CHAPTER 4

54 11 5
                                    

Chapter 4

CLINIC

Nauna na si nick na umuwi sa bahay nila kinaumagaan.

ng nagising sila briena at patty nakagawa nako ng almusal, inayos na din nila yung mga kalat ng kagabi. pinahiraman ko nalang sila ng damit ko para di na sila pa uuwi sa mga bahay bahay nila.

"bat parang isang style lang damit nyo?" salubong ni krishiela saaming tatlo na may halong up and down na tingin.

"bakit? power puff girls ba o charlies angel? hahaha! " sabi ni briena

"nag sleepover kami kina phrey kaya ito magkakamuka kami" sabi naman ni patty

"anong magkakamukha! kung magkakamukha tayo eh di boyfriend ko din si mr.personality!" sabay evil laugh ni briena

tss. tong mga barkada kong to, ako lang kasi ang di madaldal sa tatlo kapag iba ang kaharap pero kwela na kapag kami kami lang, times two sa kadaldalan.

sinundo na ni brian si patty pagkatapos ng klase namin. si brian, nanliligaw palang kay patty.

si briena,wala pang boyfriend,kasi mapili sa lalaki eh. haha nag stay muna ako sa library mezannin para reviewhin mga notes ko dahil malapit na din naman ang finals.

nakalimutan kong itext si nick na nasa library ako, pero alam naman nya kung saan ako hahanapin pag wala na akong klase.

"boo!" napatalon ako sa gulat nung hinipan nya ako sa tenga at kiniss sa ulo.

"tara lunch babe" babe? bago yun ah. tumango ako at sumunod sakanya.

di kasi pwede ang PDA dito sa library kahit holding hands lang. ng makarating na kami sa parking area kung nasaan andun yung kotse nya, may isang babae na medyo may edad na ang kumausap sakanya, lumayo nalang ako at naupo sa wifi zone.

matagal din silang nag usap at mukhang seryoso, medyo naiiyak din yung babae pero tinatahan ni nick. nagtagal pa ng 10 minutes yung usapan nila at umalis din pinuntahan ako ni nick.

"tara?" hindi siya umiimik at hindi ko naman maitanong kung sino yung babae kanina kasi mukhang nalulungkot ang mukha niya. dahan dahan kng tinanong kung sino sya.

"umm, nick sino yung kanina?" lambing ko sakanya, umiiling lang sya habang diretso pa din sa pamamaneho. mukhang seryoso kaya hindi ko na ulit naitanong sakanya hanggang sa natapos kaming kumain ng tanghalian.

inihatid nya ako sa room habang hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.

"next meeting please bring one object that you love most" sabi ng english teacher namin. napasilip ako sa bintana ng nakita ko si nick at yung isang babae kanina na may kasamang dalaga, napapaisip ako kung sino yoon, mukha kasing pamilyar ang mukha, tinitigan ko lang sila

"uy! anung tinitingin tingin mo dyan?"  singit ni briena sa pagtititig ko kila nick

"ah wala"

"woah! wala daw eh anu yun" tinuro nya sila nick

"wait si honey ba yun?!oo si honey yan ate ni Lance!" Lance? yung dati naming classmate? bat sila andito eh nasa ibang bansa sila. di ko gaanong makita yung babae dahil naka sumbrero ito.

"kilala mo ba yung ate nya? kasi kanina nakita kong kinakausap ni nick yung babaeng mas matanda na mangiyak ngiyak eh" habang nakatitig pa din ako kila nick

"hala baka buntis" asar ni briena saakin, nasapok ko tuloy

"aray! joke lang naman, buntis yung nanay eto naman!" hmm napaisip tuloy ako, baka nga buntis yung babae :( tss paano na ako, kaya ba ayaw sagutin ni Nick yung tanong ko?

YOUR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon