CHAPTER 5

50 10 5
                                    

chapter 5

MANOK

"hello ara?"

"ate sorry po"

*toott*

End of call

Nalulungkot nalang ako sa mga nangyayari. lumipss na din ang isang linggo ng walang communikasyon kay nick at sa pamilya nya, out of coverage at cannot be reach silang lahat. nagtanong na din ako sa mga classmate nya pero di nila alam, pumasok daw sya nung friday pero hindi ito naka school uniform at nagmamadali, nakapag exam na din sya ng finals nila. andami kong tanong, ganito ba talaga kapag umibig ka, iiwan ka nalang bigla sa ereng mag isa, labis ang lungkot ko kapag bumabalik yung pag sorry ni ara, ano na nga bang nabgyayari sakanila? finals na ang lumipas at wala pa din, paulit ulit naman ang pag atake ng asthma ko dahil lumalamig na ang panahon, nagkaka rushes kasi ang balat ko sa lamig. tumawag si mama saakin at sinabing don muna daw ako sa probinsya para mabantayan ako, sinundo ako nila manang tere at manong kiko  kinaumagaan, dinaanan ko lang yung result ng mga exams ko at kahit papaano pasado naman ako, nang papalabas na ako sa gate, biglang humarurot ang sasakyang pamilyar, si nick, kay nick yun. pilit kong hinabol hanggang sa nagkahingal hingal ako, nakasabit naman sa leeg ko yung inhaler ko kaya kahit papaano ay na control ko ang pag hinga ko.

"okay ka lang phrey?" hinabol din pala ako ng mga kaibigan kong si patty at briena.

"kung talagang masakit na phrey, move on kana" malungkot na sinabi ni patty saakin mangiyak ngiyak na ako sa tabi ng kalsada, pero pilit ko pa ding kinakaya dahil napakabilis na nawala si nick, na parang isang iglap lang wala na ang relasyong napakasaya non, hinatid ako nila patty at briena sa boarding, naabutan namin si manang tere na inaayos na ang bagahe ko, nagpaalam na din ako kila patty at briena na dun ako magpapalipas ng bakasyon saamin.

"ipapadala ko nalang yung probinsya namin pag balik ko" biro ko sakanila

niyakap nila ako ng mahigpit.

tinuro ni briena yung langit at sabing

"phrey!pray ka lang lagi ha, kaya mo yan"

"salamat!"

pinalakas nila ang loob ko na harapin ang mga pagsubok

pero saan na nga ba si nick? wala na ba talaga kami? hay

"manong kiko, daan po muna tayo sa simbahan" nagdasal ako, hindi lang para saakin kundi para din sa mga taong nakapalibot saakin.

simula ngayong araw na to, kakalimutan ko na si nick. at kung ano man ang dahilan nya, makikinig nalang ako at papatawarin sya kung valid ang rason nya.

6 hours din ang byahe mula sa boarding hanggang sa kanoyan, naamoy ko na ang aromang palay sa kalsada. mga kalabaw na nagbababad sa araw, at mga taong gumagapas ng palay.

"ma!" nagwave ako, at sinalubong nila ako sa gate naming namiss ko. ako kasi nagpintura ng kulay asul. natutuklap at kailangang pinturahan ulit.

namiss ko din ang mga manok kong alaga na tila ba dumami ata.

" i miss you anak ko "

" i miss you too mama ko" habang nakayakap ako at kiniss sya sa pisngi

" one two three - 43, ma bat dumami ata sila"

"ang alin? mga manok? syempre nangitlog sila, ayaw naman namin ikatay dahil hinihintay ka namin dumating" oo nga naman nangitlog sila, galing talaga ni mama, di ko yun naisip hahaha!

ang bilis ng araw dito, one week ng nakaraan at medyo nakamove on na din sa 3 weeks na wala si nick sa tabi ko, ni text o tawag wala.

inaya ako nila aiza at berna na mag simba sa sentro, sila yung mga kababata ko dito sa kanoyan. sinundo nila ako at saka dumeretso sa simbahan, may dinaanan din kaming isang lalaki.

"oh men! tagal niyo bat san pa kayo nagpunta" nakita kong sumilip sya saakin, at biglang umiba yung expression nya, mula sa naiirita hanggang sa feeling maamo ang mukha.

"who's that girl?" bulong nya kay aiza habang nakasandal sa window ng kotse ni aiza.

"si precious! sumakay ka na nga"

awkward parang kumakabog yung dibdib ko,feeling na ninenerbyos ako sakanya kasi pareho kaming nasa backseat.

"ah precious! yang katabi mo pangalan niya andrew, andrew si precious, kababata ko sa salvacion" linya ni aiza habang nagmamaneobra ng sasakyan

"oh hi" sabay shake hands, napa "ay!" pa ako sa gulat kasi may kuryente yung kamay niya

"bakit?" aniya

"wala po" sagot ko

"po? aiza sinung mas matanda saamin?"

"ikaw kapal neto hahaha!" singit ni berna

natatawa nalang ako sa gilid habang ineenjoy ang malawak na bukid.

"18 na ako, ikaw?" sabi ko

"18 din ako eh!" presko nyang sagot, nginitian ko nalang sya nang biglang may tumawag sakanya.

15 minutes din ang biniyahe hanggang sa sentro, napakadaming tao dahil dito lang ang may malaking simbahan. malakas din ang hangin at medyo mainit, at biglang nalipad yung panyo ko.

"ay! panyo ko!" nasigaw ko habang napalingon mga kasama ko. may nag abot saaking lalaki na medyo pamilyar ang mukha, kinusot ko ang mga mata ko dahil medyo mubabo ito, nagflashback yung itsura nya at mukha naman ni nick ang nagpakita.

YOUR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon