Chapter Seven

3 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN

            “Boys? wala akong problema about them they come and go. Ganon lang yon kadali.” saad ni Ehra sa punto nito ay tila pinaglalaruan lang nito ang mga lalaki sabagay maganda naman talaga ito at kayang paikutin ang isang lalaki sa kanyang mga palad.

“How about you? kumusta na kayo ni Gerald?” nasamid siya sa tinuran nito paano nito nalaman ang tungkol kay Gerald?

“Im glad you’re here.” nakangiting saad ni Gerald na tila ba siyang siya na naroon siya nakapamewang ito at titig na titig sa kanya hindi niya napansin na dumating na pala ito dahil na rin sa pagkwekwentuhan nila ni Ehra.

“Dude!” sigaw ni Phil na ngayon ay nakaakbay na sa kanya. Nabigla man siya ay hinayaan na niya dahil baka mapahiya lang ito.

“Magkakilala kayo?” tanong ni Phil kay Gerald.

“Yes.” maikling saad ni Gerald tila di maipinta ang mukha nito dahil sa nakikita.

“Well that’s good it’s nice to hear that you know my date.” nakangiti pa ring saad ni Phil

at pinisil pa nito ang kanyang braso.

Hindi niya maintidihan kung anong uri ng ekspresyon ang nakikita niya kay Gerald agad din itong nagpaalam sa kanya at nakihalubilo sa iba pa nitong bisita, para siyang nanglumo at mangani-ngani na niyang habulin ito buti na lang at ipinaalala niya sa kanyang sarili ang kanilang nakaraan.

            Pansamantala muna siyang iniwan ni Phil dahil sa tinawag ito ni Brien kaya naman napagpasyahan muna niyang maglakad lakad pumunta siya sa beranda ng restaurant at doon huminga ng malalim malamig at masarap ang hangin palibhasa'y “ber” month na at parating na ang pasko. Nagulat na lang siya ng may tumikhim sa kanyang likuran ang akala niya ay si Phil na iyon ngunit nabigla siya ng si Gerald ang kayang nakita tipid na ngiti na lamang ang kanyang naibigay kay Gerald aalis na sana siya ng bigla itong nagsalita.

 “You’ve change a lot physically speaking; but I am not sure emotionally.” saad nito hindi niya mashadong maaninag ang mukha nito dahil sa may kadiliman ang parte na iyon ng balkonahe.

“What are you talking about?” tanong niya bagamat kinutuban na siya sa kung ano ang ibig nitong sabihin. Ngunit mas pinili pa rin niyang magmaang-maangan.

“Ok I’ll explain; physically speaking it’s because you became more beautiful and attractive” saad nito habang papalapit sa kanya bahagya pa siyang napaatras at muntik pa siyang matapilok. Dahil sa kakaatras niya ay nabangga na niya ang pinaka handle bar ng beranda hindi niya alam kung bakit ganoon ang kanyang nadarama parang hinahabol ng kabayo ang kanyang puso dahil sa bilis ng tibok nito.

“Emotionally? will see it. After this thing.” hindi na niya alam ang gagawin dahil unti unti ng bumababa ang gwapo nitong mukha papalapit sa kanyang mukha, she closed her eyes and prepare for the kiss ngunit ilang minuto na ata ang lumilipas ngunit hindi pa rin siya hinahalikan nito kaya minabuti na lang niyang buksan ang kanyang mga mata at tila gusto na niyang sapakin ito dahil nakatingin lang ito sa kanya habang nangingiti itinulak niya ito at tiyaka mabilis na umalis. Napahiya siya for a hundred times! kaagad niyang hinanap si Phil ngunit si Brien lang ang kanyang nakita agad niya itong tinanong.

“Brien si Phil?” tanong niya dito gusto na niyang umuwi dahil mainit na ang kanyang ulo.

“Woow! bad shot? may kausap pa si Phil bakit Nash do you want to go home?” tanong nito sabay inom ng tequila.

“Yes.” maikli niyang sagot.

“High blood ka ah? ano ba ang ginawa sayo ng lover boy mo?” pabirong tanong nito.

Rich and FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon