WALL FLOWER by jazlykdat

3.5K 95 35
                                    

Genre: Romance/Mystery

By: jazlykdat



TES: Von Liam Chapter 20

Bumilis ang tibok ng aking puso

Hindi ko alam kung saan ba ako liliko

Pero isa lang ang sigurado ako

Magkikita pa tayo...Magkikita pa tayo, mahal ko.




"Ang ganda ganda mo, bakit wala ka pang asawa?"

Paulit-ulit na tanong, nakakasawa na. Gano'n ba talaga ang tingin ng iba? Nakukuha sa ganda ang pag-aasawa? Pucha. Ang babaw nila.

Umupo ako sa isang tabi at itinungga ang laman ng kopita habang ang lahat ay nagsasaya. Kasal ng pinsan ko kaya ako na naman ang napansin nila. Hay, buhay! Bakit ba kasi ang hirap kong ma-inlove? Trenta na ako pero wala pang naging seryosong relasyon.

"Ikaw na ba yung tinatawag na wallflower?" Bahagyang kumunot ang noo ko at lumingon. Napakurap pa ako nang makita ang nagsalita. Hindi ko siya kilala. Natawa pa ako ng mahina, para kasi siyang bida sa mga nababasa kong nobela. Pero aaminin ko medyo sumikdo ang aking puso.

Matangkad, matangos ang ilong, medyo bilugan ang mata at manipis ang labi kumpara sa ibang kalalakihan. Noong ngumiti lumabas pa ang dimples niya.

Pero ano daw? Wallflower? Gago 'to ah. Inirapan ko siya at 'di na lang nagsalita.

Umupo ito sa kaharap kong silya habang natatawa ng mahina.

"I was just kidding. How was the food?" nakangiti nitong tanong. Hindi ko siya sinagot at tumingin sa ibang direksyon. Ganoon kasi ako kapag medyo presko ang approach ng lalaki.

Hinintay ko siyang makaramdam na hindi ako interesado pero hindi ito tumayo.

"I'm Raven, the chef of the catering service. Gusto ko lang malaman kung okay ang food," aniya. Nailing lang ako bago tumayo.

"Ria!" rinig kong tawag ng isa kong pinsan. Tumayo ako at humarap sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito sa gilid? Halika doon tayo," anyaya nito. Nagtaka ako kasi di man lang siya nag-react sa lalaking kaharap ko sa table. Kilala ko ang isang to, walang nakalalagpas na guwapo. Haha.

Noong nauna na siyang naglakad palayo, nagtaka na talaga ako kaya nilingon ko ang lalaking kasama ko pero wala na siya sa kinauupuan niya kanina.

Nailing na lang ako at sumunod na lamang sa pinsan ko. Patingin-tingin ako sa paligid kahit noong kasama ko na ang ilang kamag-anak pero hindi ko na siya nakita.

Ilang araw na ang lumipas pero 'di siya mawala-wala sa isip ko. Sa apartment man o sa trabaho paminsan-minsan pa rin siyang sumasagi sa isip ko.



Isang linggo ang lumipas, hindi ko inaasahan. Nasa vegetable section ako ng supermarket, tulak tulak ang isang cart.

"Hey, wallflower!"

Pagkarinig ko ng salitang iyon isa lang ang pumasok sa isip ko, Raven. Hindi ako nagkamali, nakangiti siyang palapit sa direksyon ko.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon