Bukas Luluhod ang mga Patatas

3K 66 1
                                    

Genre: GenFic

Written by: ThePoetWithin_gta


Life will give you many reasons to give up and it's up to you if you'll suck it up.- The Empire Series: Von Liam


____________

"Ready na ba lahat? Ang camera? Ang ilaw?" Tanong ng director ng isang sikat na programa sa telebisyon na Rated K.

"Yes Derek, handa na po. Inaantay na lang ang pagdating ni Ma'am Korina." sagot ng isang crew.

"Ang guest, dumating na ba?". Pahabol na tanong ng director.

"On the way na raw po Derek." Sigaw ng crew na nakatoka sa pag-aasikaso sa guest.

'Di nagtagal ay dumating ang isang eleganteng babae na nasa edad trenta at kasunod niya ring dumating si Korina Sanchez . Natapos ang mga paghahanda kaya sinimulan na ang panayam.

"Mga kapamilya, Handa na ba Kayo?" pambungad na pagbati ni Korina.

Nag-umpisa ang programa sa pagpapakita ng iba't-ibang mga produkto na mula sa patatas. Nariyan ang potato chips, potato noodles, tarts, candy, fries, at kung anu-ano pa. Ang may-ari ng mga produktong nabanggit ay ang kapapanayamin sa programa.

"Ma'am, base sa aming research ay nagsimula ang kompanya ninyo sa isang taniman ng patatas sa benguet. At may nakapagsabi rin na hindi naging madali para sa'iyo ang pag-abot sa tugatog na kinaroroonan ni'yo ngayon."-Korina

"Yes, Korina! That's right. Hindi naging madali ang buhay ko noong araw. Pero, nagtiwala ako sa kakayahan kong maihahon ang aking sarili sa lusak ng nakaraan."wika ng guest.

"Ma'am, naniniwala po ba kayo sa kasabihang 'everyone deserves a second chance'? Mapa negosyo man o buhay pag-ibig."-Korina

"Of course Korina, lahat naman tayo ay nagkakamali dahil everything man-made is destined to imperfection. Pero 'wag sana nating gawing dahilan ang pagiging imperfect para paulit-ulit na gumawa ng pagkakamali."-guest

"Kung inyo pong mamarapatin ay magtatanong ako ng medyo sensitive question. Mayroon po bang taong nakagawa ng isang makalaking pagkakamali sa inyo? –Korina

"Well, sabihin na lang nating mayroon akong unfinished business sa isang taong nagkamali noon." Sagot ng guest at bigla na lamang nagbalik sa kanyang gunita ang mga pangyayari.



***Ang Nakaraan***

"Sarah!!! Sarah!!! Gumising ka nga riyan at tirik na tirik na si haring araw." Pabulyaw na wika ng aking tiya habang nakapameywang pa.

"Opo Ms. Minchin.. este tiya Menchi pala. Babangon na po at makikipagtuos na kay haring araw." Sagot ko habang pahikab-hikab pa.

"Bilisan mo na at magbabalat ka pa ng mga......" hindi ko na pinatapos pang magsalita si tiya.

"PATATAS po ba ang babalatan tiya"?

"'Wag ka ngang mahadera Sarah, wala tayong patatas, alam mo ba kung gaano kamahal ang kilo non sa palengke ha? Sa tingin mo kaya kong bumili? Saging ang babalatan mo at yun ang agahan natin."

"Tiya naman , highblood agad. Nagbabakasakali lang naman na may patatas." Nagmadali akong bumalikwas, tinupi ang kumot kong halos ilang dekada na ang tanda at iniligpit na rin ang banig na yari sa bori.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon