Genre: RomCom
Written by: Miss Sha or iamcupidspsyche
"Sana masabi ko sayo ang lahat,
Ipaalam kung ano ang nararapat...
Pero paano ko yun gagawin,
Kung wala akong lakas ng loob na aminin?"(TES: Von Liam Chapter 22)
Hi! I'm Hailey Madrid, 28, from the land of yummy and affordable hopias – Tipas, Taguig! Isa akong sekretarya na self-proclaimed super hero as Cat Woman para iligtas si Batman – este ang boss ko na si Bruce mula sa baseball bat at karumaldumal na balak ni Claudia aka Harley Quin...
"I want all the ledgers and vouchers of the last quarter on my table first thing in the morning when I get back from the expo. Remind the Finance Department about the financial reports and liquidation for the past two years. I want a copy of those documents ASAP," malamig na utos ng boss ko in his baritone voice habang mabilis na naglalakad sa marangyang pasilyo ng Aberdeen Tower.
As usual, nakasunod lang ako...
Humahabol...
Siya ang nasa unahan, ako ang nasa likod... Tsk!Sa haba ng binti niya, ang isang hakbang niya ay katumbas yata ng dalawang hakbang ko. Haaist! Kainis! Ang taas pa naman ng heels ko. Si sir, ang hilig magpahabol! Pero carry lang, para naman to sa ekonomiya! Ang dami yatang nag-aambisyon sa posisyon ko. Ang maging sekretarya ni Bruce Maxwell Burnard, the 33 year old CEO of the Burnard Holdings and Enterprise. One of the most eligible, hot and sinfully handsome business tycoons in Asia! Kaya kahit anong mangyari, di ko bibitawan ang trabaho ko. Mataas na ang sweldo, marami ka pang nakikitang gwapo...
"Set me an appointment with Mr. Glencoe for the Ad Campaign. I want it tonight. Make it seven in the evening. Can you still insert it in my schedule?" tanong nito habang nag-i-scroll sa hawak na smart phone. May dagdag na utos pa pala si kamahalan.
"Y-Yes, sir!" agad kong sagot na parang girl scout. "Your schedule is free from 6pm onwards." Nilagay ko agad sa hawak kong tablet ang dagdag niyang appointment.
"Good." Matipid nitong sagot.
Hindi pa rin ito tumitingin sa akin. Ni minsan yata hindi tumagal ng sampung segundo kung tumitig ito sa akin. Yung eye to eye ba. Madalas sa mga dokumento o laptop ito nakatingin kapag nagbibigay ng instructions. Istrikto ito sa trabaho pero di naman masungit. Sadyang napakaseryoso nito. Sa mga malalapit na kaibigan lang ito nakikipag-usap. Kung makipag-usap man ito sa mga tao sa kompanya ay purely business lang.
"Tell Carlos to prepare the chopper. I have to meet our Australian investors in Subic Yacht Club. We will be leaving in 5 minutes." Utos pa ulit nito habang papasok kami ng elevator paakyat ng opisina niya. Agad ko namang niradyo si Carlos na nakapwesto na sa helipad ng rooftop.
Tumitig ako sa sumarang pinto ng elevator. Agad kong nakita ang kaaya-aya niyang repleksyon sa salamin. Kaming dalawa lang ang nasa loob. Putek! Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko! Langhap na langhap ko ang mamahalin niyang pabango! Ay, Sir Bruce! Kung alam mo lang! Matagal na kitang gusting sakmalin! Mga two years na! Pilit kong pinapanatili ang seryosong ekspresyon ng aking mukha. Pinipilit kong labanan ang kilig na nadarama. Namamaster ko na yata ang pagiging poker-face. Buti na lang bago at mahigpit ang garter ng panty ko. Baka kasi malaglag sa hotness niya! Rooaaar!
VP Operations pa lang noon si Sir Bruce crush na crush ko na siya. Pero siyempre, secret lang yun. Isa siyang magaling at matalinong businessman. Si Sir Charles Burnard na kanyang daddy ang boss ko talaga before. Nang magretiro si Sir Charles, siya ang pumalit sa nabakanteng posisyon. Siya ang naging panibagong boss ko. Walang pasidlan ang saya ko noon kasi pader at pinto na lang ang nakapagitan sa amin ng aking sinisinta. Medyo malapit na ako sa katotohanan! As far as I know, wala namang jowa si sir.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
De TodoFrom one story to different one-shots of different genre written by talented Jazlykdat Wattpad Friends members. If you liked my stories, I am more than sure, you would love these one-shots, too. They are my personal choices in the recently concluded...