Chapter Eight

3 0 0
                                    

CHAPTER EIGHT

Tiningnan siya ni Gerald na wari ay humuhingi ng saklolo. Umorder si Lorr ng makakain at para siyang aso na nanood lang sa dalawa dahil sa mashadong maganang makwento si Lorr ay napakwento na rin si Gerald in a formal way nga lang. Bagamat medyo personal ang pinaguusapan ng dalawa ay pinipilit pa rin ng binata na maging pormal gusto na niyang magsisi dahil sa pumayag pa siya na sumalo sa kanila si Lorr kaya heto siya ngayon palipat lipat lang tingin sa dalawa habang nakikinig.

            “Excuse me magpupunta lang ako sa powder room.” Basag niya sa usapan ng dalawa. Agad siyang tumayo at nagtungo sa comfort room hindi na kasi niya makayanan pang Makita ang pagiging close ng dalawa.

Nagreretouch na siya ng biglang sumulpot si Lorr sa kanyang likuran kitang-kita niya ang exspression ng mukha nito sa salamin, hindi pa rin ito nagbabago sophisticated pa rin ang ayos nito at kitang kita pa rin sa mga mata nito ang kasamaan ng ugali nito.

“so nagkita na pala kayo uli ni Gerald, at nagpauto ka na naman sa kanya?” nanguuyam nitong saad.

“nakalimutan mo na ba kung bakit ka biglang nawala sa Puerto noon? O gusto mo pang ipaalala ko sayo?”

“stop it okay.” Manganingani na niyang saktan ito kung hindi nga niya pinipigil ang sarili.

“stop daydreaming nash because Gerald is not into you okay.” Pagkasabi ng mga kataga na iyon ay umalis na rin ito.

Kinalma muina niya ang kanyang sarili bago lumabas ng comfort room. Nakayuko siya kaya hindi niya napansin na my tao pala sa kanyang harapan at laking gulat niya ng Makita niya si Phil.

“Sorry Miss—Nash?” takang tanong nito.

“Phil?” Sukat sa pagkakakita niya kay Phil ay naalala niya ang nanagyari ng nagdaang gabi iniwan nga pala niya ito sa party.

“Phil im sorry last night its just-” magsasalita pa sana siya ng bigla siya nitong yakapin. Hindi na siya nkapalag kaya hinayaan na lang niyang yakapin siya nito total ay kaybigan naman niya ito.

“its okay ako naman ang may kasalanan eh. Can you forgive me?” saad nito na wari ay humihingi ng patawad.

“You’re forgiven.” Sagot niya. Bigla siyang napakalas sa pagkakayakap ni Phil ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Gerald.

“Nash.” Gulat na saad nito. Umaasim ang mukha niya ng Makita na nakaangkla pa si Lorr sa braso nito kaya imbes kumalas kaagad sa pagkakayap ni Phil ay mas lalo pa niya itong niyakap na animo ay hindi niya narinig ang pagtawag ni Gerald.

“Nash!” Tawag muli nito sa kanya at sa pagkakataon na iyon ay ramdam niya na galit na ito kaya napakalas na siya sa pagkakayakap ni Phil.

“Oh Gerald you’re here at kasama mo pa ang one one and only Lorraine Hyeth.” Nakangiting bati ni Phil sa mga ito.

“Hindi ko alam na nandito ka rin Phil.” Maikling saad ni Gerald ngunit ang mga tingin ay nasa kanya at kalase ng pagtingin nito sa kanya ay para siya nitong kakain ng buhay sa galit.

“oh nagkita kami ni Nash accidentally’ at nagsorry na rin ako sa kanya dahil sa hindi ko siya naihatid kagabi.” Paliwanag ni Phil.

“Tama lang na magsorry ka hindi mo dapat iniiwan ang kadate mo.” Sa tono ng pananalita nito ay tila pinatatamaan nito si Phil.

“That’s why im here.” Nakangiting saad ni Phil. “Nash is it okay kung ako na ang maghahatid sayo pauwi?”

Napatingin siya kay Gerald nakipagsukatan tingin siya dito at pagkatapos ay tiningnan niya si Lorr na hanggang ngayon ay nakakapit tuko sa binata. Bahala kayo sa buhay niyo!! Sa isip isip niya.

Rich and FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon