CHAPTER 10

46 11 2
                                    

CHAPTER 10

ASO

hinawakan nya yung kamay ko at hinalikan, unang boyfriend ko si Nick, tatlong buwan ko lang sya nakasama, kaya di namin lubos yung mga time na paglalambingan, minsan lang, nung nanalo sya bilang Mr.personality pero hanggang dun lang, pero itong si alberto dalawang araw palang kami,parang antagal ko na siyang kilala at nakasama.

I’ll never go far away from you

Even the sky will tell you

That i need you so

For this is all i know

I’ll never go far away from you

Come to me and hold me

And you will see

The love i give

For you still hold the key

Every single day

You always act this way

For how many times i told you

I love you

For this is all i know

pagkatapos nyang kumanta, may kaba akong naramdaman, niyakap nya ako at napayakap din ako, sumisik ako sa leeg nya at kunwaring nagtutulog tulugan. ang sarap pakinggan yung tibok ng puso niya, natanong ko tuloy sa isip ko, 'sikat siya, di kaya may iba siya' . nung nasa probinsya kasi kami may inaasar sakanyang isang babae na taga australia pero, kaibigan lang daw niya. iniisip ko ding, wag ko muna siyang seryosohin, baka masaktan ako uli.

*flashback*

December 18, noong nagkayayaan kami na matulog sa bahay nila berna, di sumipot si aiza at na late ng punta si albert.

nagkayayaan ding uminom, kaya gora naman ako, bawal pero ngayon lang naman sa tutuusin, kapag inuman, hindi ako nagpapalasing o sadya atang di ako nalalasing, katabi ko si drew, medyo may tama na, napasandal siya saakin at tila ba may binubulong na hindi ko maintindihan, 'ssiii- sii cla-rissse, nilloko akko,phrrey' habang tutumba tumba na yung ulo niya, 'mmaahaal kooo siiiyaa, perrro maahal niiyyya siii aalll-'

toink! tulog na!

binuhat nila amiel at leonel si drew papuntang guess room nila berna, kami, naiwang nagkwekwentuhan, nagkwento si berna tungkol kay amiel at leonel, magkapatid sila 2 years lang ang agwat, at half brother ni berna sa ama, kahit na mag half brother and sister sila, magkakapatid na buo pa din ang turingan nila, dahil na din sa request ng daddy nila nung namatay.

swerte nga nitong si berna, dahil kahit ganyan, nagdadamayan sila, hindi sila nagaaway away.

naimention niya din si danica yung dahilan kung bakit uminom ng matindi tong si andrew. bago lang daw siya dito, at sa maynila nag aaral ng college, pinasyal lang siya ng lola nya dito para mag celebrate ng christmas.

nung dumating si alberto, may kasama siyang isang babae, baka ito yung danica-ng sinasabi nila, oo siya nga at halatadong may half siya. maganda makinis at matangkad.

naka kipit sa braso ni alberto, nung time na yun , naiilang ako, dahil feeling ko nagseselos ako. nililigawan na niya kasi ako that time.

di ko nalang sila pinansin hanggang gusto ng umuwi netong si danica, inihatid ni alberto si danica at bumalik ulit dito sa bahay nila berna, tuloy ang kantsawan at inuman, nagpunta naman ako sa cr para umihi,  pagbukas ko ng pinto nagulat nalang ako ng tumambad saakin si alberto at may hawak na dalawang bote ng beer, tinanong niya ako kung bakit di ako umiimik kanina, napapatingin nalang ako sa floor dahil ayaw ko namang sabihin na nagseselos ako, dahil nakakahiya.

YOUR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon