Chapter six!

2.7K 95 17
                                    

Adkyn's Point of view

Ang weird lang,hindi na ako inaaway ni Pepsi kaya naninibago ako. Para bang may nangyari na hindi ko alam? May nagawa ba akong mabuti sa kanya para bigla syang bumait sa akin? Sobrang nakakapagtaka talaga.

"Kumain ka na,sabay na tayo. I'll drop you at your school." ani Pepsi ng maabutan ko syang nag a-almusal,katatapos ko lang din kasing maligo at magbihis.

"Okay." ang sagot ko at naupo. Nagulat pa ako ng sya ang maglagay ng kanin at itlog sa plato ko. Pero hindi na lang ulit ako umimik.

"Yung babaeng kasama mo sa restaurant. Are you courting her?" pagkuwa'y tanong nya sa gitna ng pagkain namin.

"Oo. Gusto ko kasi siya." ang sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

Bakit nya kaya natanong?

"Good. So,pwede nating baliin ang kasunduan. Kung pagka graduate mo ng high school ay napasagot mo sya at kayo padin. Hindi na natin itutuloy ang fix marriage nila sa atin." sabi nya habang nakayuko at kumakain.

Parang kinurot ang puso ko dahil dun. Diba dapat masaya ako sa sinabi nya? Pero bakit ganun? May kirot at panghihinayang.

"G-gusto ko yan." ang tanging nasabi ko kahit pakiramdam ko ay napilitan lamang akong sabihin iyon. "Kalokohan naman kasi ang ipakasal ang parehong lalaki." dagdag ko pa para mas kapani paniwala.

"Basta. Yun ang deal." tumayo na sya dahil tapos ng kumain. Ganon din ako dahil parang nawalan na ako ng gana. Bakit pakiramdam ko pinapamigay nya ako?

Kaya ng nasa kotse na nya kami papuntang school ay tahimik lang ako. Pilit kong kinokontra ang sarili ko,hindi dapat ako nakakaramdam ng ganito. Hindi ito tama,kung ano ang paninindigan ko ng umpisa,dapat hanggang huli ay ganon pa din. Lalaki ako at astig! Kaya dapat hindi ako makaramdam ng ganito.

"Call me kung may kailangan ka and I will be right there." aniya bago ako bumaba sa kotse nya. Tumango lang ako at lumabas na. Hindi ko alam pero parang nawala na ako sa mood.

Pagdating sa classroom ay tahimik lahat at parang mga busy sa binabasa nila. Dun ko biglang naalala na may quiz kami ngayon. Dali dali akong naupo at kinuha ang notebook ko para mag review.

I was right. May quiz nga,buti na lang nakahabol ako sa pagreview. Matapos ang first subject ay may dumating na isang estudyante galing sa ibang section at sinabing hindi makakarating ang 2nd subject teacher namin.

"Bakit parang wala ka sa mood bespren?" ani Rhys ng lumapit kasama sina Calixx at Vhine.

"Wala,mawawala din ito mamaya." sagot ko at bumaling kay Vhine. "tara kain tayo."

"Sige,san naman?" nakangiting sagot ni Vhine. Dapat sya ang pinagkaka abalahan at iniisip ko hindi si Pepsi.

"Kitams! Pag nandyan si Vhine etsapwera tayo!" reklamo ni Rhys. "Tara sa labas Calixx at mag arcade."

"Ikaw na lang. Madami pa akong kailangan basahin." sagot ni Calixx,agad napasimangot si Rhys.

"Tara na." tumayo na ako at hinila si Vhine palabas ng classroom.

Sa isang Icecream Parlor kami nagpunta at dun na din kumain. Nagkekwento si Vhine pero lumilipad ang isipan ko.

Anong ginagawa na kaya ni Pepsi? Kasama nya kaya yung babaeng kasama nya sa restaurant? Kaya ba sya nagsabi ng ganun kanina dahil yung babaeng iyon ang gusto nyang pakasalan at hindi na ako? Tangina pala nya eh.

Ugh! Ano ba tong mga iniisip ko? Nababakla na ba ako kay Pepsi? Hindi naman siguro nakakabakla yung ginawa namin diba? Tinulungan lang namin makaraos ang isa't isa. Normal lang naman siguro iyon.

Ang Lalaki Sa Rooftop TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon