Chapter One

57 8 0
                                    





-RAEKO-






AFTER 40 Days ng pagkamatay nila Nanay at Tatay ay nagsimula narin kaming magkapatid na mag-empake ng mga dadalhin naming gamit sa pagluwas sa Maynila bukas.

Hindi pa naman aabot ng apat na oras ang biyahe mula dito sa Nueva Ecija, kaya ayos lang na umuwi kami dito minsan.


"Ross, ayos na ba lahat ng bagahe mo?" tanong ko habang isinasalansan ang ibang gamit namin na maiiwan dito sa bahay.


"Oo ate, ok na lahat pati na mga papeles ko for transferring sa ibang school." sagot nya habang nakahilata sa sala.

'Kelan kaya sisipagin tong kapatid kong batugan. Hay naku..iniistres nanaman nya ko.. hiyang hiya talaga ako sa kasipagan nya.. ni hindi man lang ako tulungan ayusin ang kalat dito sa sala. Buti nalang patapos nako sa pag salansan at pagtatakip ng kumot sa mga maiiwan naming kagamitan dito sa bahay'.
















----









K I N A B U K A S A N ...














"Tao po!  Raeko, Rosss.. where na you?! dito na me !! gumising na kayoo yuhoooo !!!" katok sabay sigaw na tawag samin ng tao sa labas na walang iba kung hindi si....


"Anu ba yan ate Raakel ang aga aga pa nambubulabog ka na! kakatulog ko lang ginigising mo na kame!" nakasimangot na bungad ni Ross sa pinto.

"Hoy bata! sinisigawan mo ba ang dyosang katulad ko?! aba, kasalanan ko ba kung alas singko ka na umuwi at natulog?!.. aba aba aba.. hindi porket mas tumangkad ka na ginaganyan mo na ako ha! nakakasakit ka na ng puso't damdamin ..huhuhu grabe ka sakin di na kita bati.. ayheytchuu!!" pageemote ng bff ko ..akala nya naman madadala nya yung isa.. e mas malala pa sa kanya yun hahahaha.. parang ma-aaning ako ng tuluyan kung yang dalawang yan ang makakasama ko sa araw-araw.



"Nagugutom na sana ko kaso umurong nung binanggit mong dyosa ka beb, parang nasusuka tuloy ako." kunwari'y diring-diring biro ko.

"Beb, ganyanan na ba?! parang walang pinagsamahan?!" patuloy na pagiinarte nya sakin.


"Di naman beb, kaw talaga.. wag ka na ma emote jan, di mo yan ikagagandang lukaret ka." natatawang ismid ko sa kanya.


"Tseeh!! kayong magkapatid. ang eepal nyo! di ko na kayo bati." sabi nya sabay belat. Luka luka talaga.


"Osha, ngayon na ba tayo aalis beb?" pagkuwa'y tanong ko.


"Oo sana kung hindi lang natulog ulit yang si Ross sa sofa!" sabay turo sa kapatid kong nakahilata nanaman. "Hoy, Ross Nikollo gumising ka jan at maligo nang mahimasmasan ka, sa byahe kana matulog ulit.. aalis na tayo ngaun. Gumayak na kayo ng ate mo." mando niya sa aming magkapatid.


"Eto na nga dyosa." yamot na nagkakamot pa sa ulong sagot naman  ni Ross.


"Ayan ganyan,matuto ka.!"



"What ever dyosa!  Diyosa ng mga luka luka!!" pang asar ni Ross sabay takbo sa kuwarto para maligo.



---


after 4 hours..


Andito na kami sa bahay nila Raakel, medyo maliit yun lugar pero okey naman na para sa amin, buti nalang talaga may matitirhan na kami dito. Makiki-share nalang ako sa bayarin para hindi naman nakakahiya. "Beb, salamat ha .. sinama mo pa talaga kami hanggang dito sa Maynila."

The One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon