Chapter five!

2.8K 91 4
                                    

Adkyn's Point of view

"Yow! Nakita ko kuya Pepsi mo,may kasamang magandang babae." ani Rhys,isang linggo matapos ang lahat ng nangyari.

"Oh eh ano naman? Wala akong pakialam." sagot ko. Bakit ko iintindihin ang isang iyon eh mas dapat kong tutukan kung paano ko mapopormahan si Vine.

"Probably baka nililigawan nya." ani Calixx na nakatingin sa akin. May kakaiba talaga sa lalaking ito eh.

"Tigilan nyo ngang pag usapan si Pepsi. Nakakairita na masyado." sagot ko at bumaling kay Vine. "Ano? Mamaya? Treat ko." niyaya ko kasi na mamasyal kaming dalawa sa Mall,at hanggang ngayon hindi pa sya nakakasagot dahil panay ang singit nina Rhys at Calixx sa usapan. Ang sarap bigwasan eh!

"Tayong talaga lang talaga?" nahihiyang sabi ni Vine at ngumiti.

Shit! Ang ganda talaga nya!"

"Oo. My treat!" ani ko naman.

"Ano yon? Naitsapwera ang bestfriend?" ang pagsingit na naman ni Rhys kaya tiningnan ko sya ng masama. "Diba dapat kasama din tayo Calixx?" baling pa nito kay Calixx.

"Huh? Ewan,date nila yon,bakit tayo sasama?" sagot ni Calixx kaya napangisi ako. May pakisama din pala ang isang ito eh.

"Narinig mo yun tukmol?" nakangisi kong baling kay Rhys.

"Sige na! Payag ako! Basta may pasalubong bukas!" ang hindi papatalong sabi nito.

"Deal! Matahimik lang ang kaluluwa mong tukmol ka!" sabi ko na lang at nagtawanan sila.

Kaya buong klase ay palihim kaming nagtetext ni Vine. Palihim ko ding tinitingnan sya,at pag ngingiti sya ay nakukuntento na ako.

"Hoy Adkyn! Yung pasalubong ah?" ani Rhys ng nasa labas na kami ng school. Si Calixx naman ay nauna na dahil tumawag daw ang kuya niya.

"Oo na!" sagot ko at pumara ng taxi. "Tara na." baling ko kay Vine. Kumaway lang kami kay Rhys at sumakay na. Pagkasakay ay agad kong tinext si Pepsi.

Ako:

May date ako kaya male-late ako ng uwi.

"Sinong tinext mo?" ang tanong ni Vine ng ibalik ko na ang cellphone ko sa bulsa.

"Si Pepsi. Para hindi na sya magsermon pag uwi ko." nakangiti kong sagot.

"Ah,yung guardian mo,ang gwapo nun."

"Huh? Mas gwapo ako dun." ani ko.

"Sabi mo eh. So anong balak mo dito sa paglabas natin?"

"Basta!" nakangisi kong sagot. Ayokong sabihin ang plano ko. Ordinaryong date lang naman ito pero kinakabahan ako,ito ang unang pagkakataon na nakipag date ako.

Nang makarating kami sa Mall ay niyaya ko muna sya sa Timezone. Lahat ata ng arcade games ay sinubukan namin. Medyo malaki kasi ang binigay na allowance sa akin ng Mom at Dad ni Pepsi hindi pa kasama yung kay Pepsi. Kaya wala naman sigurong masama na igastos ko ito sa babaeng gusto ko.

"Napagod ako." ani Vine pagkatapos namin dun sa basketball.

"Nood muna tayo ng movie." sabi ko. Mamaya ko na sya papakainin pagkatapos ng movie para sure na madami syang makakain.

"Sige! Pwede bang yung X-men ang panoorin natin?" masayang sabi ni Vine,napangiti ako,yun din kasi ang gusto kong panoorin mula ng makita ko ang trailer nun sa Youtube.

"Sige! Yun din ang gusto kong panoorin eh!" ang sabi ko naman at umakyat na kami sa 2nd floor kung nasaan ang sinehan.

Bumili muna kami ng pagkain namin,popcorn at cola at ako na ang pumila sa ticket booth.

Ang Lalaki Sa Rooftop TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon