Chapter seven!

2.8K 103 28
                                    

Adkyn's Point of view

"Ngiting ngiti ah? Kayo na ba ni Vhine?" ang agad na puna sa akin ni Rhys ng maabutan nya akong naglalakad sa covered walk.

Hindi ko sya sinagot. Pinabayaan ko lang syang mangulit. Aminin ko man o hindi,si Pepsi ang dahilan ng pag ngiti ko. Pagkatapos namin lumabas kasama si Phyro eh namasyal pa kami sa ibang lugar.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nun. Kahit na isang linggo na ang nakakalipas. Parang,parang nagugustuhan ko na sya. Hindi pala,hindi ko sya gusto,mahal ko na sya.

At kung bakit parin ako nakangiti ngayon,iniabot nya kahapon ang regalo daw nya sa akin for being a good brother to Phyro,isang iPhone 5s ang binigay nya. Sobrang saya ko nun. Bininyagan agad naming dalawa,nag picture taking kami tas yung picture naming dalawa ang ginawa kong wallpaper at homescreen.

Alam kong kabaklaan na itong nararamdaman ko,pero hindi ko na kasi malabanan eh. Nag iisip na nga ako kung aamin na ba ako o hindi? Gusto ko ng sabihin sa kanya na huwag na lang ituloy ang deal. Dahil gusto ko matuloy ang kasal namin.

Ganito pala pag nagmamahal? Ang sarap sa pakiramdam! Hindi bale ng pareho kaming lalaki,ang mahalaga mahal ko sya.

Ang nagpapalungkot lang sa akin ay hindi ko alam kung anong nararamdaman nya para sa akin? Ang bait na kasi talaga nya at ang sweet. Gusto ko na syang tanungin pero parang hussle naman iyon,ako ang bata pero ako ang magtatanong.

"Tangina,dami kong sinabi hindi ka talaga sumagot." sabi ni Rhys ng nasa tapat na kami ng classroom.

"Hindi kami ni Vhine. Iba ang gusto ko." sagot ko na lamang na ikina nganga ni Rhys.

"Diba nililigawan mo sya? Paanong?"

"Ititigil ko na at kakausapin ko sya." sabi ko. Papasok na sana ako sa classroom ng makita ko si Vhine na nasa pintuan. Bigla akong kinabahan,pero ngumiti pa din ako at binati sya. "Good morning!"

Ngunit walang imik nya akong tinalikuran. Napatingin ako kay Rhys na nagulat din.

"Patay! Narinig tayo." aniya. Bumuntong hininga ako. Mabuti na siguro iyon,atleast hindi na ako mahihirapang magpaliwanag. At saka mabuti ng maaga pa lang ay maayos na.

Buong araw na hindi ako pinansin ni Vhine,kahit nung recess at lunch break. Hindi ako makatyempo na kausapin sya kasi lagi nyang kasama si Callix.

Isa pa yang Callix na yan,napaka misteryoso. Hanggang ngayon wala pa din akong alam sa kanya,si Rhys at Vhine lang naman ang lagi nyang kinakausap.

Kaya nung uwian na ay sinundan ko talaga si Vhine. Nang paliko na sya papunta sa gate ay mabilis ko syang hinila papunta sa likod ng isang kotse.

"Bakit?" ang agad nyang tanong. Malungkot sya pero napakaganda pa din. Kaya lang,nawala na yung pagtingin ko sa kanya eh.

"Mag usap lang tayo saglit." ang agad kong sabi at tumingin sa paligid.

"Tungkol naman saan? Pakibilisan at madami pa akong gagawin sa bahay." aniya at tumingin sa ibang direksyon.

"Tungkol kaninang umaga. Alam kong narinig mo yon kaya hindi mo ako kinikibo. Patawarin mo sana ako sa nasabi ko pero yun ang totoo." ang sabi ko sa kanya. Nilingon nya ako at hinawi nya ang buhok nya.

"Okay lang yun. Atleast maaga pa lang,alam ko na. Gusto kita pero hindi pa naman ganun katindi. Medyo nagtampo lang ako." mahina nyang sabi.

"Sorry talaga. May nagbago kasi sa akin at unti unti ko pa lang itong kinikilala at tinatanggap." ang agad kong sabi.

"Ano ba ang nagbago sayo?"

Huminga ako ng malalim. Ayoko man,pero kailangan kong sabihin,ng mahalin ko si Pepsi ay nagbago na ako,natuto na akong magpakumbaba,natuto na akong tumanggap ng pagkakamali at lunukin ang pride ko.

Ang Lalaki Sa Rooftop TrilogyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon