Chapter Ten

3 0 0
                                    

CHAPTER TEN

            Hypokrita siya kung hindi niya aaminin na hanggang ngayon ay iyak pa rin siya ng iyak at namimiss niya ang presensiya ni Gerald ngunit nananaig pa rin ang galit niya dito dahil sa kanyang nalaman. Maging si Irish ay wala ring tigil sa kakakontak sa kanya, ni hindi niya rin ito kinakausap dahil ayaw niyang may makaalam sa nararamdaman niyang kalungkutan ngayon  sa pakiwari niya ay manhid na ang puso niya mukhang mali yata ang desisyun niya na makipagkaybigan muli kay Gerald Nasa ganoon siya ng estado ng pagiisip ng marinig niya ang ring ng cell phone niya hindi niya dapat iyon sasagutin kung hindi lang nagregistered sa screen ang pangalan ng kanyang daddy inayos muna niya ang kanyang sarili bago sinagot ang tawag ng ama.

“Hello daddy?” tumikhim muna siya para matanggal ang ano mang bara sa kanyang lalamunan.

“Hi baby how are you?” masiglang bati sa kanya ng kanyang ama.

“Im fine daddy.” maiksi niyang sagot, pagkarinig pa lang niya sa boses ng ama ay gusto na niyang humagulgol ng iyak madalas kasi na ito ang sandalan niya kapag siya ay nalulungkot lalo na noong masaktan siya ni Gerald ng labis.

“Baby is there anything wrong?” nag-aalalang tanong ng kanyang ama.

“No daddy I'm---I'm fine.” halos ayaw lumabas ng boses sa kanyang lalamunan tila may nakabara na kung ano doon kaya naman hirap na hirap siyang makapagsalita.

“Baby, alam kong may mali, spill it out baby I will listen to you.” pang-aalo sa kanya ng kanyang ama. Hindi niya talaga maloloko ang ama niya alam na alam nito ang kanyang ugali.

“its not a big deal daddy.” pagsisinungaling niya.

“I'm your dad, at sa pagkakaalala ko eh wala ka pang sinesekreto sa akin at kung sakali man na meron na ay magtatampo ako sa iyo.” saad ng kanyang ama. She had no choice kaylangan niya ng mapaglalabasan ng nararamdaman at narito kausap niya ang tao na nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para huwag sumuko sa mga pagsubok tulad noon; seven years ago at ngayon alam niya sa kanyang sarili na ang ama niya ang isa sa mga tao na maari niyang paglabasan ng kanyang nararamdaman. After a minute she decided to tell everything to her father at mataman namang nakinig ang kanyang ama, kasabay ng pagbitiw niya ng mga salita ang ang pag-agos ng kanyang luha.

“Baby, in my own opinion as your father I guess you better talk to Gerald first before you conclude things.” Suhesyon ng ama.

“But daddy!? he hurts me so bad; I don't wanna see him again.” Pagtutol niya sa payo ng ama.

“Baby seven years ago tinulungan ko ang isang dalagitang babae na takasan ang kanyang problema, hinayaan ko siyang makapag-isip isip and I guess that little girl is now a grown up she can handle problems and I guess she is now more brave than ever.” Dahil sa mga salita na binitiwan ng kanyang ama ay biglang para siyang naliwanagan.

“Face your problems, it’s the only way to set yourself free. Sabihin mo kay Gerald na mahal mo siya.” Makahulugang pahayag ng kanyang ama. Tama ang daddy niya she's big enough to face problems in life and to face her insecurities and his failures; she have to forgive and let go.

“Daddy thanks for the words of wisdom, I will do it.” Nakangiti na niyang pahayag.

“That's my girl.” saad ng kanyang ama. Alam niya na batid na ng kanyang ama na malinaw na ang lahat sa kanya.

            Pagkatapos tumawag ng kanyang daddy ay agad niyang tinawagan si Irish upang papuntahin sa bahay niya at makipag-usap.

“Your crazy Nash! Pinag-alala mo ko!” Saad ni Irish pagkabungad na pagkabungad nito sa pintuan ng kanyang bahay.

Rich and FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon