Chapter Nine

3 0 0
                                    

CHAPTER NINE

            Ng balikan niya sa living room si Gerald ay nanonood na ito ng news sa tv “Ready na ang breakfast” ika niya Agad naman itong tumayo pagkatapos patayin ang tv at sumunod sa kanya sa kusina

Nagsisimula na silang kumain ng mapansin niya na kanina pa siya nito tinitingnan at wari ay may saabihin

“what's bothering you Gerald?” tanong niya at tiyaka sumubo ng omelet

“according sa news ay wala na daw ang bagyo so i hope pwede tayong mamasyal muna” saad nito habang mataman siyang tinitingnan at nag-aantay sa kanyang isasagot

“Okay lang bukas pa naman talaga ko uuwi eh” sagot niya Nakita niya ang pagsilay ng mapuputi nitong ngipin

“well that's good” sagot nito at masigla ng kumain Habang tinitingnan niya ito ay napagtanto niya dapat na siguro niyang lubus-lubusin ang pagsasama nilang dalawa ngayon sa baguio dahil baka hindi na naman sila magkita at aminado siya na maisip palang niya na mawalay siya dito ay nalulungkot na siya

            Una silang nagpunta sa Berham Park upang maghorse back riding “Come on Nash sumakay ka na” pagaaya nito sa kanya Bata pa lang siya ay takot na siya sa kabayo dahil noong six siya ay nalaglag siya sa kanyang pony na si Booboo kaya naman mula noon ay hindi na siya sumakay pa sa kabayo

“No Gerald ayoko” madiin niyang pahayag “Baka malaglag ako o di naman kaya ay magalit siya at matumba ako” mahaba niyang pahayag Sa pakiwari niya ay namumutla na siya sa takot

“Nash do you trust me?” tanong nito sabay hawak sa magkabilang kamay niya Napalunok siya dahil alam na niya kaagad ang isasagot dito dahil kahit dalhin pa siya nito sa Mt Everest at sabihin aalis ito at babalikan na lang siya ay magagawa niyang mag-antay dito

“yes” mahina niyang saad.

“kung ganon tumapak ka sa kamay ko” Nakaluhod na ang isang tuhod nito at handa na ang kamay para alalayan siya kaya naman kahit takot at sinunod na lang niya ito Pagkatapos niyang sumakay ay ito naman ang walang kahirap hirap na sumakay sa kabayo at pumwesto sa kanyang likuran at dahan dahan nitong pinalakad ang kabayo Isang puting kabayo ang inarkila nito agad din namang nawala ang takot niya sa pagsakay sa kabayo ng mapasandal siya sa matipunong dibdib ni Gerald.

“okay ka lang ba?” masuyong tanong nito sa kanya Simpleng tangu lang isinagot niya dahil mas gusto niyang damdamin ang pagsandal dito ipinikit niya ang kanyang mata naramdaman niya ang paghigpit ng braso nito sa kanyang beywang.

“Medyo bibilisan natin sweety ha” saad nito at pagkatapos ay mabilis na pinatakbo ang kabayo Napamulagat siyang bigla dahil sa ginawa nito noong una ay natakot siya ngunit ng magtagal ay na-enjoy niya ang pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang balat dahil sa bilis magpatakbo ni Gerald ng kabayo.

“Are you having fun?” tanong nito sa kanya pagkatapos mailapit ang mga labi nito sa puno ng kanyang taenga.

“Yes” malakas niyang sagot dahil sa nakikiliti siya sa klase ng paglapit nito sa kanya Pumailanlang ang malakas nitong tawa sa buong lugar.

            Pagkatapos nilang maghorse back riding ay naghanap naman sila ng mga souvenir items Huli na ng mamalayan nila na takip silim na pala.

“Uwi na tayo” aya niya dito.

“okay pero dapat ipagluto mo ako ng masarap na dinner dahil sa bigat nitong pinamili mo” sagot nito sabay taas ng mga plastic bags na puno ng souvenir items.

“Ikaw kaya itong turo ng turo ng kung anong maganda tapos ikaw itong umaangal” nagsusungit sungitan niyang saad sabay pamewang.

“okay okay ako nga ang may kasalanan but you owe me dahil nagutom talaga dahil sa pagbubuhat nitong mga pinamili mo” saad nito at kunwari ay pagod na pagod Sabagay kasalanan nga naman niya kung bakit ito pagod na pagod sa pagbubuhat hindi na niya kasi ipinadala pa dito ang kotse nito dahil ayon sa kanya ay mas maganda ang maglakad lakad na lang sila sa buong lugar.

Rich and FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon