Stuck in the Past

3.5K 85 10
                                    


Genre: Romance

Written by: Madz_Maddie



"Akala ko kaya ko na...
Hindi pa pala...
Ang sakit isipin..
Kung puwede lang sanang pigilin." 
–The Empire Series: Von Liam 



___________

This trial made me feel exhausted.

Kahit gusto mo ang isang bagay nakakapagod pa rin talaga. But what's important is you're enjoying even if it is tiresome.

I'm a lawyer so whether I like or not, I have to deal and take cases that could change one's life.

I was grown to live my life like this. Kailangan kong gawin ang mga bagay na ayaw ko dahil kailangan. Kahit na ang kapalit nito ay ang sarili kong kasiyahan.

I am Xiena Mae Alexis Castañeda. 28 years old. Single by status, taken by heart.

Hindi pa ako nakaka-alis sa Metropolitan Trial Court, Taguig branch. Tumatawag na naman si Joanna na.

"Papunta ka na ba?" tanong agad niya.

"Oo." Sumakay na ako sa sasakyan ko. Kanina pa nangungulit ang babaeng 'to.

"Sinisigurado ko lang na pupunta ka. Baka magbago bigla ang isip mo, eh." sagot niya. Napairap na lang ako at binuhay ang makina ng sasakyan.

"Oo na. Hintayin niyo nalang ako. I'll be there in an hour or two..." pinutol ko na ang tawag upang hindi na humaba ang usapan. Papunta na rin naman ako.

Wala sana akong balak pumunta sa get together ng barkada pero araw-araw akong tinatawagan ni Joanna at Sophie para siguraduhin na pupunta ako.

I admit I miss them too but I am not yet ready to face him.

Tinatahak ko na ang daan papunta sa rest house ni Yohann. Doon kasi ang venue. Minnie reunion na rin daw kasi ito.

May malawak na function hall doon at maliliit na cottages na nakapalibot sa swimming pool. Hindi kalakihan para sa mga big event pero kung para sa'min lang ay walang kaso.

Noon ay madalas kaming mag-swimming doon. Night swimming is our favourite bonding.

Lumayo lang naman ako sa kanila noong hindi ko na matiis ang galit na nakikita ko sa kanyang mga mata. Noong hindi ko na kayang pag-masdan na iba ibang babae ang kasama niya sa tuwing magkikita-kita kaming magkakaibigan. Nilulukob ng selos ang aking puso kahit na alam kong hindi dapat. Nasasaktan ako kahit alam kong wala akong karapatan dahil ako ang nang-iwan.

Natanaw ko na ang gate ng rest house nila Yohann. Dito palang ay naririnig ko na ang malakas na tugtog na nagmumula sa loob.

Nagpalipas ako ng ilang minuto at huminga ng malalim bago huminto at bumaba sa sasakyan.
Inilibot ko ang aking mata sa paligid. Walang nabago maliban sa ilang bagong palamuti.

Nakita kong naglalakad si Ace patungo sa aking kinaroroonan. Sinalubong niya ako ng yakap at halik sa pisngi.

"Xie! Ngayon ka lang ulit nagpakita." May himig na pagtatampong sambit niya.

"Sorry. Busy lang talaga." Gumanti ako sakanya ng mas mahigpit na yakap.

"God! I miss you so much." Dagdag ko pa.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon