Prologue

5.9K 91 9
                                    

"I wanna come with you Koy." ani Pepsi habang kausap sa kabilang linya ang kaibigan.

"Sure! That would be great para may kasama akong magbitbit ng mga napamili ko mamaya." ang sagot naman ni Koy. Napangiti si Pepsi.

Sobrang malapit sa kanya si Koy,yes may nangyayari sa kanila dati,pero hanggang dun lang yon. No romantic feelings,basta gusto lang niya si Koy,at wala syang balak makigulo sa magulo na nitong buhay.

"And where did you think youre going?" ang pagpuna sa kanya ng Papa nya ng makababa na siya sa hagdan. Bihis na bihis ito,maging ang kanyang ina at bunsong kapatid na si Pyro.

"Sasamahan kong mag grocery si Koy,Pa." nakangiti pa nyang sagot.

"Youre not going anywhere son. May family gathering tayo ngayon,nakalimutan mo na ba?" ani ng kanyang Mama habang sinusuklayan si Pyro.

Oh shit! Oo nga pala! Damn!

"So I suggest na itext mo na si Koy and we'll be going right now." sabi ng Papa nya at naunang lumabas.

"Mama? Kuya don't have a wife. Why is that?" inosenteng tanong ng four years old nyang kapatid sa kanilang Mama.

"He will have a wife,baby.And that's sooner." makahulugang sagot ng Mama nya na ikinakunot ng noo nya.

Anong ibig nyang sabihin?

At nang makarating sila sa restaurant na nirentahan ng kanilang pamilya ay nandun na ang lahat ng mga kamag anak nya. Binati nila lahat ang mga ito. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya,parang may kakaibang mangyayari,ngunit ipinag sawalang bahala na lamang nya ito.

Masayang kumain at nagkwentuhan ang kanyang mga kamag anak hanggang sa may pumasok sa restaurant at lumapit sa kanila. Mag asawa na may kasamang lalaking teenager.

"Oh! Just in time." ani ng Mama nya at binati ang mga bagong dating. "Oh boy,ang laki mo na Adkyn at ang gwapo pa!" dagdag ng Mama nya na ikinangiwi nya.

Ipinakilala ito ng Mama at Papa nya sa kanilang lahat. Akala nya hanggang doon lang yon,pero yung mga sumunod na usapan ang nagpalaglag ng panga nya sa sahig.

"Kailan ba ang kasal? Nauubusan na kami ng panahon." sabi nung lalaki na hindi man lang nya matandaan ang pangalan.

"Pwede naman silang ma engaged muna,at pag nag eighteen na si Adkyn ay pakasal na natin sila sa Vegaz." sabi ng Mama nya. Yung iba naman nilang kamag anak ay may kanya kanyang usapan din.

"Ma,Pa ayoko po!" ang sabi nung binatang Adkyn.

Ano bang pinag uusapan nila?

"Kami na ang bahala. Para hindi na kayo kulitin ng mga yon. Babayaran na din namin ang utang nyo sa kanila para wala silang reklamo,basta maipakasal natin ang ating mga anak." sabi ng Papa nya na halos ikaluwa ng mga mata nya.

"The fox? Are you joking Ma? Pa?" ang malakas nyang sabi na ikinalingon ng mga kamag anak nila.

"Yes my dear! Now,kilalanin mo na mapapangasawa mo,si Adkyn." ang sabi ng Mama nya. Hindi sya nakapag salita,ang dami nyang gustong sabihin pero ayaw bumuka ng bibig nya.

Maging si Adkyn naman ay hindi ito gusto. Napaka bata pa nya para maipakasal,pero ayos lang sana eh,pero bakit sa lalaki? Hindi nya pinangarap makasal sa kapwa lalaki! Pagtatawanan sya ng lahat ng nakakakilala sa kanya. Iisipin ng mga ito na bakla sya kahit hindi naman,lalayuan pa sya ng mga babae. Kung bakit naman kasi sya ang naging pambayad utang? Pero wala naman kasi syang magagawa,bata pa sya at hindi nya kayang sumuway sa gusto ng kanyang mga magulang.

"Maglalakad lakad muna ako." ani Adkyn at lumabas ng restaurant. Nadinig pa nyang pinapasundan sya ng mga ito dun sa Pepsi.

"Fucking fuck? What's happening to the world? Anong iniisip ng mga magulang ko?" ang inis na sabi ni Pepsi habang sinusundan si Adkyn. Nilingon sya nito at lalong binilisan ang paglalakad.

