Chapter four!

2.9K 91 2
                                    

NOTE: Pasensya na kung natagalan,alam nyo naman,hirap akong makapag internet. Maikli lamang ang chapter na ito bilang pantawid sa susunod na chapter. At ang chapter na ito ay sana matandaan nyo na nangyari din sa ALSR :) ENJOY READING. Vote and comment po kung nagustuhan.

-

Pepsi's Point of view

Nandito na ako ngayon sa kotse at hinihintay ko si Adkyn,pupunta na kami kina Seven at ayaw ni Pyro na umalis si Adkyn.

Hindi ko alam kung anong spell ang ikinast ni Adkyn sa kapatid ko at gustong gusto sya.

Pero hindi yon ang bumabagabag sa akin. Kundi ang ginawa namin sa Banyo.

Shit! Nag make out kami. And I kissed him too! Damn! Anong pumasok sa isip ko at ginawa ko yon? Wala ako sa tamang pag iisip ng mga panahon yon siguro.

Shit talaga! Ginawa ko ba talaga yon?

Pero kasi.. Ugh! Shit! I don't want to think about it anymore.

Nagulat pa ako ng bumukas ang pinto ng frontseat. Tahimik na naupo si Adkyn at nag seatbelt.

"Kailangan ba talaga akong sumama?" tanong nya na diretso ang tingin sa harap.

"Oo. Wala tayong choice." sagot ko at binuhay na ang makina.

Buong byahe kaming walang imikan. Wala din naman akong balak magsalita,hindi ko hilig makipag usap ng matagalan sa lalaki kung hindi ko naman tropa. Besides magkaiba ang laman ng mga isipan namin.

At isa pa,medyo naiilang pa din ako dahil sa nangyari kanina.

Damn! Dapat hindi ko na iniisip yon,kunwari ay hindi na lamang iyon nangyari. Kunwari ay walang naganap na ganon.

Tinigil ko ang kotse sa harap ng bahay nina Koy. May mga kotse na ding nakapark,panigurado,nandito na yung bisita ni Tito Koy. Ang salu-salong ito kasi ay para sa pagbalik ni Koy sa company ng papa nya,si Tito Koy.

"Adkyn. Huwag kang gagawa ng bagay na ikahihiya ko sa loob. At isa pa,ayaw ko ng maulit ang nangyari kanina sa school nyo." ani ko bago sya bumaba. Nilingon nya ako at tiningnan ng masama.

"Anong akala mo sa akin? Hindi nag iisip?" at bigla syang lumabas ng kotse. Mabilis akong bumaba ng kotse at sumunod sa kanya na ngayon ay papasok na sa bahay.

"Teka! Hindi ka ba marunong makinig?" ang habol ko ng makapasok kami sa bahay.

Pagpasok namin ay magiliw nila kaming sinalubong. Mabuti at marunong naman pala magpaka bait si Adkyn,ayaw kong mapahiya dito.

Si Koy ang kausap ni Adkyn,ako naman ay ang mga lalaki. Medyo nawiwili na din ako dahil sa mga kwentuhan nila.

Nasa kalagitnaan kami ng inuman ng dumating si Cheena na abot tenga ang pagkaka ngisi.

"Anong meron?"

"Its positive! Two times akong nag PT! And Im three weeks pregnant!" masayang sabi ni Cheena. Napatingin ako kay Koy na biglang namutla.

Buntis sya kay Seven? Gagong Seven to ah? Palagi na lang sinasaktan si Koy!

Biglang tumayo si Koy at nanakbo palabas.

"I think kailangan nating klaruhin ang lahat Cheena. Alam naman nating may mga hindi nakaka alam dito na kunwari lang kitang girlfriend." ani Seven na ikinanganga ko.

The fuck? Nagpapanggap lang sila? Pinagseselos lang nila si Koy? Mga baliw ata ang mga ito eh.

"Im sorry! Na excite lang ako sa pag announce." sabi ni Cheena at humagikgik.

Ang Lalaki Sa Rooftop TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon