Panahon Kung Saan Kasama Ka

5K 82 2
                                    

Ito po ang nanalo sa mga entries and my personal favorite, too. You'll understand why towards the end. Iba yung pagbali niya sa napili niyang stanza from Liam's story -jazlykdat


Genre: Romance
Written by: jamine09 jaminelee


Parang makalumang Romeo at Juliet ang aming naging pag-iibigan.

Lahat sila hadlang. Walang sumasang-ayon kahit na sinuman.

Ipilit man naming dalawa, masakit man aminin pero wala itong halaga.

Sa isang madilim na kagubatan ay ang nagsisilbi naming tagpuan.

Ito ang kublian ng dalawang puso naming nagmamahalan.

Lamig ng simoy ng hangin ay aming pinagsasaluhan.

Tila sabik na matikman ang halik ng isa't-isa na parang walang katapusan.

Ngunit ng malaman ng iba ang tungkol sa aming dalawa.

Lahat ng masayang ala-ala ay naging kalunos-lunos na trahedya.

Ipinaglaban niya ako. Ipinaglaban ko siya.

Ngunit nabigo kaming dalawa.


"Paalam mahal, pero pakakatandaan mo at muli tayong magkikita." sambit niya habang may munting ngiti sa labi.

Tuluyan niyang ipinikit ang mga mata, na dahilan para magbagsakan ang aking mga luha kasabay ng pagtili.

Nagsasaya ang aking pamilya. Samantala ako'y mag-isang nagluluksa at lumuluha.

Paano nila nagawang kumitil ng buhay na para bang natural lang na gawin iyon sa katulad ng minahal kong dukha.

Na wala namang ibang ginawa kundi ang mahalin lamang ako ng totoo at kusa.

Isang tipid na ngiti ang aking ginawa.

Ipinikit ang aking mga mata na pagod na sa gabi-gabing pagluha.


"Mahal ko, sabik na akong muli tayong magkita." sambit ko sa huling pagkakataon.

Isang hiwa lang sa pulsuhan, ang siyang kumitil sa aking buhay.

Pero hindi ako malungkot, sapagkat ako'y masaya.

Nasasabik sa kaalamang muli ko na siyang makikita at makakasama.

Wala ng sinuman ang hahadlang pa sa aming dalawa.


"Mahusay Juliane. Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang piliin para isabak sa nalalapit na Buwan ng Wika." masayang sabi ni Ma'am Bermudez–ang guro niya sa asignaturang Pilipino.

"Salamat po." tipid niyang sabi. Rinig niya ang palakpakan ng mga kamag-aral bago tuluyang naupo.



***

"Julianne, ibigay mo ito kay Mang Karding." inabot niya ang isang basket ng gulay mula sa kanyang nanay.

Kakauwi niya lang galing eskuwelahan. Hindi naman gaano kalayo ang bahay ng matanda mula sa kanila. May alam kasi siyang daanan para mapabilis ang pagpunta doon.

"Sige na ipunta mo na sa kanila yan habang maaga pa."

"Sige po."

Pagkatapos niyang magpalit ng bihis pang-bahay at lumarga na siya. Ang basket ng gulay na ipinabibigay ng kanyang ina ay ang mga inani nila nitong nakaraang linggo lang. Sanay na siyang maghatid nito sa matanda na siyang nag-iisang nakatira sa gitna ng gubat. May iba rin sa mga kabaryo nila ang nagbibigay sa matanda.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon