Chapter 18

18 2 0
                                        

Chapter 18


"Mag hhike tayo pataas" Bumaba si Hanna nang dire-diretso.

"Bakit ba tayo sumusunod dun sa babaeng yun?" Reklamo ni Hell. 

"Kase gusto ko pang makabalik sa Manila ng buhay, kaya bumaba na tayo" Natatawang sabi ni Shasha kaya naman bumaba na kaming lahat at naabutan namin ang nakapameywang na si Hanna.

"Ang babagal niyo! Iiwan ko kayo dito eh!" Sabay talikod sa'min. Pero nagulat kami ng hinabol siya ni Hell at hinila siya sa kamay.

"Bitawan mo ko!" nagpupumiglas na sabi ni Hanna, Lumapit kami sa kanila at sinubukan silang pigilan, kaming mga girls nakahawak kay Hanna, well except kay Shasha na palihim na nag v-video sa kanila.

Hinawakan nila Shane si Hell pero di nagpapigil si Hell at tinaboy sila Shane.

"Dude chill ka lang, babae pa'rin yan" seryosong sabi ni Erik.

"Wala akong pakialam! Nakakapikon na to eh," humarap siya kay Hanna, "Ikaw, hindi lahat ng mga tao dito kailangan mong sigaw sigawan! kase wala kang karapatan, kase hindi lang ikaw ang tao dito sa mundo! matuto kang rumespeto!" biglang lumapit ng paunti-unti si Hanna.

"Ikaw? ano bang alam mo?" napangisi siya at malakas na binawi ang mga kamay niya. "Ano bang alam mo sa salitang respeto?" tumalikod siya sa'min at nauna nang umakyat sa bundok.

Napatingin kaming lahat kay Hell, nagtatagis ang mga bagang niya habang nakatingin sa baba.

Napailing ako kaya sumunod ako kay Hanna at iniwan sila, sumunod naman si Shasha at Arcie sa'kin. 

Binilisan ko ang lakad ko at lumapit kay Hanna, tinignan ko siya at binigyan ng panyo, Pinalis niya ang kamay ko.

"Di ko kailangan niyan" madiin niyang sinabi.

Mas binilisan niya ang lakad kaya naman naabutan ako nila Shasha, maya maya'y merong umakbay sa'kin, pagtingin ko si Jc pala, pero nakatingin siya kay Arcie na diretso ang tingin sa nilalakad namin na parang walang nangyari.

Bakit ang hilig niyong magtago ng feelings? Why can't you just let it all out? i'm right here guys! I'm your friend, makikinig ako kahit gaano pa kadrama o kababaw yang dinadala niyo. 

Gusto ko sana yang sabihin, ang kaso mas mabuti nang wag magsalita kase mas mag ccause lang yun ng misunderstanding, kase may mga bagay na di mo na kailangan i-share sa ibang tao, may mga bagay na kailangan pa ng acceptance sa sarili mo, at may mga bagay na masosolusyunan mo all by yourself.

Pero kasi, naguguilty ako, sila yung laging nandyan pag may problema ako, lagi silang nakasaklolo sakin, laging ako yung sinesave. Pero sila, di ko manlang alam yung mga problema nila.

~~


Pagdating sa tuktok, sobrang namangha kami, kase kitang kita yung buong siyudad mula rito, though marami din tao ang nandito, mga magkakapamilya, magkakaibigan, magkakarelasyon.

Si Shasha na sobrang mangha sa lugar, di mapigilan na magpicture at mag selfie, ganon din si Arcie at Erik.

Umupo muna ako sa may grass kalapit ng mga gamit namin, sumunod naman si Jc, si Shane kausap si Hell, si Hanna naman nagmumukmok sa isang tabi.

Napatingin ako kay Jc at nakitang nakatingin siya kay Arcie.

"Alam mo, mas okay sana kung magpakatotoo na tayo dito no?" naramdaman kong napatingin sa'kin si Jc pero nanatili akong nakatingin sa harap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Revenge of a Weak GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon