CHAPTER 11
TABLE TENNIS
Ang saya ng gabing iyon para saamin, kahit pantal pantal ang mukha niya eh gwapo pa din, mas lalo ngang namula ang mga labi nya, pagkatapos niyang kumanta ay nakatulog na kami. Sana next week ganito ulit : ) Masaya na walang problema.
4:30AM gising na siya, nagising din ako sa kaluskos nya. Aalis na kasi siya ng 5 para makahabol pa siya sa 9:30AM na pasok niya. Pinagluto ko na agad siya ng almusal, at sakto naming duty nila ate iza at kuya dave sa isang hospital ngayon, dito sa Baguio, kaya naman sabay sabay silang umalis pagkatapos kumain.
“ingat ka dito, isara mo ang pinto” kiniss nya ako sa pisngi.
“una na kami” nag wave si ate iza
Hinatid na ni albert sila ate at kuya dahil madadaanan din lang naman ni albert ang hospital.
Inayos ko muna ang apartment bago ako pumunta ng school, syempre naglinis ako, medyo nakakapagod lang kasi di naman ako sanay maglinis dahil sa asthmang ito. Pero okay na din ito kesa naman madumi ang apartment.
School
“Phrey, nandidito daw si Nick” sabi ng bestfriend ko habang naka simangot
Ngumiti lang ako sakanya, para maipakitang okay lang ako, kahit na hindi naman, dahil naiinis ako kapag naririnig ko ang pangalan niya.
“tara na sa classroom, di ko pa nagawa yung assignment ko”
“okay”
Ginawa ko yung assignment ko at kumopya na din ng ibang thoughts kay Briena. Hindi ako makapagisip dahil inaalala ko si albert, san na kaya yun ngayon? 4-5 ang byahe mula ditto hanggang sa maynila. 5 siya umalis at pass 10 na ngayon.
Naisipan kong Text-an siya.
“asan kana?”
Di sya nagreply, itinago ko ang cellphone ko sa loob ng bag para maka focus ako dito sa mga sinasagutan ko, 15 na essay kasi , nakakabanas lang dahil nasa number 6 palang ako at nauubos na ang mga ideya ko at mga English words sa utak ko.
Buti nalang at andito si Briena, tinulungan na niya akong sumagot at bago pa mag submit ng mga paper works ay nakompleto ko na yung assignment ko, masyado nga lang maikli yung iba pero, thumbs up naman daw sabi ni Briena dahil direct to the point daw karamihan ng mga sagot ko.
“phrey andiyan siya sa labas” sino?? Alam ko naman kung sino eh, yung lalaking nangiwan sa ere. Pake ko? Wala na dapat pag usapan dahil matagal na, matagal na akong naka move on, at sana naka move on na din yan dahil may albert na ako ngayon.
*teng teng teng* JERON TENG!
Time na at di mapakali itong si Briena, hinihintay lang akong tumayo, dati rati excited ito pumunta sa kabilang klase naming dahil andoon yung crush nya pero ngayon hinintay ako, wow himala.
Nasulyap ko nga yung likod nung lalaki, naka yuko nalang akong lumabas at nagmadaling bumaba dahil malelate nanaman kami kung makikipag usap pa ako dun. Wala naman ako dapat sabihin sakanya, sya ang meron pero sorry siya, wala akong time sakanya.
Titignan ko sana sa likod si Briena pero napatalon pa ako sa gulat ng nasa likod ko si Nick.
“Pwede ba tayong mag-usap?” o.o huh??
“ah? May klase pa ako, kung gusto mo pagkatapos nalang.”
Tumango siya at nahinto sa paglalakad. Ako naman nagtuloy tuloy para makaiwas. Di sumunod si Briena.
Nasa Gym ako ngayon, last take ko na ng P.E. dahil P.E4 na : ) sawakas no more hard plays like basketball at volleyball at mas lalo yung track and field. Halos mahimatay ako sa pagod last year dahil sa mga larong yan. Ayaw ko naman magpa excuse kasi wala naman akong pagkukunan ng grades kung di ko gagawin yung mga laro.
