Adkyn's point of view
"Sino gumawa nyan sayo?" ang biglang sabi ng gagong si Pepsi na ikinagulat namin.
"Nauna naman syang manakit!" ani Leo.
"Kung hindi kayo nanukso hindi aabot sa ganon!" ang galit ko namang sabi.
"Masyado kasi kayong papansin mga brad!" ani Rhys habang hinihimas ang pisngi,napuruhan din ata ang bestfriend ko.
"Okay! Students calm down!" ani ng Guidance councilor namin. "Mister?" ang baling naman nito kay Pepsi.
"Pepsi Arellano." sagot nito.
"Leo,at kayong mga kasama nya,dalhin nyo dito bukas ang mga magulang nyo or you will be expel."
"Pero Maam!" ang angal ni Leo.
"Wala ng pero pero." final na sabi nito at bumaling kay Rhys. "At ikaw? I'll call your parents later."
"Tita naman!" ang reklamo ni Rhys. Tita nya kasi ang Guidance councilor.
"You heard me Rhys!" galit na sabi nito. "Pwede na kayong lumabas. Mag uusap pa kami ng guardian ni Adkyn."
Tumayo na kami,tiningnan ako ni Pepsi,tinanguan ko lang sya at lumabas na kami.
"Humanda ka pag na expel kami!" ang pagbabanta ni Leo.
"Gusto nyong makatikim ulit? Alis na!" at umamba akong susuntok. Masama nila akong tinitigan bago umalis.
"Sino ba yung Pepsi na yon? Sya din yung kanina diba?" ani Rhys ng tumabi sa akin.
"Bago kong guardian." simple kong sagot.
"Bagong guardian? Nasan sina Tito at Tita?" taka nyang tanong. Napabuntong hininga ako. Sasabihin ko ba o hindi?
"Basta."
"Adkyn,Rhys." ang boses ni Vine,kaya nilingon namin. Kasama nya pa din si Calixx.
"Okay na ba?" ang tanong ni Calixx,nginitian ko si Vine at kinindatan.
"Ang dami nyong mga pasa." sabi naman ni Vine.
"Mawawala din to." sabi ko at ngumisi.
"Okay na siguro. Nasa loob pa Guardian ni Adkyn eh." sabi ni Rhys at nilingon ang guidance office.
Ano kaya mga pinag uusapan sa loob? Paniguradong patay ako nito. Mag aaway na naman kami ni Pepsi.
Biglang bumukas ang pinto at lumabas si Pepsi na seryoso. Agad itong lumapit sa amin.
"Lets go Adkyn. Kakausapin ko pa yung Leo." anito at hinila ako sa braso.
"Teka! Hindi na kailangan yon!" ani ko at pumiksi. Napatingin ako sa tropa,nakatingin sila sa amin.
"Kailangan yon. Now,come with me,samahan mo ako sa kanya." anito at hinawakan ulit ako sa braso. Gusto kong umangal dahil para akong nakuryente. "Guys,salamat sa inyo huh? Iuuwi ko muna si Adkyn. Madami kaming pag uusapan." ang baling nya sa tropa at hinila na ako. Tinanguan ko na lang ang tropa.
Nasa covered walk na kami ng mamataan ko si Leo at ang mga tropa nya.
"There he is." ani Pepsi at lumapit sa mga ito. Sumunod ako,baka kasi kung anong lumabas sa bibig ni Leo at maupakan ko na naman sya ng wala sa oras.
"Bakit?" maangas na tanong ni Leo sa amin hindi pa man kami nagsasalita.
"Kung ano man ang pinag awayan nyo nito ni Adkyn,kalimutan nyo na yon. Ayokong uuwi ulit ito sa bahay na puro dugo at pasa ang mukha. Dahil kung mangyari ulit ito, mananagot kayong lahat." anito na ikinanganga ko.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Rooftop Trilogy
Genel KurguBOYXBOY YAOI BROMANCE This is a trilogy of ANG LALAKI SA ROOFTOP. Two stories in one book ;)