CHAPTER 3

73 10 5
                                    

Chapter 3

SLEEP OVER

nang natapos na kami kumain, nagkahiwa hiwalay na kami nila patty (fatima) cj (christian jay) at gf nyang si chacy (chariza cindy) and ofcourse kasama ko si brienang bumili ng ingredients para sa surprise ko mamaya kay Nick.

ang plano sa surprise:

"kahit naman ano, basta galing sa puso, tatanggapin ng lalaki/bf mo kasi its the thought that counts, palamuti lamang ang mga material na bagay"

kung magisip talaga tong si briena, expert na expert. bumili ako ng ingredients ng nuttella cake with vanilla frosting at nag bake ako, gamit lang yung oven na nasa apartment.

alam ko naman kahit kaunti mag bake kasi isa sa mga lessons namin nung highschool is baking.

sinundan ko lang yung instructions at ayun kuha ko naman, gamit ng letter molder na ipinahiram ni briena, naka gawa ako ng 4 letters which is N I C K.

"aba aba, dalaga na si phrey! :) ang sarap naman nyan patikim"

ng aktong titikman ni briena yung cake na nagawa ko, napalo ko yung kamay nya. hahaha

"aray! damot!! ako pa nag isip ng idea eh :(" oo nga pala haha! sya nga nagisip okay, dahil dun, nagbake ulit kami, square naman ngayon, *ting!* tunog ng oven, biglang tumayo si briena sa kinauupuan nya sa sala, at lumapit saakin.

"yan na ba yung saakin?" halatang takam at sabik ang mga mata nya, ng aktong lalapit nanaman ang mga kamay niya sa cake, napalo ko ulit ito hahaha!

"akala ko ba saakin na yan?"

"baliw talaga to, mainit pa, excited ka naman ireref pa yan!" haha nakasimangot tuloy syang pumunta sa sala at binuksan ung tv, isip bata din pala tong kaibigan ko, nanunuod din pala ng phineas and ferb. na kinaiisan ko dahil sa platypus na yun .

after 1 hour, naka idlip si briena sa sofa, hindi pa din nagtetext si nick dahil 5:30 pa ang uwi nila, hindi na kami pumasok ni briena sa 2:30 class namin kasi boring din naman yung teacher at hindi naiintindihan yung dinidisscuss nya, baguhan palang kasi.

tinignan ko yung oras sa relo ko at mag aalas singko na.

ginising ko na si briena at tatanungin yung mga dapat pang gawin sa surprise ko kay nick.

nagpalobo kami ng 8 pure white na balloon tapos handa na din yung conffetti na sasalubong sa kanya mamaya

inayos ko na din yung table at mga cake, tinawagan na din namin sina christian yung gf nyang miss personality at patty

sakto namang nagdala si christian ng pizza at lechon manok at pinasuyo na din namin na magdala si patty ng isang case ng beer, di na namin inisip na may klase bukas, pare pareho naman kaming 10:30 ang sched bukas kaso si chacy lang ang may 8:30

keri lang daw naman, kasi maaga syang nagigising.

mag aalas sais na tinext ko na din si nick na dumaan muna siya dito sa apartment kasi nagdahilan akong masakit ang ulo ko at mukhang lalagnatin

agad naman itong tumawag at sabi nyang dadaan muna daw sya sa pharmacy para bumili ng INGAT! napatawa ako dun sa sinabi nya kasi yun yung patalastas ni john lloyd.

"andyan na ako, wag  ka ng tumayo bhie" ramdam ko ang pag aalala nya saakin, at natatakot ako kung matutuwa ba sya sa surprise ko mamaya.

sinenyasan ko sila cj, chacy, briena, at patty na dun na muna sila sa kwarto ni ate iza at sesnyas nalang ako kung papaputukin na nila yung conffetti at ioopen yung pinto.

agad agad na nakapasok si nick sa kwarto ko, at kunwari akong nagsakit sakitan. apektib naman yung arte ko, kasi medyo mainit talaga ako.

"saan ka ba nang galing at nagkasakit ka?, kaya pala kumakabog dibdib ko kanina kasi naramdaman kong may mali sayo, alam mo bang-" ng papalabas na kami sa kwarto, para kumuha ng tubig sa kusina, sinenyasan ko na sila. at BOOM!

"hello! papa nick!!" sabay sabay nilang bati, habang napatalon si nick sa gulat.

hahaha natawa siya dahil napakapit sya saakin, di ko alam na gugulatin pala siya.

"ano nga palang okasyon?" singit ni briena

"monthsary!" sigaw ko

"happy monthsary! i love you bhie!" alam ko namang 8 ko siya sinagot hindi 7 nag advance lang kasi 12 midnight nangyari yung event na pinuntahan namin nun. haha

"at dahil love kita! tadaaaa! N.I.C.K" sabay kiss sa chicks niya.

pawing pawi ang effort ko sa pagbake dahil nagustuhan nya, itinabi ko yung mga letter cake para iuwi nya, kasi gusto ko sakanya lang yun.

meron pa namang isa yung binake ko na kay briena sana,mejo malaki yun kaya yun ang kinain namin, inilabas ko na din yung pizza at lechon manok na dinala ni cj, nilabas ko na din yung pansit na inorder ko, at syempre yung beer.

"magkapareho tayo ng monthsary" sabi ni cj habang nalalasing na sa katititig sa gf nya. oo nga pala ano, kaninang umaga lang sinagot ni Chacy si Cj.

mga past 11 na nung natapos kami nagkwentuhan at nagkantahan sa mini videoke ng tv namin.

"sleep over nalang kami dito phrey." sabi ni briena. 

tumango naman ako, pero sila cj at chacy ay umuwi. nagtitigan muna kami ni nick at tila ba nag usap yung mga mata naming dalawa, umoo sya at dito sya matutulog, naglapag kami sa ibaba ng bed ko hiniram muna namin yung foam ni ate iza at pinagdikit yung dalawang foam.

natulog na kami at katabi ko si nick syempre. (nick,phrey,briena,patty) <-- ganyan yung higa namin

YOUR LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon