Chapter Two

11 0 0
                                    

CHAPTER TWO

            Nang gabing iyon ay nanalo sila Gerald, pinilit siya nitong sumama sa Victory party sa bahay nito na pinaunlakan naman niya. Hindi pumayag si Gerald na hindi ang kotse nito ang gagamitin nila kaya naman pinasunod na lang niya ang driver niya na si Manong Isko sa bahay ni Gerald. Maraming tao sa Victory party nito hindi na nga niya kilala ang mga tao sa kanyang paligid.

“Are you having fun?” Tanong ni Gerald na kanina pa yata nasa likod niya, nasa may balkonahe sila ng bahay nito, wala ang parents ni Gerald kasalukuyan namang nasa States ang mga ito upang magbakasyon.

“Yeah I'm fine.” Pasigaw na niyang pahayag dito dahil mashadong malakas ang sound system na ginagamit sa party.

“I wish mom and dad were here.” Pasigaw na rin nitong pahayag sabay inom ng beer.

Natawa siya “Why? nami-miss mo na sila eh di ba kaaalis lang nila yesterday?” Tanong niya.

“No, it’s not like that-- I wish they were here ---so they could meet you.” Pabulong nitong sagot habang nakalpit ang mga labi nita sa gilid ng kanyang taenga and it feels great, bagamat bakas sa mukha nito na lasing na ito ay hindi pa rin maitatatwa na totoo ang sinasabi nito base sa mga mata nito. Oh my!! Ang gwapo mo talaga kahit lasing ka na!! “Anong sabi mo?” kunwa ay hindi niya narinig.

“Oh, its-- nothing.” sagot nito. “Ahm gusto mo ng drinks—juice?” pagiiba nito ng usapan.

“Yes please.” tangi niyang naisagot, kinikilig kasi siya sa sinabi nito kanina.

“Wait lang ikukuha kita.” iyon lang at nagmamadali na itong umalis upang ikuha siya ng maiinom.

            “So your here.” Bati sa kanya ni Lorraine ng makita siya nito sa balkonahe.

“And your here too.” Pairap niyang sagot dito.

Natawa muna ito bago sumagot “Of course girlfriend kaya ako ni Gerald!” lasing ng pahayag nito.

“Don't be ridiculous, hindi ko akalain na daydreamer ka pala.” Ganti niyang sagot sa babae alam naman niyang iniinis lang siya nito ngunit hindi na niya matimpi ang kanyang sarili at nanggigigil na siya dito.

Tumalim ang tingin sa kanya ni Lorraine “If I know kaya ka lang naman kinakaibigan ni Gerald ay dahil sa may gusto siya sa kaibigan mo!!” Pagalit nitong pahayag.

Para naman siyang sinaksak sa dibdib dahil sa sinabi nito. Totoo kaya ang sinasabi ng babaeng ito? “At paano mo naman nalaman? kilala mo ba ang kaibigan ko? kilala mo ba kami?” tinitimbang niya ito.

“Of course you are Natasha Ephraim the daughter of the rich Don Diego and you are the best friend of Iris Constantinople the daughter of Nick Constantinople the owner of Red admiral corporation, kilang kilala ko kayo because your rich, at kaya ko nalaman ang tungkol sa pagkagusto ni Gerald sa best friend mo ay dahil na rin sa narinig ko a few weeks ago, I heard Gerald talking to Neil noong practice nila and Gerald admits that he likes Irish!!” Mahaba nitong lintaya.

“Kawawa ka naman hindi mo makukuha ang lalaki na gusto mo dahil ang kaibigan mo ang gusto niya.” Nang-aasar nitong pahayag.

Kung maaari lang nga niyang pilipitin ang leeg nito ay ginawa na niya sa sobrang galit dito.

“That's not true, I will not believe in you.” sagot niya.

“Ikaw ang bahala believe it or---- believe it. Another thing ilusionada ka rin pala!!” iyon lang at umalis na ito.

“What's going on?” takang tanong ni Gerald ng makasalubong niya si Lorraine.

“I---I must go. pagod na ko, mauna na ko.” iyon lang at mabilis na siyang tumakbo pababa, tinatawag pa siya ni Gerald ngunit hindi na niya ito pinansin.

Rich and FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon