Adkyn's Point of view
Dumating ang araw ng pasukan. Last year as high school. Bagong bago na ang buhay ko. May mga gamit na ako na wala ako noon. Binilhan ako nina Tito at Tita. Si Pepsi nagbayad ng tuition ko,kanya din galing ang allowance ko.
Ayos diba? Mas hahangaan na ako ngayon. Kaso hindi ito ang gusto ko pero wala akong magagawa,hindi ko pa din tanggap ang mga nangyayari sa buhay ko. Itatago ko na lang na lihim yon. Sobrang nakakahiya kung malalaman ng lahat na engagaed ako sa isang lalaki na mas matanda sa akin.
"Oy tol. May bago daw naghahari harian dito? Mukhang kakalabanin tayo." ang pagsalubong sa akin ni Rhys. Dito pa din kasi ako sa dati kong school.
"Talaga? Masaya yan. Matagal ng hindi napapractice ang mga kamao ko eh." ani ko. Magsasalita na sana ako ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa. Ang gagong si Pepsi ang tumatawag.
"Uy! Bagong cellphone! At ang cup mo tol,mahal yan ah?"
"Baliw. Sagutin ko muna to." at sinagot ko ang tawag. "Ano na naman yon?"
"Tarantado ka! Bakit sa mga marumi kong damit mo nilagay ang marumi mong damit? Nandito pa brief mo oh??" singhal sa akin ng gago kaya nainis din agad ako.
"Mamaya ko yan aayusin! Bakit mo ba pinapakealaman ang brief ko? Hindi ko nga pinapakealaman ang brief mo!" singhal ko. Nanlaki ang mga mata ni Rhys sa narinig nya.
"Sa susunod,isabay mo sa pagligo ang paglaba ng brief mo! Baka bumaho tong mga damit ko." sagot ni Pepsi na lalong nagpakulo sa dugo ko.
"Hindi mabaho brief ko! Damit mo mabaho madumi naman na yan kasi! Baka ikaw nga mabaho ang brief!" at agad kong pinutol ang tawag. Buwisit talaga ang matandang iyon.
"Ano yon tol? Brief ang usapan ah?" ani Rhys. Hindi ko sya pinansin at naglakad na. "Wow! Gold ring at sa palasinsingan pa talaga? Engaged ka na ba?" dagdag pa nito kaya napatigil ako sa paglalakad. Uupakan ko tong isang to eh.
"Regalo ng ninang ko. Dyan nagkasya eh." ang pagsisinungaling ko at naglakad ulit.
Dahil ang totoo. Engagement ring nga ito. Binilhan kami ni Tita. Ayaw na ayaw ko talaga pero nakakahiyang tumanggi sa harapan nila,ang mahal pa naman nito. Nagwala nga si Pepsi nun eh galit na galit,akala naman nya sya lang ang may ayaw.
Ang sabi pa ni Tita para sure daw talaga at wala ng magtatangka. Pumayag na lang ako,plano ko kasing sa bahay na lang isuot at paglalabas ako ay tatanggalin ko. Kaso tang inang singsing hindi na matanggal,parang nananadya talaga.
"Sana may ganyan din akong ninang." ani Rhys at umakbay sa akin.
"Malayong mangyari yon." nakangisi kong sabi at tinungo na namin ang aming room.
"Ikaw na may mayamang ninang." anito at nagtawanan kaming dalawa.
Sila sila pa din ang mga kaklase ko,maliban dun sa dalawang tahimik na mukhang mga transferee,isang lalaki at isang babae na nahuhuli kong tinitingnan ako.
Sino ba ang dalawang ito?
Nilingon ko yung lalaki,gwapo pero tahimik talaga. Binalik ko ang tingin dun sa babae. Nginitian ko ito kinindatan,bigla itong namula.
Napangiti ako. Gotya! Maganda ka kaya dapat sa akin ka.
Pumasok na ang teacher namin at natahimik na kaming lahat.
"Im Mrs.Rafaela Rodriguez,your English teacher and your adviser. I know you guys know each other,pero may dalawa tayong bagong estudyante." anito at tumingin kami dun sa dalawang bago. "Go here infront and introduce yourself."
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Rooftop Trilogy
General FictionBOYXBOY YAOI BROMANCE This is a trilogy of ANG LALAKI SA ROOFTOP. Two stories in one book ;)