Chapter Six

6 0 0
                                    

CHAPTER SIX

            Tila nagising si Nash mula sa matagal na pagkakatulog ng marinig niya ang mga katok sa pintuan ng kanyang opisina.

“Yes come in.” sagot niya pagkatapos matiyak na walang luha ang naglalagos sa kanyang mga mata. Silly napakatagal ng nangyari ng bagay na iyon sa kanyang buhay ngunit heto pa rin siya at tila sariwang sariwa pa ang sugat sa kanyang puso.

Pumasok ang sekretarya niyang si Mavil “Ma'am naka-set na po ang lahat sa board room.” saad nito.

“Okay papunta na ko.” Saad niya.

            Saturday afternoon pinilit siyang pumunta ni Irish sa bahay nito dahil wala itong kasamang maid at nasa business trip naman ang asawa nitong si Neil.

            “Best ano na naman ba itong ginagawa mo sa akin? pinaglilihihan mo na naman ba ako?” naiirita niyang tanong dito pinag-suot siya nito ng pang fairy na custome at tiyaka pinicturan ng pinicturan dalawa na ang anak nila Irish at Neil at pareho itong lalaki at ang target ngayon ng mag-asawa ay magkaroon ng babaeng anak at mukhang matutupad na iyon ngayon.

“Wait lang best huwag kang gagalaw---there we go! good shot!” saad nito habang tila ekspertong eksperto sa pagkuha ng litrato At siya naman parang tanga sa pagsunod sa nais ng kaybigan.

“Okay na best magbihis ka na,” saad nito habang nirereview ang mga kuha sa kanya.

“At last I'am free!” Bulalas niya ng biglang may mag-doorbell.

“Best pakitingnan naman kung sino please.” nagmamakaawa nitong saad habang busying busy pa rin sa pagtingin sa mga kuha nito.

“Best are you insane? titingnan ko kung sino ang bisita mo ng ganito ang ayos ko?” napapantastikuhan niyang pahayag.

“Okay lang yan baka si Aling Sonia lang yan baka may nakalimutan lang.”  ang tinutukoy nitong Aling Sonia ay ang maid nito na kaaalis  lang upang dalawin ang mga apo.

“Hay naku!!” saad niya habang papunta sa main door ng bahay nila Irish.

            “Naku Aling Sonia sumasakit ang ulo ko ng dahil sa amo niyo!?---” may iba pa sana siyang sasabihin ngunit naputol ang pag-sisintir niya ng makita kung sino ang nasa kanyang harapan.

“Your----back?” tanong niya dito. Nakita niyang ngumiti ito at parang matutunaw ang puso niya dahil sa tagal ng panahon na hindi niya nakita ang mga ngiti na iyon No!! Nash remember siya ang taong sumira sa puso mo!? paalala ng isip niya sa kanyang sarili. Ngunit parang may mali dahil parang hindi man  lang siya nakita nito na ngayon ay nakatuon ang pansin sa mga anak ni Irish nilagpasan siya nito na parang hindi siya nakita. Aba't ang kapal ng mukha nito para dedmahin siya!!! Sinundan lang niya ito ng tingin, Agad umasim ang mukha niya ng makitang yumakap pa ito kay Irish at tila miss na miss ang best niya.

“Ninong were glad your back!” ika ni Bubu ang panganay ni Irish five years old na ito kaya naman bibong bibo. Agad itong yumakap kay Gerald Ginawang ninong nila Irish si Gerald dahil sa ito ang bestfriend ni Neil noong college.

“Of course miss na kasi kayo ni ninong.” Masaya nitong pahayag.

“Grabe ka! Na surprise kami sayo!” saad ni Irish at tiyaka sumulyap sa kanya tila inaalam nito kung okay lang siya kaya naman senenyasan niya ito na okay lang siya; na nothing's wrong, na okay lang sa kanya ang lahat dahil nakapag-move on na siya. Siya nga ba?

“I got bored in Canada that's why I decided na dito na lang manirahan sa Philippines for a change.” paliwanag nito na ngayon ay sa kanya na ang tingin.

Rich and FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon