Rich and Famous

50 0 0
                                    

CHAPTER

ONE

            “Natasha Ephraim is a twenty-five year old business woman, she is the heiress of Ephraim group of companies; their companies produces beauty products inside our country and even in other well-known countries. They are now one of the most competitive companies in the whole world.”

            Iyon ang nabasa ni Natasha sa isang sikat na magazine, monthly na lang ay laman siya ng mga magazines at newspapers, iba iba ang mga issues tungkol sa kanya, noong nakaraang buwan lang ay may nagsabi na:

            “Natasha is an INSIDIOUS woman; attractive but dangerous.”

Hindi niya malaman kong insulto o papuri ang pahayag ng isang sikat na business man patungkol sa kanya sa isang magazine. Hindi niya rin masisisi ang mga ito. Kilala kasi siya bilang isang party girl at madalas siyang mapagkamalan na isa siyang playgirl dahil papalit palit daw siya di umano ng boyfriend, na hindi naman totoo.

            “Ma'am. Natasha phone call po, ang daddy niyo po.” Saad ng sekretarya niya na si Mavil habang nakadungaw sa may pintuan ng kanyang opisina.

“Okay I'll answer it. thanks.” sagot ni Natasha sabay dampot ng telephone sa cradle.

“Hello dad. Why you sudden call? Is there anything wrong?”

“No hija, namimis lang kita kaya ako napatawag, so how's our business?” Si Don Diego Ephraim ang ama ni Natasha. Noong kabataan nito ay mga hotels and condominiums ang hawak ng company nito na ngayon ay nasa pangangalaga na ni Natasha kasama ang bago nilang negosyo ang mga beauty products.

“It's okay daddy, so far so good, may mega buyers na tayo ngayon sa Japan, New Zealand, at San Diego. Na close na rin ang deal natin sa Nevada.” paliwanag niya. “by the way where's mom?”

“Busy ang mommy mo, gumagawa ng muffins at cookies kasama sina Jenny at Juno.” Ang sinasabi nitong Jenny at Juno ay ang identical twins na anak ng pinsan niyang si Vanessa, kasalukuyang nasa New York ngayon ang pamilya ni Vanessa dahil may dinalaw ang husband nito na si Lance sa New York at naisipang doon muna tumuloy sa bahay ng mommy at daddy niya para madalaw na rin ang parents niya.

“So, busy pala si mommy sa mga kids, I wish I was there too.” Biro niya sa ama.

Huminga muna ng malalim si Don Diego “I wish you were here baby, and I wish – maisipan mo na rin na bigyan kami ng apo ng mommy mo.” Pabiro ngunit seryosong pahayag ng kanyang ama.

“Here we go again dad, I cant afford to give you right now a grandchild, I'm busy with our business.” Kontra niya sa ama.

“Bakit hindi? nandiyan naman si Dickson ang kanang kamay mo he can handle it, pwede siyang humalili sayo, --or is it--” pinag-isipan muna ni Don Diego ang kanyang sasabihin, “Is your past bothering you again? do you still love him?” Sinserong tanong ng kanyang ama.

“Oh come on dad, -- I already forgot ---about him.” Sagot niya ngunit aminado siya na hindi pa rin niya ito nakakalimutan.

“Natasha, what if he comes back to your life?”

Hindi na pinagisipan ni Natasha ang kanyang sasabihin dahil alam na alam na niya ang kanyang isasagot. “He doesn’t have any space in my life.” Matiim niyang sagot.

“What if one day malaman mo na he loves you?”

“Dad I'll call you later my meeting pa kasi ako. Bye. Please tell mommy that I love you both. Mwuah.” Iyon lang at ibinaba na ni Natasha ang telephone, hindi na niya hinintay na makasagot ang ama at baka humaba pa ang kanilang usapan.

Rich and FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon