chapter7
SWIMMING
napahaba yung flashback pasensya
tinapik ako ni berna sa pagkatulala ko sa pagkain ko
"ok ka lang?" tumango ako,at sabay kumagat sa turon na hawak ko
nag aya si drew na pumunta sa bahay nila, para makapasyal din daw ako sakanila. tumango sila pero si aiza ihahatid nalang daw kami dahil may lakad pa sila ng boyfriend nya.
kaya apat nalang kami. nagkwentuhan kami sa kubo nila drew.
"albert, ano nga pala ang fullname mo?" bigla kong natanong
"niccolo alberto jimenez fontanilla, bat mo natanong?" niccolo? nick? hmm tapos ako nicole tapos si teddy nickey anong meron sa pangalan namin?
"wala naman, natanong lang" sabi ko, namamawis ako sa init, tinanggal ko yung vest ko, napanganga si drew, kaya nag peace sign ako at sinuot uli.
"sorry" sabi ko.
"di, okay lang tsaka mainit na, gusto niyo ba magswimming? para maiba naman?" aniya
"anu ka, december?! malamig ang tubig" litanya ni berna
"naiinitan nga si phrey ikaw pa kaya eh ang taba mo" asar talaga to, nasapok tuloy ni berna sa ulo. sumenyas si drew ng tara, kaya sumunod kami, nagtanggal na ng pang itaas si drew at naka boxers lang samantalang umiiling naman si berna, wala nga pala kaming pagbibihisan mamaya.
"wala kaming dalang damit andrew!" sigaw ko, ng bigla syang tumalon sa pool, lahat kami nabasa. ibinaba ko na yung bag ko at nagtanggal ng vest, naka boxer din naman ako kaya tumalon na ako, sumunod sila berna at albert. nung umahon ako sa gilid nahalata kong bumakat yung itim kong bra, napa x yung kamay ko sa dibdib ko, iniabot ni albert yung damit niyang itim
"suot mo yan" may halong galit nyang sinabi, at tumalon na sa pool
"salamat!"
ang ganda pala ng katawan nya, pang model, sakto lang yung tangkad nya, parang si nick, saan na kaya siya, naaalala niya kaya ako?
"meryenda tayo!" sigaw ni drew, enjoy lang ako sa pag swimming, back stroke, floating, butterfly, langoy sirena, yan lang mga kaya ko. andami noh? yabang ko eh, nagaral kasi ako mag swim nung bata pa ako, pag summer kasi pinapasok ako ni mama sa mga summer workshops, guitar, piano lesson at swimming.
"ang galing mo naman mag floating paturo nga" lintanya ni berna, iniangat ko yung pwitan at paa niya at sway sway lang ang kamay, pero di talaga nya makuha, lumulubog sya, may pagka chubby kasi mabigat hehe joke.
"nako, wag na natin ipilit, kain lang ako" aniya
kami nalang naiwan ni albert sa pool. di kami nagpapansinan mukha kasing awkward, nakikita ko si nick sakanya, magkahawig talaga sila, napatitig tuloy ako kaya lumapit sya. lalo akong napatitig sakanya, lalo sa pula nyang labi.
"pinagnanasaan mo ba ako" aniya
lah feeling to, lakas loob namang sabihin saakin yun, napakunot tuloy ako ng noo, pero oo haha , nakapanglalaway yung kasexyhan ng katawan nya lalo nung umahon, iniabot niya kamay nya sakin at sabing
"biro lang, tara kain tayo" hinila nya ako pataas, inabutan ako ng tuwalya at naupo kami sa tabi ng pool
"picture tayo!" dali daling kinuha ni berna yung cellphone sa bag nya
maganda din palang kahit minsan lang ako makabisita dito sa probinsya namin eh may mga kaibigan pa din akong maiituring, mabait at mapagbigay.
hindi naubos ang pamamasyal namin, lagi akong nakikisleep over kila berna, aiza, at andrew, syempre kasama sila, minsan hindi nakakapunta si albert dahil busy daw sa bahay nila, dun nalang ako hindi nakakapunta sa kanilang distrikto. naging madalas din ang tawagan namin at text hanggang sinabi niyang gusto niya ako. niligawan nya ako, naging mabilis ang araw dito sa probinsya, nagdaan ang pasko at new year, mahirap mawalay sa mga kaibigan mo mula pagkabata, pero lahat naman kami magkakawatak dahil sa nueva vizcaya nagaaral sina berna at aiza, tugueggarao naman si andrew, si albert naman ay sa maynila, at ako sa baguio. tuloy pa din ang panliligaw ni albert saakin, naka move on na din ako kay nick.