Okay. Gwapo naman yung bata,marunong syang maka appreciate ng kagandahan at kagwapuhan ng ibang tao. Ang kaso,mukhang badboy nga lang dahil may hikaw sa kanang tenga at kung kumilos ay siga,ang buhok pa nito ay pang gangster na pinatungan ng sombrero.

Pero walang kwenta lahat yon. Lalaki sya at hindi sya magpapakasal sa kapwa nya lalaki. Isa iyong kahihiyan,isang malaking kalokohan.

"Bakit ba sunod pa din sya ng sunod?" naiinis na sabi ni Adkyn.

Kahit gaano kagwapo pa yang Pepsi na yan,wala syang pakealam. Hindi nya pinangarap na maipakasal sa kapwa lalaki. Maaaring mayaman at gwapo ito pero walang saysay ang mga katangiang iyon. Hindi sya nagkakagusto sa kapwa lalaki.

"Pwede bang tumigil ka sa kakalakad ng mabilis?" sabi ni Pepsi sa gitna ng madaming tao. Napapagod na kasi sya sa mabilis na paglalakad.

"Eh bakit ka sumunod?" balik tanong naman ni Adkyn.

Pinagtitinginan sila ng mga tao. Napangisi si Adkyn ng may maisip syang idea.

Nilambutan nito ang kanyang paglalakad at kumembot na parang isang bading.

"Ewan ko lang ng sumunod ka pa." sabi ni Adkyn sa kanyang isipan.

Nagsimulang magsalubong ang mga kilay ni Pepsi. Nabubwisit na sya sa batang iyon.

"Anong ginagawa ng tarantadong iyon?"

[AN - Ito yung eksenang nakita nina Koy at Arkin.]

Hindi na nakatiis si Pepsi at marahas nyang hinila si Adkyn papunta sa may CR ng isang fastfood at nilock ito.

"Problema mo tanda?" ang singhal ni Adkyn dito ng nasa loob na sila ng Cr.

"Ikaw ang problema mo! Kausapin mo yang mga magulang mo at kakausapin ko ang mga magulang ko para matigil na ang kalokohang ito!" gigil na sabi ni Pepsi. Punong puno na kasi sya.

"Bakit hindi ikaw ang mauna? Mas matanda ka?!" nakatingala kay Pepsi na sagot ni Adkyn. Nagkatitigan sila.

"I'll do that!" singhal ni Pepsi dito ngunit hindi man lang nagpatinag ang binatang si Adkyn.

Matapos ang kanilang matalas na titigan ay naunang lumabas si Adkyn. Napabuntong hininga sya.

"Ano ba itong ginagawa nyo sa akin Ma? Pa? Ipapakasal nyo lang din ako sa lalaki pa! Ano ako bakla? Depungal naman! Maaga akong tatanda sa gagong yon eh!" aniya at biglang bumukas ang isang cubicle,may lumabas na lalaki na gwapo at tiningnan sya ng buong pagtataka saka pumunta sa sink at naghugas ng mga kamay kaya minabuti na lang nyang lumabas na.

Si Adkyn naman ay kumukulo ang dugo. Nagpunta sya sa gilid ng Mall,kinuha ang sigarilyo sa bulsa at nagsindi ng isa.

"Bahala sina Mama at Papa. Basta gagawa akong paraan. Kung ipapakasal nila ako dapat sa babae. Ano na lang ang sasabihin ng mga tropa ko? Takteng yan,baka hindi na ako makatikim ng babae pag nagkataon! Tae talaga!" aniya,humithit at bumuga.

Ito sya,siga,maangas at higit sa lahat,gwapo. Itong kagwapuhan nya sa lalaki lang din sya mapupunta? No way! Hindi nya pinangarap na makipaghalikan at magpatanggal ng pagka virgin sa kapwa lalaki.

Maging si Pepsi naman ay badtrip din habang naglalakad. Hinding hindi sya papayag. Hinding hindi sya mag aaksaya ng semilya sa kapwa lalaki. Eh mukha ngang walang alam sa sex yung batang yon eh.

Natanaw nya sa isang gilid si Adkyn na naninigarilyo. Pinabayaan nya ito at naglakad na sya papunta sa restaurant kung san nagaganap ang kanilang family reunion.

Matapos manigarilyo ay ngumuya ng mint bubblegum si Adkyn at naglakad pabalik sa restaurant.

Ano na kaya ang kahihinatnan ng lahat ng ito?

Ang Lalaki Sa Rooftop TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon