"Kuya! Wake up! Kuya Adkyn is here!" dinig kong paulit ulit na sinasabi ng bunso kong kapatid na si Pyro.
"I don't care! Now let me go back to sleep!" ang mahina kong sabi sa kapatid ko at sinubsob ko ang mukha ko sa unan.
Narinig ko na lang na humikbi ito kaya napabalikwas ako ng bangon. Shit! Masamang pinapaiyak ang kapatid kong ito. Matagal tumigil sa pag iyak.
"Youre so bad! Im gonna tell Mama and Papa! Huhu! Kuya Adkyn is crying! And now Im crying! Youre bad! I hate you!" anito at nanakbo palabas ng kwarto ko. Dali dali ko itong hinabol. Nasa puno na ito ng hagdan at kinarga ko.
"Sshhh..Don't cry na! I will just change my shirt,lets go to my room first." ang paglalambing ko dito at tinungo ang kwarto ko. Inilapag ko sya sa kama at nagbihis ako.
"You said Adkyn is crying? Bakit baby Pyro?" ani ko habang nagbibihis.
"Ewan. Nag cry ako nung nag cry sya eh." anito. Napangiti at napailing ako. Napaka maawain nitong kapatid ko.
"Ganon ba? Tara,baka hinihintay na nila tayo." binuhat ko na ulit sya at bumaba na kami. Nasa living room sina Mama and Papa kasama si Adkyn na may mga dalang bag.
Binigay ko kay Papa si Pyro at naupo ako sa couch na nakaharap kay Mama.
"Anong meron?" ani ko at saglit na tinapunan ng tingin si Adkyn na namumula ang mga mata pati ang pisngi.
"Dito na titira si Adkyn. Naaksidente ang mga magulang nya. Dead on arrival." ani Mama.
"Kuya Adkyn! Karga!" outburst ni Pyro. Kailan pa sila naging close? Kung tama ang memory ko, two weeks pa lang ang nakakalipas ng makilala ko sya.
"Pyro! Mamaya na." suway ni Papa. "Napalibing na ng mga kamag anak nya ang kanyang mga magulang,pero walang gustong kumupkop sa kanya. At ikaw bilang future husband nya ang mag aaruga sa kanya,dito sya titira at ikaw ang magpapa aral sa kanya." mahabang dagdag ni Papa.
Napangiwi ako sa sinabi nyang future husband. They're really at it,at hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap.
"Its okay with me. Dito sya titira at pag aaralin ko sya. But please,tigilan nyo na yang mga ka aningan nyo po. Can't you see? Pareho naming ayaw! Babae ang gusto naming mapangasawa!" ang sabi ko naman.
"Mawawala ang lahat sayo pag hindi ka sumunod." banta ni Papa. Napanganga ako. Bakit kailangan nila akong takutin? Ano bang iniisip nila?
"Okay lang naman po Tita at Tita kung hindi pwede. Wala lang talaga akong malapitan." sabi ni Adkyn habang nakatingin sa akin.
"Don't say that anak. Kami ang bahala." ani Mama. Parang gusto ko na tuloy mapamura.
"Magsasama kayo ni Pepsi sa iisang kwarto." dagdag ni Papa na ikinanganga ko.
"What?! That's too much! May guestroom naman!" ang agad kong sigaw. Ano ba naman ito?
"That's final!"
"Okay! Basta huwag lang nya ako papakealaman at iinisin." ang walang magawang sabi ko na lang.
"Samahan mo sya sa kwarto."
"Me! I will come! Kuya Adkyn!" nakita ko na lang na kinarga ni Adkyn si Pyro. Naglakad na ako at sumunod sila.
Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. May utang sa isang pamilya ang mga magulang ni Adkyn,mga magulang ko ang nagbayad at bilang pagtanaw ng utang na loob ipapakasal nila sa akin si Adkyn. Seriously? Anong akala nila? Babae ang anak nila o ako ang iniisip nilang babae? At hindi ko din alam sa mga magulang ko kung bakit sila pumayag sa ganitong set up. Set up ng kabaliwan at kalokohan.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Rooftop Trilogy
General FictionBOYXBOY YAOI BROMANCE This is a trilogy of ANG LALAKI SA ROOFTOP. Two stories in one book ;)