Genre: ChickLit
Written by: Sweet&Spicy IamTheMafiaGoddess
When you fall inlove there's only a slight chance that you'd feel it growing.
Most often than not, you'd only realize it when it's too deep that it is already impossible to ignore. (Chapter 30: Falling for Anne?)
* * *
"Arggggh! It hurts me!" Malakas na sigaw ko. Nagpatuloy lang ako sa paghikbi.
"Neng? Ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ng driver ng taxi'ng sinasakyan ko.
Tiningnan ko ito ng masama. May mas sasakit pa pala sa nararamdaman ko ngayon! Sabihan ba naman akong 'NENG'?!? Pwede namang Miss nalang?! O kaya Maa'm pero Neng?! T*ng ina naman! Mukha ba akong elementary?! Mas masakit pa 'yon kaysa sa ideyang ikakasal ako sa hindi ko kilalang lalaki!
"Just Drive! No Talk!"
"Eh Neng kanina pa tayo paikot-ikot dito sa Quezon Ci--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad akong nag-abot ng Isang libo!
"Just Stop there! I will go now! KEEP THE CHARGE!"
"Huh? Anong Charge? Baka Change Neng?Pero Salamat!"
P*ta!
"Don't Talk! I'm not a children!"
Padabog kong sinara ang pinto ng sasakyan atsaka sinipa ang gulong!
"Arghhhhhh!" Wala akong pakielam kung pagtinginan ako ng mga dumadaan. Hindi nila alam kung ano nararamdamam ko ngayon! Dinagdagan pa ng Taxi driver na 'yon ang init ng ulo ko!
Napaigtad ako ng maramdaman kong nag-vibrate ang iphone 6s ko. Rumehistro ang pangalan ni Astrid, kapatid ko.
"Why you call me?!" Sigaw ko.
["Hoy! bumalik ka na dito! hinahanap ka na ni Daddy!"]
"No! In your life!"
["Huh? Baka In your dreams!"]
"I don't care! Get loose!"
["Please lang Ashanti tigilan mo yang pag-i-english mo! Ang sakit sa tenga! Hinahanap ka na nila! Wag mong ipahiya ang Daddy!"]
"Akala ko ba kampi tayo Astrid! Alam mo naman ang pinagdadaanan ko ngayon diba! Kakabreak lang namin ni Jasper tapos ipapakasal nila ako agad sa anak ng kasosyo ng tatay mo! T*ng ina ayoko!"
["Gag* ka! Tatay NATIN!"]
"So Ano? kampi ka na sakanya? Baka nakakalimutan mo, Ilang taon niya tayo iniwan! Tapos porket yayamanin na siya ngayon eh tinanggap niyo agad ni Nanay!"
["T*ng ina mo! Eh parang hindi ka nakinabang ah! Andami mo kayang pinabili! Bagong damit, alahas, cellphone tapos nagpa-bleach ka pa kahapon!"]
"Hindi ako pupunta!" Sigaw ko atsaka pinutol ang linya.
Argggh! This is so Illustrating! ay mali parang frustra-- ano ba yun? parang katunog nun eh!
Napahikbi na naman ako. Saan ako pupunta ngayon?! Tumingin-tingin ako sa paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako! Lokong driver 'yon bakit dito ako binaba. Ay ako pala yung nagpababa! P*ta!
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
RandomFrom one story to different one-shots of different genre written by talented Jazlykdat Wattpad Friends members. If you liked my stories, I am more than sure, you would love these one-shots, too. They are my personal choices in the recently concluded...