Epilogue

4 0 0
                                    

EPILOGUE

Nash is wearing a white tube long gown, naka-french nut ang kanyang buhok at may isang ipit lang na puno ng mga mamahaling bato. Ito na ang pinaka-aantay niyang araw sa buhay niya ang kasal nila ni Gerald, she faced in a full size mirror at kanyang pinagmasdan ang kanyang sarili, it's been a year ng magpro-proposed si Gerald sa kanya. Umuwi pa ang parents niya from states para sa araw na iyon, ang gusto pa nga ng kanyang mommy ay ito ang mag-ayos ng lahat pinigilan lang ito ng kanyang daddy at sinabi na hayaan na lang daw na sila ang mag-ayos ng lahat. Gerald never change sa isang taon nilang relasyon ay lagi siya nitong sinusuyo napapangiti siya sa tuwing naalala niya na lagi itong nagpapadala ng flowers everyday sa kayang opisina and he never failed to make her smile.

“Nash, sweety male-late na tayo.” Saad ng kanyang mommy na nakatayo sa bukana ng kanyang silid. Nilingon niya ito at nginitian.

“Your beautiful sweety, mana ka talaga sa akin.” Nakangiti nitong pahayag. She hugged her mommy she is very blessed dahil sa uri ng magulang na mayroon siya.

“O siya siya tama na ito at baka maiyak pa ako, sayang ang make-up natin sweety.” Saad ng kanyang mommy, halata sa mga mata nito na pinipigil lamang nito ang pagtulo

ng luha nito.

Their wedding is superb, naging maayos ang lahat, nasa reception na sila ngayon kasama ang mga bisita, everybody is there. Ang best friend niyang si Irish ang naging maid of honor niya at si Neil naman ang naging best man ni Gerald ang anak naman ni Vanessa na si Jenny ang flower girl at ang kambal naman nito na si Juno ang ring bearer bumiyahe pa talaga ang pamilya ni Vanessa at Lance from Switzerland para lang sa kasal niya. Abay niya si Ehra, na ngayon ay fiancée na ni Nathan at malapit na rin magpakasal, sinasabi na nga niya noon na may pagtingin sa isa't isa ang dalawa. Abay din niya si Callel naroon din ang banda ni Axiel upang tumugtog.

            Naaliw siya sa kaka-entertain sa kanilang mga bisita kaya hindi na niya napansin na nawala si Gerald sa kanyang tabi. She searched for Gerald at nakita niya ito na kasama ang tao na hindi niya aakalain na pupunta pa sa kasal niya. It was Lorr, Oo nawal na ang nararamdaman niyang galit dito ngunit hindi pa rin siya ganoon kapanatag kapag nasa paligid ito, siguro iyon ay dahil sa ginawa nito noon sa kanya. Agad siyang nakita ni Gerald at inakbayan.

“Nash sorry sa mga nagawa ko noon, I hope you'll forgive me.” Naiiyak na pahayag ni Lorr. Dahil sa nakita niya itong umiyak dahil sa pagsisi ay tila naglaho ang galit at takot niya dito.

“Huwag mo ng isipin iyon, tapos na yon.” Nginitian niya ito.

“Thank you for understanding me, I wish all the good things para sa relationship ninyo.” Saad nito habang nagpupunas ng luha.

“Thank you, so paano are we friends?” Tanong niya sabay abot ng kamay niya dito.

“Friends.” Nakangiti nitong pahayag, inihatid nila ni Gerlad ng tingin si Lorr ng magpaalam na ito na aalis na.

“What happen to her, parang may problema siya.” Untag niya kay Gerald.

“Love problems, dahil at last she found out her true love, remember I've told you na may tao na umaasa at nagmamahal sa kanya, well nakita na nya ito at nalaman na rin niya na ito talaga ang mahal niya ang kaso, dahil sa tagal ng panahon na pinaghintay niya ito ay lumayo na ito para makalimutan siya, kaya hayan at parang mababaliw na si Lorr sa kakahanap sa taong mahal niya.” Mahaba nitong paliwanag.

“Do I know him, the guy in Lorr's life?” Tanong ulu niya.

“Malalaman mo rin in the near future.” Makahulugan nitong pahayag.

“Ang daya mo naman.” Nakangiti na niyang pahayag. Wala na siyang pakialam kung sino na sa ngayon ang lalaki sa buhay ni Lorr ang mahalaga sa kanya ay kasama niya si Gerald at wala ng iba pa na magtatatangka na umagaw nito sa kanya.

“Let's go back to the party.” Saad nito sabay hawak sa kanyang kamay.

            “Rald, Nash!” tawag sa kanila ni Brien kasama nito sa lamesa ang iba pa nilang kaybigan at mukhang may pinagkakaisahan na naman ang mga ito iyon ay walang iba kung hindi si Lawrence.

“I've had enough of it.” Saad ni Lawrence.

“Pare, its time for you to move on, maghanap ka na ng iba it's been eight years. Sayang ang lahi mo pare.” Biro ni Brien dito; Lawrence before was one of the bubblies sa barkada ni Gerald but know naging bato na ito at tila laging galit; ayon sa kanyang asawa iyon ay dahil kay Caroline ang first and last girlfriend nito na bigla na lamang siyang iniwan pagka-graduate ng college.

“Pare huwag mong sayangin ang buhay mo, your rich and famous.” saad ng kanyang asawa.

“O siya tama na ang kay Lawrence let's go back to the newly weds.” Nangaasar na saad ni Brien.

“Kiss naman diyan!” saad ni Axiel sabay taas ng wine glass nito.

Pinagbigyan nila ang mga ito they sealed it with a kiss kasama ang pangako na habang buhay silang magsasama. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rich and FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon