paalis sa school.
"Anong sa tingin nyo ang ginagawa nyo?!" Mahina pero galit kong bulong.
"Susunduin sana kita kaso hinarang ako nung mga Varsity players nyo, ayaw akong papasukin, utos daw ni Villafuerte"
Napatingin ako ng masama kay Shane at nag iwas naman sya ng tingin.
"Fiance ka daw nya!" Jc.
"Totoo naman ah! Akin si Alex, wala kang fiance dito!"
Bago pa sila magkainitan ulit pumagitna na ko sa kanila.
"Makinig kayo sa sasabihin ko ah."
Mahinahon kong sabi sa kanila kaya napatingin sila sa'kin.
"Walang nag mamay ari sa'kin! Mga magulang lang natin ang may gusto nito! Kaya--"
"Pero gusto ko to!" Sabay nilang sinabi at nagtinginan sila.
"Ayoko neto! Kaya kung gusto nyong maging maayos tayong tatlo tandaan nyong walang nag mamay ari sa'kin at pwede pa kong magkagusto sa iba."
"Hindi ako papayag Alex, nawala ka na sa'kin dati. Hindi ako papayag na mawawala ka ulit" Shane.
"Minsan lang ako magseryoso Alex, magiging akin ka"Jc.
Napatango ako at akmang aalis na ng pigilan nila ako.
"San ka pupunta?" Shane.
"Mag lilibrary ako, wag kayong magkakamaling sumunod"
Di naman sila umimik kaya bumalik ako sa school at pumuntang library.
"Pwede pong maki-share?"
Napalingon ako dun sa babaeng nag salita at tumango, umupo sya sa harapan ko at nagbasa ng libro.
"S-salamat nga pala "
Napatingin ako sa kanya. Salamat saan?
"Huh?"
"Ako yung niligtas mo sa pambubully nila Althea"
Napatango ako, sya si nerd, hindi na sya mukhang nerd ah, napangiti ako.
"A-ako nga pala si Pauline Torres" ngumiti sya, mas naemphasize yung chubby cheeks nya at ang mamula mula nyang pisngi.
"I'm Alex--"
"Alvarado" Pagtutuloy nya sa sasabihin ko.
Paano nya ko nakilala?
"Kilala ka sa school eh, kaibigan mo si Hanna diba?" Tumango ako, that explains it.
Nag bell na at dali dali nyang inayos ang mga gamit nya.
"See you around Alex " Tsaka sya nagmamadaling lumabas ng library.
New friend? Hmm. Mukha naman syang mabait eh, at ang cute nya so why not?
Nagpalipas pa ko ng ilang minuto bago ako umalis sa library, nagpasundo na din ako sa driver ko.
Should i continue this revenge thingy? Parang ang immature ko lang sa pagiisip na gantihan si Shane, kaya lang nasimulan ko na eh.

BINABASA MO ANG
Revenge of a Weak Girl
Teen FictionHow can you break a wall that especially made for you?