Chapter 1 *First time*

107 12 13
                                    

Tinititigan ko lang si Nick habang lahat ng kaklase niya ay nakapalibot sa kanya, upang i-congratulate siya sa pagkapanalo niya sa Mr. Personality, ang taunang pageant para sa matalino at huwarang 'Dominicano'.

Hindi na ako nagtangkang lumapit sakanya dahil alam kong simula ngayon, magiging busy na siya, being a role model of our school.

I turned my heels bac

Lalabas na sana ako ng gym ng may naramdaman akong init na yumakap saakin at ikinabit ang sash sa balikat ko.

"Yehey! panalo ako Phrey!" Sabi ng lalaking gwapo, na si Nick

Habang nakayakap siya saakin, binuhat nya ako paharap sakanya halos nakasubsob na ang mukha ko sa leeg nyang napakabango.

"Congratulations! sorry di ako nakapunta sa stage kanina, I’m so proud of you!"

Bulong ko sakanya, kitang kita ko ang saya at galak sa mukha niya habang nakayakap siya ng mahipit saakin, ramdam ko pa din yung kaba niya dulot nung pageant. Nagulat ako ng bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Rinig ko din ang mga bulong galing sa mga babaeng gustong magpapicture sa kanya. Ngunit di sila makalapit dahil nga moment namin ito.

"I love you, thank you for being an inspiration"

Bulong niya saakin, napangiti naman ako sa sinabi niya at narinig ata ng mga nakapalibot saaming mga schoolmates na kumukuha ng mga pictures.

Kaya sabay sabay din silang nagkansyaw saaming dalawa.

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko, yung feeling na para bang ayaw ko ng umalis sa kinatatayuan ko dahil sa kaba at hiya. Napa face palm nalang ako dahil madaming kumuha saamin ng litrato.

Nang medyo kokonti na ang tao, Sinamahan ko na siya sa backstage para makapagpalit ng damit. Pagkatapos non ay naglalakad kami papuntang parking area kung san andun yung kotse nila. Madami pa ding mga nagcocongratulate at nagpapapicture sakanya kaya tumatabi muna ako sa gilid. Para di makaistorbo.

"Nick, pwede bang magpicture kayo ni Ms. Personality?"

Sabi ng school editor in chief, lumapit naman si miss personality, nakakapangselos ng hinawakan ni nick yung bewang nya, pero nakangiti lang ako baka sabihin pang nagseselos ako, pero totoo yun.

Mga 15 minutes ang itinagal, nagagalit na din ang mga mata ko sa mga nakikita kong pose nila. Alam kong anytime this week, lalabas na yung article nila.

"Miggy, pwede din bang kuhanan mo kami ng picture ni Phrey?"

kami? bakit kami? eh enjoy na enjoy ka nga kay miss personality eh. Hmm

nabasa nya ata yung utak ko na medyo nagseselos na ako. HAHA

"oh sure"

Nagpicture din kami kasama ng kapatid niyang si nikki at tita niyang si tita letty.

Inimbitahan din akong mag dinner sa bahay nila , nahihiya ako pero napilit nila akong sumama.

First time ko lang naimbitahan kaya naman labis ang kabang nararamdaman ko.

Lalo na sa pagpasok sa kanilang malaking bahay up and down na mala mansion ang laki.

Nang nasa bahay na nila kami, grabe na talaga ang kaba ko na anytime, maiihi na ako sa kinatatayuan ko. Ipinakilala nya ako sa pamilya nya.

"Mom, dad, tita and tito" napa buntong hininga sya at sabay sabing

"this is Precious Nicole Alegre, my girlfriend"

Nahihiya ako sakanila kaya napisil ko ng mahigpit yung kamay ni Nick, kumakabog ung puso ko at tila ba anytime pwede akong atakihin ng asthma, dahil di ako makapaniwalang maiipakilala na ako ni nick sa pamilya nya kahit naka skype lang kami eh dama ko yung kasiyahan ng mga parents nya saakin, di na niya ako ipinakilala sa kapatid nya, dahil si ara din naman ang parang nanligaw at sumagot sa aming dalawa, baliw din kasi tong batang ito, mana kay Nick.

Pagkatapos nun ay kumain na kami ng dinner, syempre katabi ko si Nick at kaharap ko si ara.

Ang kulit nilang kausap, lalo na yung tito ni nick na kasing age lang namin, nagkwento ng childhood life nila. yung sabay silang naliligo at sabay silang nagpatoot!* (tuli) hahaha.

Inihatid na nya ako ng past 10 ng gabi sa apartment. pinapatulog ako ng tita at kapatid nya sa bahay pero nahihiya ako, at ayaw ko din namang abusuhin ang kabaitan nila saakin. mga 30 minutes pang nagstay si nick sa apartment, tila di mapakali, dalawang beses na din bumusina yung sasakyan nila, siguro inip na si manong driver.

"umm, magpainit lang ako ng tubig, baka gusto niyo mag tea? or coffee, milk?"

tumango lang si nick, nagtimpla ako ng kape, ihahanda ko na sana sakanila yung kape, kaso nakita kong bumukas yung kwarto ko, nakangiti sya habang napapatawa, inirapan ko siya

"bakit?! anu yun?!"

"wala" sabi niya,habang tumatawa

pinapasok ko si manong driver at inalukan ko mag kape

Nang natapos sila mag kape ay nagpaalam na silang uuwi. hinatid ko sila sa gate ng apartment at kiniss si nick sa pisngi.

"ingat!,bye!, congrats bhie! i love you!" winawave ko kamay ko

"i love you more bhie!" habol niya habang nakapato style pouty lips

 Officially napakilala na niya ako sa mga parents niya kelan ko kaya sya maipapakilala sa parents ko sa probinsya? Mukhang wag na muna ngayon, baka pauwiin ako don at dina ako pabalikin dito.

 MARCH 22, 2014

COPYRIGHT © 2K14 BY LUCKYSEVENGIRL

ALL RIGHT RESERVED

NO PART OF THESE STORIES MAY BE REPRODUCED, DISTRIBUTE, PUBLISH, TRANSMIT, DISPLAY OR MODIFY, INCLUDING PHOTOTCOPYING OR EXPLOIT THE CONTENTS OF THIS STORY IN ANY MEANS.

YOUR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon